*CHAPTER 23* "Mahal mo na rin ba ‘ko?" "Bakit mo natanong?" tanong ko at napaisip ako bigla. Never ko nga pala siyang nasabihan ng I love you. Sa aming dalawa, siya lang ang palaging nagsasabi ng tatlong salita na ‘yon. "Para malaman natin ‘yung sagot sa tanong mo, na kung ano tayo pagkatapos ng isang buwan." Ano raw? Ako nga ‘yung nagtatanong tapos ‘yung sagot sa ‘kin din manggagaling. Ang gulo! Hinawakan ni Cedrick ‘yung kanang kamay ko at saka hinalikan. "Pag-isipan mo mabuti ang sagot Alli, maghihintay naman ako." Hininto niya ‘yung bike dahil nasa may tree house na pala kami. Inalalayan niya ‘kong bumaba ng bike, kinuha ko naman ‘yung maliit na basket na may lamang pagkain kaso kinuha niya rin agad sa ‘kin dahil siya na lang daw ang magdadala. Habang kumakain kami ni Cedrick sa il

