*CHAPTER 19* Sobra talagang nalungkot si Abby nang malaman niya na may girlfriend na si Ian, kaya kinabukasan itinapon niya lahat ng koleksiyon niya. Mga magazines na kung saan may mga article raw tungkol sa banda nila Ian, CD, tickets ng mga shows nina Ian na napuntahan na niya, at ‘yung picture ni Ian na hindi ko alam na lagi palang nakaipit sa ilalim ng unan niya. Tinanong ko nga sa kanya bakit nasa ilalim ng unan, ang sagot naman niya ayaw raw niya ilagay sa frame kasi raw sa mga nakikita raw niya sa palabas sa TV at movies, kapag nabasag daw ‘yung picture frame may masamang mangyayari. Pero ngayon daw ‘di na siya naniniwala doon kasi wala nga raw picture frame na nabasag, pero durog naman daw ‘yung puso niya dahil kay Ian. Pagkasabi niya no’n umiyak na naman siya. "Allison pakitapon

