*CHAPTER 18* Madilim na nang makarating kami sa school. Walang tao sa labas since Sabado at nagsiuwian ‘yung mga estudyante sa kanya-kanya nilang mga bahay at may curfew kami. And speaking of curfew, muntik na ‘kong ‘di umabot dahil fifteen minutes na lang curfew na! Pinahinto ko sa kanya ‘yung motor sa ‘di naman kalayuan sa school namin. Inalalayan pa niya ‘ko sa pagbaba ko. "Sige ba-bye na!" Ikinaway ko pa ‘yung kanang kamay ko. "‘Tsaka thank you!" Agad akong tumalikod at madaling naglakad. Hindi ko kasi alam kung paano ‘yung tamang pagpapaalam sa kanya, lalo na’t iba na ‘yung sitwasyon ngayon dahil boyfriend ko na siya. Kailangan ba may goodbye kiss o goodbye hug? Sa mga nababasa ko kasing libro may ganon. Nakakailang naman. Ano ba ‘yan!? "Alli, masyado ka namang nagmamadali. Wait la

