"Aalis ka na naman?" tanong ni Kamille kay Franco. Ito na ang naghatid sa kanya sa Restaurant at pati na din kay Mathew sa school. Nauna nilang hinatid ang bata kasama ang Yaya nito. "Babalik naman ako sa isang araw Mahal. Kailangan ko lang dalawin ang Hacienda," sagot nito sa kanya. Nabanggit nito sa kanya na muli nitong binuhay ang lupain na iyon. Natutuwa sya na sa kabila ng mga nangyari para parin pala sa kanya ang mga ginawa ni Franco, at ang Hacienda na akala nya'y binili nito para sa sariling interes ay hindi pala totoo. Para iyon sa kanya. Ito ang matagal ng plano ni Franco kaya ito umalis, alam nito kung gaano kahalaga sa kanya ang Hacienda kaya ginawa nito lahat upang mabawi iyon. Hindi masama ang intensyon nito ng bilhin nito iyon sa ama nya, pinabuti lamang nito ang lupa dahi

