Kanina pa nagdadalawang-isip si Kamille kung susunod ba sya sa Hacienda. Kahapon umalis si Franco at ngayon na wala syang masyadong gagawin sa resto ay iniisip nya kung susunod sya doon. Namimiss na rin nya ang lugar at gusto nya iyon makita. Wala naman pasok ngayon si Mathew kaya sa huli ay pinasya nyang sumunod kay Franco. Hinahanap ni Mathew si Franco buhat pa kahapon at tiyak na magiging masaya ang anak nya kapag sinama nya ito papunta sa binata. Isa pa ay maililibot nya muli ito sa magandang lugar na pag-aari nila dati. Sakay ng kanyang kotse ay tinungo nya ang Hacienda at halos tatlong-oras ang naging byahe doon. Nakatulog na si Mathew sa tabi nya at nagising lang ito ng iparada nya ang sasakyan sa gilid ng malaking gate. "Mommy nasaan na po tayo?" pupungas-pungas pa si Mathew sa

