Kahihinto lamang ng ulan at tila sumabay ang pagbuhos nito sa damdamin nila kanina ni Franco. Nasa loob na sila ngayon ng bahay at kasalukuyan nyang ginagamot ang kamay ng binata na mayroong sugat. Pinasuot nya kay Franco ang isang short na ireregalo sana nya kay Edward bago ito maaksidente. Topless ang binata at tumutulo pa ang basang buhok nito. Bahagya nitong inatras ang kamay nang dampian nya iyon ng alcohol. "Sorry masakit ba? Wala kasing betadine hindi ko alam kung saan ko nailagay," sabi nya, hindi naman ito kumibo at seryoso lang itong nakatingin sa kanya. Pinapanood sya nito, namumula pa rin ang mata nito at ganoon din ang labi nito. Napakurap sya ng mapako roon ang mga mata nya. Shit Kamille! Tumigil ka! "K-kukuhanan lang kita ng tuwalya sa itaas," tumayo sya at akmang ma

