"Nooo!" umalingawngaw ang sigaw ni Kamille at nanginginig na hinawakan nya ang kamay ng kanyang asawa ngunit tila malamig na ito. "No Hon please! Wake up! Wake up please!" halos maglupasay na sya at magmakaawa habang sinusundan ang mga nurse kung saan nito dadalhin ang asawa nya. Naaksidente si Edward at nasapul ito ng rumaragasang truck habang nagmamaneho papasok sa trabaho, duguan ang katawan nito at walang malay. Tiningnan nya ang ina na humahangos ding nagtungo sa ospital na kinaroroonan nya. Hilam sa luha ang mga mata nya, kulang na lang ay sumama sya sa loob ngunit hindi sya pinayagan ng doktor na pumasok. Naramdaman nya ang paghagod ng kanyang ina sa likod nya. "Shhh, maililigtas nila si Edward anak maliligtas sya," pag alo nito sa kanya ngunit alam nyang kritikal ang lagay ng

