Buong magdamag na nakatitig lang si Kamille sa kabaong ng kanyang asawa. Kakauwi lamang ni Franco at sakto naman na kadadating lang ng Daddy nya. Hindi nya ito pinansin ng maramdaman nya ang pagtapik nito sa balikat nya. Mugto ang mga mata nya at pakiramdam nya'y nanginginig na ang tuhod nya. "Mommy bakit nandyan si Daddy hindi ba sya gigising?" naiinosentihang tanong ng anak nya. Wala man lang itong kamuwang-muwang at yun ang labis na nagpapasakit ng loob nya. Paano nya ba ipapaliwanag sa anak nya na wala na si Edward? Paano nito maiintindihan? Kahit nanghihina sya ay kinalong nya ito at tiningnan ang parang natutulog lang na si Edward. "Anak nasa Heaven na si Daddy," mahinang sabi nya at pinahid ang luhang naglandas sa pisngi nya. "Mommy bakit ka po umiiyak? Gigising pa po ba si Dadd

