Mabilis na narating ni Kamille ang Hacienda Monreal, matagal ng wala roon ang mga dating tauhan nila dahil nga hinayaan nyang ang ama nya ang mamahala ulit noon. Hindi na nito pinataniman ang lupa. Sarado ang malaking gate at napansin nyang iba na rin ang naging kulay noon. Para bang bagong pintura. Tiningnan nya ang anak sa gilid nya, hindi ito ang unang beses na napunta ang bata sa lugar na iyon dahil minsan syang dumalaw sa magulang nya na kasama nya ito. "Mommy bakit po binago na ang kulay ng gate?" tanong ni Mathew sa kanya. "Kasi anak mayroon ng bagong may ari nito eh. Mayroon ng ibang nakatira sa tinitirhan nila Lolo Ricky at Lola Verna mo," sagot nya sa anak. Kumunot naman ang noo nito na tila ba nagtataka. "P-po? Eh di wala na po tinitirhan sila Lolo at Lola? Mommy dun na lan

