*FRANCO's POV* Pakiramdam ko tumigil ang oras sa mga sandaling kausap ko si Mathew. Nakakaaliw syang kausap. Magalang at malambing na bata. Nakikita ko sa kanya si Kamille, kung gaano ito kagiliw noon sa mga tauhan ng Hacienda. Yeah she's always amazing. Madali pakisamahan at mabuting tao. Hindi ko nakita na tinrato nya ng iba yung mga tauhan ng hacienda. Para nya itong pamilya at aaminin kong isa yun sa mga hinangaan ko sa kanya. Tiningnan ko sya at seryoso lang syang sumusulyap sa mga halaman, paminsan minsan ay napapatingin sya sa gawi namin. "Tito Franco mayroon po ba kayong girlfriend?" Nagulat ako dahil sa biglang tanong ni Mathew. "Bakit mo naman natanong yan?" nagtatakang sabi ko. "Wala lang po, kasi po yung ibang friend ni Daddy may kasama silang girlfriend kapag pumupunta

