"Mommy bakit naman hindi nyo sinabi sa akin agad na ganoon na pala ang nangyari at bumalik na naman si Daddy sa pagcacasino?" Nanlulumong tiningnan ni Kamille ang kanyang ina habang abala naman ito sa pagyakap at pagyapos sa apo nitong si Mathew. Bumaling sa kanya ng tingin ang ina at nagsusumamong humingi ulit ito ng pasensya. "Anak pasensya kana, hndi ko rin talaga alam. Hindi ko pinagtatakpan ang Daddy mo ngayon, wala talaga akong kaalam-alam sa nangyaring pagbebenta nya na naman ng mga ari-arian natin. Diyos ko! Nakakahiya kay Edward!" malungkot itong yumuko. Nakaramdam sya ng awa sa ina. Hanggang ngayon tila wala man lang itong kapangyarihan para kontrolin ang ama nya. Di nya ito masisisi, masyadong makasarili ang Daddy nya at hindi iniisip ang kinabukasan ng pamilya nila. Di nya

