KABANATA 52

2043 Words

Walang mapagsidlan ang kaligayahan ni Franco habang nakahiga sya sa tabi ni Kamille. Hinahagod naman nito ang buhok nya habang si Mathew ay doon natulog sa tabi ng lolo at lola nito. "Mahal?" pukaw nya kay Kamille. "Hmm?" "Sundan na natin si Mathew," hinarap nya ang mukha ni Kamille at ngayon ay halos magdikit na ang mga labi nila. Bumaba ang tingin nya sa mapulang labi nito at napakurap naman si Kamille. "Agad?" nakangiting sabi nito. "Oo ayaw mo pa ba?" "Pwedeng next year na lang?" Nalaglag ang balikat nya dahil sa sinagot ni Kamille pero napawi naman iyon nang magsimulang kumawit ang mga braso nito sa leeg nya. Ilang saglit nitong pinagmasdan ang mukha nya bago pinagdikit ang ilong nilang dalawa. "Pwede naman tayong gumawa pero hindi pa ko ready mag-anak ulit," anito sa kanya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD