"Mahal kinakabahan ako," nag-aalangan na tiningnan ni Kamille si Franco habang lulan sila ng sasakyan patungo sa bahay ng magulang nito. Pinisil nito ang kamay nya kahit abala ang mga mata nito sa pagmamaneho ng sasakyan. "Wag kang kabahan magugustuhan ka nya," "Pero paano kung–" Pinutol ni Franco ang sasabihin nya sa pamamagitan ng mabilis na pagdampi nito sa labi nya. "Daddy naman baka mabangga po tayo nyan eh," reklamo ng anak nila sa backseat. Nakatingin pala ito sa kanila ni Franco. "Sorry anak," ani Franco at napakamot sa batok nito habang umiiling. Hindi nya maiwasan ang matawa, medyo nahiya pa sya sa anak nila dahil sa ginawa ni Franco. Ilang oras din ang naging byahe nila bago huminto ang sasakyan ni Franco sa tapat ng isang magarang mansyon. Napakalaki niyon at binuksan ng

