Kinagabihan ay tinawagan ni Franco si Yael mula sa telepono. Sinabihan nya ito na ito muna ang bahala sa kompanya. Madali naman syang naunawaan ni Yael at mukhang excited pa nga ito sa binabalak nya. Ikinuwento nya kasi dito ang kasal na binabalak nya. Hinding-hindi na nya papayagan na makawala pa si Kamille sa kanya kaya aasikasuhin na nya iyon sa mas lalong madaling panahon. "Mahal sinong kausap mo?" tanong sa kanya ni Kamille na kasalukuyang binibihisan ang anak nilang si Mathew. Kakatapos lang nitong linisin ang anak nila. "It's Yael," tipid naman na sagot nya dito. Gusto nyang sorpresahin si Kamille kaya hindi muna nya pinapaalam dito ang tungkol sa kasal. "Daddy I want to sleep with Lola Mama," ani Mathew. Nakasuot na ito ng ternong pantulog, kulay asul ang pajama nito na sonic an

