Hindi alam ni Kamille kung bakit kahit malamig ang panahon ay tila nag aapoy ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Franco, ang lapit-lapit na ng mukha nito sa kanya at naglalaro ang pilyong ngiti sa labi nito. Magkakrus ang dalawang kamay nya sa dibdib at marahan nitong inalis ang mga kamay nya sa pwestong iyon. Tinaas nito ang baba nya at napako ang mga mata nito sa mapulang labi nya. Napapaso sya sa bawat titig nito pero pinilit nyang labanan iyon kahit ramdam nyang nanlalambot na ang mga tuhod nya. Ganoon kalakas ang epekto nito sa kanya. Napapikit sya nang marahan nitong dampian ng halik ang balikat nya. Nag-aapoy ang mga mata nito ng muling bumaling ng tingin sa mga mata nya. Masuyo nitong hinalikan ang labi nya, pakiramdam nya'y ganoon na lamang nya ito namiss samantalang halo

