Mahigpit na hinawakan ni Franco ang kamay niya pagkapasok nila sa Hacienda. Hindi nya alam kung bakit ganoon na lamang ang kabang nararamdaman nya habang papalapit ang mga yapak nila sa Mansyon. Naramdaman nyang pinisil ni Franco ang kamay nya. Hindi pa man sila nakakatungtong sa loob ay bumukas na agad ang pintuan at niluwa niyon ang Daddy at Mommy nya. Gulat na gulat ito nang makita sya, nakangiti ang Mommy nya samantalang ang Daddy naman nya ay mapanuring tingin ang ibinungad sa kanila. Naramdaman nya ang mahigpit na pagyakap ng Mommy nya sa kanya. Bibitaw na sana sya sa pagkakahawak nya sa kamay ni Franco upang mawala ang tensyon sa tingin ng Daddy nya sa kanila pero hinigpitan ni Franco ang paghawak roon at hindi sya binitawan. Sunod na tumingin ang Mommy nya sa kamay nilang magk

