Ang araw na pinakahihintay nya ay heto na. Mugto man ang mata ay taas noo syang papanik ng stage kasama ang kanyang ina. Nasa sasakyan sila ngayon at kasama rin ang kanyang ama. Ang driver nilang si Art ay kanina pa sya tinitingnan sa salamin ng sasakyan. Siguro ay nagtataka ito sa pamumugto ng kanyang mata, hindi lamang ito makapagtanong dahil ramdam ang init ng tensyon sa loob ng sasakyan. Tahimik ang Daddy nya samantalang ang kanyang ina naman ay pinipilit na maging masaya ang araw na ito. Abot ang puri nito sa kanya na tila ba labis itong nasisiyahan para sa kanya. Bukod pa sa galit ng ama nya dahil sa kanila ni Franco ay pansin nya na tila ba malalim ang iniisip nito. Hindi nya lang alam kung ano iyon at wala syang balak pang alamin dahil hindi naman sila nagkikibuan ng kanyang ama

