Tahimik lamang si Kamille nang huminto ang sasakyan nila sa isang restaurant. Kakain na lang daw sila sa labas bilang selebrasyon para sa kanyang pagtatapos. Tahimik pa rin ang kanyang ama samantalang pinipilit naman maging masigla ng kanyang ina. "Pwede bang isantabi nyo muna ang alitan nyong mag ama? Kahit na ngayon lang," pakiusap nito. Sinulyapan nya ang kanyang ama na ngayo'y seryoso pa rin habang nagpapakawala ng malalalim na buntong hininga. Hindi nya alam kung anong nasa isip nito pero ramdam nyang may mali. Umorder na sila ng pagkain ngunit tahimik pa rin ito. Para bang hindi ito mapakali. Kahit na hindi sila ayos ngayon ay nag-aalala pa rin sya dahil sa kinikilos nito ngayon. Kung may problema man ay tyak na maaapektuhan din sya. Nasa table na nila ang mga pagkain ngunit til

