Maganda ang umaga at nagdesisyon si Kamille na puntahan ang mga trabahador sa Hacienda. Sya ang magluluto ng tanghalian para sa mga ito. Wala ang Daddy nya ngayon dahil nasa opisina ito, ang Mommy naman nya ay pinuntahan ang tita Emy nya. Matalik na kaibigan nito iyon simula daw noong nag aaral pa ito sa kolehiyo. Kahit papaano ay nakahinga sya ng maluwag at gumaan ang kalooban nya nang malamang wala ang mga ito. Lumabas sya sa malaking pintuan ng kanilang mansyon, tanaw nya agad ang mga tauhan nila at pansin nyang nag uusap usap ang mga ito. Base sa anyo ng mga ito ay parang mayroong problema. Lumapit sya sa mga ito at natahimik naman ito bigla nang lumapit sya. "May problema ho ba?" tanong nya at nagpapalit-palit ng tingin sa mga ito. Para bang may ayaw sabihin ang mga ito sa kany

