Buong magdamag syang naglalakad sa kahabaan ng daan hindi nya alintana ang ngawit na mga binti at paa. Pakiramdam nya'y manhid na sya sa sakit na nararamdaman na syang unti-unting pumapatay sa kanya ngayon. Bakit tila napakamalas naman yata nya? Sunod-sunod ang nangyayaring hindi maganda sa kanya, at ngayon ay damay pa pati mga tauhan ng hacienda. Napatigil sya nang maalala nya ang mga tauhan ng hacienda. Gusto man nyang takasan ang mundo ngayon ay hindi rin pala pwede, sya na lamang ang inaasahan ng mga ito at hindi kaya ng konsensya nyang iwan nalang ang mga ito sa ere. Napabuga sya ng hangin at nagdesisyong magpalipas lamang ng ilan pang oras bago bumalik sa Mansyon. Nagulat sya nang bigla na lamang sumulpot sa harapan nya si Franco. "Franco?!" nanlalaki ang mga matang bulalas nya.

