Alas kwatro pa lamang ng umaga ay nakaimpake na si Franco upang lumuwas sa Maynila. Kailangan na nyang harapin ang mundo. Lalo na kung para ito sa mga taong mahal nya. Nag-iwan sya ng sulat kay Elmer para kay Kamille. Biglaan ang pag alis nya dahil tumawag ang kanyang ina at binalitang inatake ang Papa nya sa puso. Hindi maganda ang lagay nito kaya pinipilit syang umuwi ng Mama nya. Halos magmakaawa nga ito at nababasag ang puso nya kapag naririnig nya ang iyak nito. Malaki ang galit nya sa ama ngunit hindi maitatanggi ang katotohanan na kahit baliktarin pa ang mundo. Mananatili itong tatay nya. Naglakad sya patungo sa abangan ng mga sasakyan paluwas ng Maynila. Kalahating oras din syang naghintay bago masakay. Habang lulan sya ng bus ay hindi nya maiwasang isipin si Kamille. Naaawa

