"Kamille kailangan mong pakasalan si Edward kung ayaw mong mawala satin ang Hacienda! Hindi kaba naaawa sa mga tauhan natin? Akala ko ba mahal mo sila? Ikaw na lang ang pag asa para maisalba ang lahat ng meron tayo!" Hindi sya makapaniwala sa sinasabi ng Daddy nya ngayon, umaga na naman at nananatili ang pagtatalo sa pagitan nilang dalawa. "This is all your fault Dad kasalanan mo ang lahat ng ito! Tapos ngayon kailangan na ako ang magdusa?!" halos pumyok na sya dahil kagabi pa sya buong magdamag na umiiyak. Masakit na pati ang lalamunan nya. Ang mga mata nya ay namamaga na at halos takasan na ng kulay ang mukha nya. Naramdaman nya ang prisensya ng Mommy nya. "Nagtatalo na naman kayong mag-ama for God's sake! please tumigil na kayo!" galit na sabi nito. Bakas ang pag-aalala sa mukha ng

