Nangingiti si Kamille habang pinapakinggan ang kwento ni Elmer at James. Kanina pa mukhang di makapaniwala ang mga ito dahil sa labis na takot. Sa tanang buhay daw nila ay noon lamang sila nakaranas ng ganoong pangyayari. Totoo daw pala ang mga ligaw na kaluluwa. Pasimple din na nangingiti si Franco habang pinapakinggan ang mga ito, at pagkatapos ay babaling ng tingin sa kanya. "Abay nandoon sina Franco at Senyorita Kamille ha, nakapagtataka namang hindi nyo sila nakita roon," si Mang Nestor. Napakagat labi sya. Sana ay wag na itong masyadong magbigay ng detalye dahil baka mamaya ay mabisto sila. Hindi nya rin alam pero natatawa talaga sya sa reaksyon ng mga muka nito habang nagku-kwento. "Yun nga ho ang isa pang nakakatakot Mang Nestor, sabi nyo ho ay nandoon sila Franco pero hindi n

