Buong maghapon na hindi lumabas si Kamille at ngawit na ang leeg ni Franco sa paglinga-linga at pagbabakasakaling makita ang dalaga pero nabigo sya. Si Paula ay hindi umaalis sa tabi nya kanina pa. Wala man lang yata itong balak na iwan sya. Daig pa nito ang rugby sa tindi ng pagkakadikit sa kanya. "Hindi ka pa ba uuwi?" bigla ay tanong nya sa dalaga. Iniwas nya ang bibig nang umakma itong susubuan sya ng kakanin. "Ayaw mo?" kunot noong tanong nito. "Tinatanong kita, hindi ka pa ba uuwi?" "Bakit ba parang gustong-gusto mo na akong umuwi? Todo ka magtaboy sakin," ngumuso ito at sumimangot. Napailing sya. "Umuwi ka na," utos nya sa dalaga. "Sabay na tayong umuwi tutal naman ay malapit na rin ang oras ng pag uwi mo," pangungulit nito. "Hindi pa ako uuwi marami pa akong aasikasuhin," p

