"Paano natin ipagtatapat kay Kamille na nalulugi na ang kompanya at baon na baon na tayo sa utang dahil sa pag-cacasino mo?!" halos maiyak na si Verna dahil sa sobrang emosyon habang kausap nito ang asawa. "Manahimik ka Verna hindi ka nakakatulong! Lalo mo lamang ginugulo ang isipan ko!" pabulyaw na sagot ng asawa nito. Kanina pa nagtatalo ang mga ito, ang totoo ay wala naman sila sa ibang bansa at nagtatago lamang sila dahil sa dami ng taong naghahanap sa kanila dahil sa utang. Nalulong si Ricky sa casino at halos lahat ng lupain nila ay nakasangla na. Hindi nila alam kung paano sasabihin kay Kamille ang lahat. Ang mga trabahador ng Hacienda ay hindi na nila alam kung saan pa sila hahanap ng ipapasweldo. Matindi ang respeto ni Kamille sa ama at alam ni Verna kung gaano ito humahanga da

