CHAPTER 1 ( ANO ANG HINAHANAP NIYA?)
JAZ POV
" Jaz bumalik ka dito!" Sigaw ni Laureen saken. Hindi ko talaga maintindihan si Laureen . Kanina nung nasa loob ako sabi nya umalis nako tapos nung umalis nako pinapabalik naman ako. Ang gulo!
Naisipan Kong gamitin ang motor Kong si Evort dahil wala ako sa mood gamitin si Trove. Kaartehan level lang itsu teh.
Patungo ako kila Amberiski Dahil hindi ko rin alam kung bakit doon ako patungo. So as I expected tatawag sya. Alam nya kasi na doon me patungo. Agad Kong sinagot ang tawag nya kase sinasagot naman talaga ang tawag hindi ba?
" Yesi?" dinig ko ang ingay sa kanila. Why so ingay naman dyern? "Huwag kanang tumuloy Jaz! iniligtas mo nalang sarili mo! " Why naman ? Bakit ililigtas si self? Kaya naman ni Self?
Agad Kong binaba ang tawag at mabilis na nagmaneho papunta sa kanila. I know na need nya ako. Pa ganang effect lang yan.
Napansin ko ang isang color black na Van sa harap mismo ng House nila Amber. So may masamang nangyayari pala inside. Okay.
Agad Kong pinarada ang motor ko sa likuran ng bahay nila. Doon ako dumaan and yes, nagmuka akong mangangakyat bahay dahil inakyat ko yon.
Sa dirty kitchen ako dumaan kase ang pangit namang tingnan kung sa front door ako dadaan diba? Hindi naman akekay ang bida sa scene na ire.
sumilip ako sa bintana at nakita ko sila Amber. Tinututukan sya ng baril ng mga mukang Chonggo pero yung isa is Gwapings.
"Hindi mo ba talaga ibibigay ha?!" ay wao galit na galit si Chonggo o .
Sana pala nagdala me ng kahit popcorn lang .
"tsk. Sino kaba?" abay nagtanong pa ari si Ate Amber mo. Bakit iaadd mo sa sss teh? ifofollow mo sa IG?
" Anong pake mo kung sino sya?" ay wao nagsalita yung gwapings. Feel ko kasing edad lang namin ang mga ito .
" At ano ring pake mo kung magtanong ako? at isa pa, Ikaw ba ang tinatanong ko?" Ay wao. Para silang mag ex na hindi parin maka move on sa isat-isa.
" Akina sabi yung singsing e!"
sigaw nung maitim na chonggo. Kumuha muna ako ng tubig dahil nakakauhaw.
May binigay si Amber doon sa lalaki pero hindi ko maaninaw. Inakyat ko ang lamesa at shemay na buhay yan, natangko ko yung kaldero at syempre hindi nalaglag cuz dzuhhhhh nasambot ko pero.....
na out of balance ako at sabay kaming nalaglag.
"SINO YAN?!" bakit parang galit sya?bakit parang kasalanan ko ?
" Hindi ako sinuka, Iniri siguro ako ni Laureen" Tumayo ako at nakita ko yung chonggo na nakatutok ang baril sa aken.
" ay wao kasali pala ako sa scene " mahinang sabi ko.
Hinawakan ako nung Chonggo sa braso at binitbit papunta kay Amber.
Si Amber lang ang Tao dito dahil wala talaga lagi ang parents nya at mga kapatid. Maging si Mamita ay wala rin .
" Jaz diba sabi ko?! " inirapan ko lang sya. Alam Kong bubungangaan nanaman nya ako hays.
" Ano bang need nyo ke Raven ha?"
tanong ko sa kanila.
" Bingi kaba?alam ko namang narinig mo na lahat ng pinag uusapan namin kanina pa!" wag kang galit.
" Pinapaulit ko lang dzuh!at saka wag kangang galit!" inis na sabi ko sabay irap.
" Pag hindi mo binigay yung hinihingi ko papatayin ko tong kaibigan mo sa harap mo!" kaya mo?
"seryoso ka?" tanong ni Amber.
"OO!" si Chonggo
" seryoso kana nyan?" sabi ko naman.
"Hawakan nyo yan!" utos ni Chonggo dun sa isang Chonggo pati narin kay Gwapings.
Hinawakan nila ako sa braso.
" Anong gagawin mo?papatayin mo yan? HAHAHAHAHA!siguraduhin mo lang na kaya mo!Hoy! Siyam buhay nyan!" tumatawang sabi ni Amber.
Dont tell me ipapabaril nya talaga ako?
"Hoy ikaw! " teka ako ba?
" Ako?" tanong ko ke pogi.
" Sya! " okay sorry.
" Wag mokong sigawan!" sigaw ni Amber.
" Wag mo rin akong sigawan!" si pogi
" Sino kaba sa akala mo ha?" tanong ni Amber kay gwapo. Bigla akong binitawan ni Gwapo pati narin nung chonggo.
Naupo ako sa Sofa . Ganoon rin ang ginawa nung dalawang Chonggo.
" Tsk. E ikaw? Sino Karin ba?" sarcastic na sabi ni gwapings.
" Ako si AMBER! isa akong OLANDRIO!"pagmamalaki nya. Hindi biro ang sinabi nya, Isa talaga syang Olandrio at nagiisang babaeng OLANDRIO so it means sya ang tagapagmana ng lahat ng ari-Arian nila. May sariling ari-Arian ang dalawa nyang kapatid.
"Aanhin mo pa ang apelyido mong yan? Kung balang araw naman ay apelyido ko na ang gagamitin mo?" Wao
" Bakit ? ano sa tingin mo? Papakasalan kita?NO WAY!" diring diri na sabi ni Amber. Choosy pa o.
" Hindi nga ba? Type moko diba?" Ay wao HAHAHAHAHA
" Sinasabi mo? " inis na sabi ni Amber.
" Alam mo ang sinasabi ko Ms. Olandrio"
ay ang sweet naman HAHAHAHA
" Wala akong pakeelam sayo Angelo!"
Tiningnan ko ng mabuti ang lalaki. Ikaw si Angelo?
" Wala nga ba talaga babe?" ang kaninang saya ko ay napalitan ng inis . Bakit kailangan pa niyang magpakita?!
"seriously?" nagsitinginan sila pareho sakin. Tumayo ako at lumapit kay Angelo. Tinitigan ko siya.
"JAZ...." agad ko siyang sinapak ng tawagin ako ni Amber.
Agad kong hinarap ang dalawang kasama niya. Mukhang abnoy lang dahil handang-handa na silang lumaban.
" YARI KA TALAGA SAKEN!!!!" galit na sabi ni Chonggo
Why naman need pang mag shout kung pede namang calm lang?
" Kalma Chong " nakangiti Kong sabi
" Anong ? Chong moko ha?Chong moko?!" Ay slow ni kuya
" Chong...short for Chonggo" kinuha ko kaagad ang base at binato sa kanya.
natumba sya dahil natamaan sya. Agad Kong nakita na babarilin ng pangit na yon si Amber pero naunahan ako ni Angelo na pigilan yon.
" Babalikan kita Amber!" galit na tinig ni Angelo. Wala kang babalikan dahil hindi na kita pababalikin pa.
" Umalis kana!" sigaw ni Amber.
" Hindi pa tayo tapos! Hindi ako titigil hanggat hindi ko yon nakukuha sayo!" Anong hinihingi mo sa kaniya?
umalis si Angelo kasama ang dalawang chonggo.
Pinulot ko ang baril at kinasa iyon.
" Hoy Jaz anong gagawin mo?"
hindi ko siya pinansin at dumeretso ako sa dirty kitchen.
" Hoy Jaz papatay ka?" tanong nya pero hindi ko siya pinansin ulit.
" Siya ang may kasalanan kung bakit ako nasaktan!" galit na sabi ko sabay tutok ng baril sa Kaldero.
Pinagpuputukan ko iyon .
" Seriously?" Nakakatawa ang itsura ni Amber.
" Gotta Go" paalam ko sa kanya at patakbo akong lumabas.
Agad Kong pinaandar ang motor ko. Dinig ko pa ang pagtawag ni Amber pero di ko na iyon pinansin.
Ang totoo niyan ay kanina ko pa gustong saktan ang Angelo na iyon. Wala siyang karapatang pumunta dito sa bahay ni Amber. Ang pagbaril ko sa kaldero, Ginawa ko lamang iyon para mapangiti si Amber.
Alam kong deep inside, Masakit ang mga scene kanina.