Nakapagpalit na siya ng damit at nacurious siya ng makarinig ng tawanan sa labas. Boses babae at alam nyang si William ang kausap nito. Sumilip siya sa binata na natanaw lang sa garden ang dalawa.Napasimangot siya habang pinagmamasdan ang mga ito. Bigla siyang nakaramdam ng inis sa nakikita. "s**t!di ba dapat si Nick ang iisipin niya at ang dapat kainisan niya hindi ang dalawa na masayang nag uusap sa labas. Hindi ba dapat mas masaktan siya sa nakita kagabi kesa sa dalawang masayang naguusap sa labas. Sa pagkakaalam niya ito si Nathalie ang first girlfriend ng binata na isang modelo. "Ang sarap mong sabunutan Celine!" kausap nya sa sarili. Para siyang shunga,at hindi nya alam kong anong dahilan kung bakit kinaiinisan ang nakita sa labas. "Kahit kailan talaga napaka flirt ng lalak

