Tinawagan niya ang Ninang Carmen nya.Nagpaalam siyang sa bahay na ulit siya titira. Ayaw pumayag ng ginang dahil mag aalala daw ito sa kanya at nag iisa lang siya. Sinabi naman nyang may makakasama na siya sa bahay. Sinabi niyang tutuloy sa bahay nila ang pinsang si Rochelle para lang pumayag ito.Kinulit nya ito ng kinulit. Sa bandang huli ay napapayag din niya ang Ninang Carmen niya. Dahil disidido na siyang mag move on sa feelings niya para kay Nick. Tinaon niyang wala si Nick ng kunin niya ang kanyang mga gamit.Ngyon pa lang siya nagkaroon ng hiyang harapin ang binata matapos ang nasaksihan niya. Ayaw rin naman nyang mag stay sa bahay. Malulungkot lang siya kaya naman naghanap siya ng trabaho para malibang. Ngayon nya naisip ang sinabi ng kanyang ina. Tinawagan niya ang pinsan

