Mula sa kinatatayuan tanaw niya ang pagbukas ni Zander ng isang maliit na box atsaka isinuot sa daliri ng babae. Maluwang ang pagkakangiti ng babae habang sinisipat ang singsing sa kamay. Halos mayanig ang tuhod ni Isay. Napaupo siya sa katabing silya. “Miss okay ka lang?” tanong ng babae na halatang nagulat nang bigla siyang napaupo sa kaharap nitong silya. Pinahid niya ang luha atsaka siya tumango. “Sorry,” sabi niya sabay takbo papalayo. Sa sobrang sama ng loob, inimpake ni Isay ang lahat ng gamit niya. Matapos ang lahat ng nakita niya, tinapos niya na rin ang kung ano mang mayroon sila. Walang tigil sa pagpatak ang luha niya habang nag-eempake. Hindi niya kasi lubos maisip na magagawa siyang paglaruan ng ganoon ni Zander. Tama pala siya ng hinala na baka inaakala lang nitong pagmama

