Para makabawi sa nasirang date nila, maagang gumising si Zander. Nag-prepare muna siya ng almusal para sa dalaga bago siya umalis. May inihanda kasi siyang maliit na surprise para kay Isay. Pagmula’t ng mga mata ni Isay agad niyang napansin ang tray ng pagkain na nakapatong sa lamesita sa gilid ng kama. Napangiti siya nang makita ang iniwang note ni Zander na nakadikit sa tray. Good morning, Honey. I need to fix some things first. Finish your food. I’ll be back later. I love you. Love, Zander "Hayss, ang sweet niya naman,” aniya na hindi mapigilan ang kilig. “Ano kayang inaayos niya?” Nanonood na siya ng TV sa sala nang biglang tumunog ang doorbell. Sa pagbukas niya nang pinto. Bumungad sa kanya ang delivery man na may hawak na bouquet ng flowers. Namilog ang mga mata ni Isay.

