”Nakatulog ka kasi habang nagbibiyahe tayo papunta sa inyo. Gigisingin sana kita, kaso nasalat kong inaapoy ka ng lagnat. Kaya nataranta ako at dineretso kita rito.” Bahagyang kumilos ang dalaga at noon niya lang napansin na iba na ang damit na suot niya. Agad siyang napa-krus ng braso patakip sa dibdib niya. “N-Nasaan ang damit ko? Ano’ng ginawa mo sa akin?” nabubulol pang tanong niya. Nangiti si Zander. ”Relax. Wala akong ginawa sa’yo,” anito habang tumatayo. ”May nakita ka ba?” tanong niya. Kumunot ang noo ni Zander. ”Ano’ng nakita?” kunwa’y tanong niya. ”Alam mo na ‘yun!” sumulyap si Isay sa gawing dibdib niya. Natawa si Zander. “ ‘Yun ba? Parang wala naman.” Sa pagkaasar, natapik siya sa braso ni Isay. ”Kainis ka!” anito. Natawa na lang si Zander. ”Nagugutom ka na ba?

