“Are you okay?” tanong ni Zander habang binubuksan ang pinto. Napa-hatsing siya kaya agad na sinalat ni Zander ang noo niya. “Wala ka namang lagnat,” anito. “Okay lang po ako,” nahihiyang sagot niya. “Po? Kanina ka pa po nang po sa akin. Naasiwa na tuloy ako. Mukha na ba talaga akong matanda?” nakangiting tanong nito. Pumasok ito sa loob at agad na kumuha ng bathrobe at towel. “Iligo mo na ‘yan para hindi ka tuluyang magkasakit,” anito atsaka inabot sa kanya ang dala. Pigil ang kilig na inabot niya ito at mabilis na tinungo niya ang banyo. Napasandal pa siya sa pinto nang isara niya ito. “Grabe! Siya pala ‘yung prince charming na matagal ko nang hinihintay. Bakit ba hindi ko man lang siya namukhaan?” bulong niya. Hindi mawala ang pagkakangiti ni Isay habang naliligo. Nagpapaulit-uli

