Ilang taon niya na ring binabalik-balikan ang Baguio para makita ang babaeng unang nagpatibok ng puso niya. Ang babaeng nagligtas sa kanya sa tiyak na kamatayan. Kung hindi siya siguro hinila noon ng babae papalabas ng kotse, matagal na siyang patay. Nahulog noon ang minamaneho niyang kotse sa bangin at saktong nandoon sa ibaba ang babae kasama ng iba pang magsasaka na umaani ng gulay. Naririnig niya pa ang usapan ng mga taong naroroon. Walang ibig lumapit sa kotse dahil umuusok ito. Ang babaeng ‘yon lang ang naglakas-loob na tulungan siya. Medyo blurd na ang paningin niya noon kaya halos hindi na niya maaninag ang mukha ng babae. Hirap na hirap ito sa paghila sa kanya palabas ng kotse pero hindi ito sumuko. At ilang minuto matapos siya nitong mailayo sa kotse, sumabog ito. Napayakap siya

