Hatinggabi nang magising si Zander. Sumulyap siya kay Isay na noo’y mahimbing na ang tulog. Dahan-dahan niyang iniangat ang kumot hanggang sa dibdib nito. “Sh*t! Ano ‘tong nararamdaman ko?” Napalunok pa siya habang pinagmamasdan ang natutulog na dalaga. “Babe,”usal ni Isay habang nakapikit. Napakunot ang noo niya. “Nananaginip ba siya?” bulong niya. Yumakap ito sa leeg niya atsaka siya nito hinalikan sa mga labi. Namilog ang mga mata ni Zander. Hindi niya magawang igalaw ang mga kamay niya. Dahil nabalot ng kilabot ang buo niyang katawan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may connection silang dalawa na para ba’ng gusto niyang tugunin ang halik ng dalaga. Nang akmang kakalasin niya ang mga kamay nito, umikot ang dalaga at nakabig siya nito pahiga sa kama. Bumilis ang t***k ng

