Napasulyap si Isay kay Zander. Ang gwapo nitong tingnan sa suot nitong puting t-shirt na tinernuhan ng cream na short. Mas pinatingkad pa ang ka-gwapuhan nito nang mag-suot ito ng shade. “Boss, lubog na ang araw.” Lihim na napangiti si Isay. “Ano’ng nginingiti-ngiti mo riyan?” singhal ni Zander sa kanya. Mainit na naman ang ulo nito nang wala silang abutang tao sa isla. Biglang napaigtad si Isay. “Wala po, Boss.” Naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya kaya yumuko na lang siya. Madilim ang mukhang dinukot ni Zander ang cell phone sa bulsa. Pero napamura lang ito nang makitang walang signal. Walang sabi-sabing naglakad si Zander papasok ng rest house. Hindi makapag-decide si Isay kung susunod ba siya o hindi kay Zander. Pero sa huli, mas pinili niyang manatili na lang muna doon s

