CHAPTER 3

1023 Words
Maagang pumasok si Verna bilang house keeper ng hindi pa nakikilalang bagong amo nito.Walang pag aalinlangang tinanggap niya ang trabaho dahil malaki ang pasahod nito kumpara sa paextra extra nya. Dito na tayo"ito na kaharian ng iyong magiging amo.Makikilala mo na rin siya wag ka mag alala mabait naman yun.Nag iisa lang ang paglilingkuran mo" biro ni Cecil sa dalagang ina. Pagpasok nila sa unit magulo makalat wala sa ayos ang mga gamit. "O ayan na pala si Sandro" ani Cecil sa kanyang kasama.Mukhang kalalabas lang nito sa banyo nakatapis ng towel sa may baywang habang kinukuskos ng isa pang towel ang basang buhok.Tumutulo pa ang ilang patak ng tubig sa katawan nito na nagpatanga sa kanya.Sinundan nya ang ginagawa ng binata na lalong nag pa shock sa buong body system nya. Nanaginip ba siya?totoo na ba tong nakikita nya?Hindi pa naman siguro malabo ang kanyang mga mata.At hindi naman siya nalipasan ng gutom lang.Parang gusto nyang himatayin sa nakikita naestatwa na siya sa kinatatayuan. Pasimpleng dinagil siya ni Cecil ng lumapit ito. "Bibig mo girl baka pasukan ng langaw Tsssk....tsssk...napapailing itong lumayo sa dalaga. Pero hindi man lang siya napansin ng binata biglang nag ring ang phone nito.Suminyas lng sa kanila habang kausap nito ang nasa kabilang linya. "I really miss you babe"narinig nyang sinabi nito sa kausap. "Outchhh!!!... Napatingin si Verna kay Cecil.Nahimasmasan siya. "Ang shakit...yung paa ko tumama sa lintek na sofa na to. Napataas ang kilay nya..mukhang pinaringgan lang siya ng babaeng to. But the truth is nasasaktan siya mula sa bibig nito.Nakaka hurt ng feelings..sampal sa mukha nya yong katotohanan na may girlfriend na nga ang kanyang "mahal". "dont worry girl sabi nila walang forever"ani Cecil sa dalaga. Napatanga siya dito ganun na ba siya ka transparent at nababasa nito kung anong nararamdaman niya? "oh my god wake up Vernadeth kung ayaw mong matsugi sa trabaho."bulong nya sa sarili.Mahirap ng mawalan ng trabaho kakaumpisa pa lang nya.Mahirap maghanap ngayon bukod sa malaking sahod niya. Trabaho muna before landi kumbaga unahin ang kumakalam na tiyan kesa ang tumitibok na pusong umaasam. Inumpisahan na nyang linisin ang unit ng binata.Marami rami din ang kanyang gagawin. Pero baliwala lang ito sa kanya.Napapatanga pa rin siya dahil wala sa hinagap na ang magiging amo nya ay walang iba kundi ang lalaking kanyang pinapantasya. Baka kamukha lang nito ang binata?pero hindi siya pwedeng magkamali.Ito nga at tinititigan ang photo frame nito at ang kanyang baong magazine. Buti na lang wala ang bruha nyang kaibigan na laging kontra sa kanyang kaligayahan. Ang saklap naman,alam nyang enggage na ito sa iba,pero masakit pala pag ikaw mismo ang makarinig na may mahal na tong iba. "Hay naku Maria Vernadeth cheer up girl hindi pa sila mag asawa may pag asa pa...yun ngang sampung taon na mag asawa pa naghihiwalay pa sila pa kaya?"pagkausap nya sa sarili mukha nga siyang sira nagsasalitang mag isa. "Hoy luka luka"magtrabaho ka Hindi yung nagsasalita kang mag isa dyan."sita ni Cecil sa dalaga habang nagpipindot sa ipad nito na nakaupo sa single sofa. Nagulat naman siya sa biglang pagsulpot nito. "Akala ko ba umalis ka kasama si sir Sandro?namumula ang mukhang tanong dito. "Ah tinamad ako!kasama naman nya si Iago kaya na nila yun kahit wala ako."anito. "Ang lakas din ng tama mo kay Sandro noh?huling huli kita,kulang na lang halikan mo yung picture nung tao tukso nito. "Ha??!!hindi ah tanggi nya dito. Talaga lang huh!eh ano yan?dont tell me pinagnanasaan mo yung brief nung tao. Infairness kakahubad nya lang nyan hahaha" pang aasar ni Cecil kay Verna. Pulang pula ang mukha nya hindi nya napansin hawak pa nga pala ang letcheng brief nito,bigla nyang nabitawan. Pero ng maalalang nililigpit nga pala nya ang mga hinubad na damit nito na ngkalat lang sa sahig,pinulot nya rin at inilagay sa laundry basket.Ilang sandali pa at inabala na nya ang sarili sa paglilinis two bedroom ang condo unit ng binata. Lumayas na ang magaling na Manager ng walang paalam.Yun naman pala may nakalimutan lang. Lakas din mang asar ng isang yon,akala nya wala ng hihigit pa kay Marianel may mas malala pa pala at yon nga ay walang iba kundi si Cecil na manager ng binata. Nawala na rin ang stress ni Verna dahil hindi n siya kung saan saan napapadpad para humanap ng ibang sideline.Nakaluwag luwag rin siya dahil malaki naman ang pasahod na binibigay sa kanya. Mas maaga na rin siya nakakauwi at maagang nasusundo si Raven kumpara dati na inaabot na siya ng dis oras ng gabi. Rumaraket pa rin naman siya pag may pagkakataaon bilang talent.Nanghihinayang din kasi siya sa kikitain. Hindi rin naman ganun kahirap ang trabaho kay Sandro.Para lang siyang naglilinis ng sarili nyang bahay. Bunos pang nakikita nya parati ang kanyang "mahal"na nagpapasaya ng kanyang bawat araw.Ito ang inspirasyon nya at nagbibigay energy para magsumikap. Panira nga lang ng kanyang pandinig pag naguusap na sa phone ang mga ito. Malinaw na nasasagap ng kanyang pandinig ang mga palitan nito ng mga matatamis na salita. Sa sobrang sweet ng mga ito kulang na lang hablutin nya ang cellphone ng binata at i flash sa toilet bowl. Wala man siyang karapatan na magselos pero ang lintik na puso nya nasasaktan. "How I wish I am that b***h"bulong nya habang nagpupunas ng mga kasangkapan. Sana siya na lang yong sinasabihan ng mga sweet messages ng binata.Sana siya na lang yong binigyan nito ng mas mahabang oras.Sana siya na lang yong babaeng nakalaan para dito.Sana puro sana na lang ang hirap mangarap sa taong hanggang pangarap mo na lang. Bawat sandali na nasa condo unit siya ng binata ay trinitreasure ito ni Verna. Lahat ng oras na kasama nya ito ang bawat ngiti nito ay mahalaga sa kanya. Madalas nga sabihan siya ni Marianel na nagmumukha na siyang tanga. Hanggang pangarap na lang daw siya total naman daw libre lang mangarap. Wag daw siya mag inarte na nagseselos at nasasaktan dahil isa lang siyang itchuserang frog na nangangarap. "Kundi ka ba naman gaga mainlove ka dun sa taong enggage na sa iba."ewan ko ba sayong babae ka kung anong nakita mo dyan kay Sandro at naglalaway ka!"ani Marianel. "Gaga to!Parang iba naman ang dating nyang sinabi mo sa kin.Parang pinalalabas mo na mukha na ko'ng asong nauulol."binatukan nya si Marianel na tawa ng tawa. "Naku ikaw babae ka pag ikaw niluko nyang jowa mo ha wag na wag ka iiyak sa kin dahil pagtatawanan din kita!"banta ni Verna kay Marianel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD