CHAPTER 4

1144 Words
Lumipas ang mga araw linggo at magtatatlong buwan na siya sa gwapong amo na matagal na niyang crush.Ni minsan hindi man lang siya napansin nito. Kinakausap lang siya kung kinakailangan. Sometimes may pagkasuplado ang binata pero mabait naman ito madalas nga lang talaga hindi siya pansin,paano na ang kanyang pagsinta?susuko na lang ba siya? "No way"ngayon pa ba siya susuko kung kilan abot kamay na lang nya ang pangarap na lalaki.Ang masaklap nga lang abot kamay na nya pero deadma naman siya. "Hmmm.....pikutin na kaya nya ang binata o kaya pasukin nya sa loob ng kwarto habang tulog. "Hoy lalim ng iniisip natin ah?Kumusta naman ang trabaho mo?tanong ni Micon dito. Wala siyang pasok ng araw na yun.Bumisita sila sa kaibigan.At para makapaglaro naman ang mga bata.Nakakuha na rin siya ng mag aalaga kay Raven na binabayaran nya.Nahihiya na rin naman siya sa mag asawa.  "Ok lang naman kakainis ka magkakilala pala kayo hindi mo man lang sinabi sa kin.Imagine ha siya pa pala magiging amo ko wala sa hinagap ko na magiging house keeper nya lang ako.Ok sana kung house keeper s***h house wife pa diba!" "Luka luka!ngayon ka pa aangal!.Maganda nga yun lagi kayong magkasama sa iisang bubong. May pagkakataon ka pang gapangin yung tao"biro ni Micon dito. "How come na magkakilala kayo?hindi mo sinabi sa kin."she asked Micon. "Kaibigan siya ng asawa ko.Matagal na malay ko bang pagnasahan mo yung magazine na binigay ko sayo.At di ko sinabi kasi nga para masurprise ka kiligin ka ng bonggang bongga."anito. Inirapan lang ni Verna ang kaibigan. Bonggang bongga nga muntikan na nga ako maheart attack."sakay nya sa biro nito. "Titig pa more!!"baka malusaw naman yung tao sa yo.Obsession ba yan o love?singit ni Cecil habang ngumungaya ng pistachio. "Ano ka ba naman!Wala ka ng napansin kundi ako" ani Verna habang hinahanda ang mga lulutuin para sa dinner ni Sandro bago siya umuwi. "Luka luka to at sino papansinin ko aber?sarili ko?" Hmm...oo yung lab lyf mo baka mahuli ka sa byahe" biro nya dito kay Cecil. "Di bali kahit mahuli sa byahe o puno pa yang jeep pwede namang sumabit" hirit nito na sinakyan siya. "What's happening here?sSino pinag uusapan nyo?"tanong ni Sandro na umupo sa bakanteng upuan. "Walang himalaaaa! nasa yo ang himalaaaa!" OA na biro ni Cecil. Nabatukan nya ito ng wala sa oras. "Aray naman"bka nakakalimutan mo ako lang naman ang Manager nitong Amo mo." "Opppssss sorry naman...nabigla lang ako" nakangiting nasabi dito. "Ayusin mo baka mawalan ka ng lab lyf biro naman nito kay Verna.Ngayon lang kasi nakihalobilo ito sa kanila lalo na at nasa condo lang ang binata. Nakakunot noo naman si Sandro,walang idea sa pinag uusapan ng dalawa.Sabagay ngayon lang siya sumingit sa usapan ng dalawa.Hindi sa snob siya kundi parang ayaw nyang napapalapit sa babae.Hindi sa may girlfriend na rin parang naiinis lang siya na ewan.Hindi nya maintindihan. Hindi naman pangit ang babae katunayan pa nga hinahanap nya ang presence nito pag wala ito. At naiinis siya sa kaalamang may anak na pala ito.O mas naiinis siya kasi kung sino man ang asawa nito sana man lang hindi man lang nya pinayagan na babae ang naghahanap buhay at naiiwan ang anak nito sa taga alaga lang.Pero ano bang pakialam nya?May fiance na nga siya at hindi ang buhay nito ang isipin nya. "Hey Sandro are you here?Saang planeta ka na ba nakarating?"pinitik pitik pa ni Cecil ang daliri sa harap ng binata.Natulala na kasi ito. "Oh may naalala lang ako", anito sa kausap.Napansin nyang wala na si Verna. Pasimpleng hinanap ng tingin. At hindi yun nakaligtas sa kaharap. "At sino naman yun?nakataas ang kilay na tanong ni Cecil dito."looking for someone?nakangising tanong ng dalaga dito. Tumayo na ang binata at iniwan ito.Hindi pinatulan ang tinutombok ng mga sinabi nito. Tingnan mo tong lalaking to kinakausap ka pa,tatalikuran lang ang beauty ko."ani Cecil kay Sandro. "Saan banda?habol na sagot nito na di nag abalang lumingon. "Narinig pala, hmmpp... ewan ko sa inyong dalawa.Minsan ang nararamdam di kailangang pigilan. Parang masamang hanging inilalabas ng tao in other words utot kahit anong pigil kusang aalingasngas ang masamang apoy. Parang love din yan habang pinipigil nanggigigil. Ano daw?feeling love expert heto nga zero ang love life ko."anang dalaga na walang kausap kundi sarili nya dahil pinag iwanan ng mga kausap nya dahil lumabas si Verna may nakalimutang ingredients sa niluluto nya. Ipagluluto nya lang ang dalawa at uuwi na rin siya. Hindi na kuntento sa tinatabing magazine si Verna.Pinaprint nya pa ang picture nito na panakaw nyang kinunan.Maayos nyang inilagay sa isang album.Inilagay naman nya ang isa sa frame na may pinakamaganda ang kuha. "Naks"iba na talaga ang may tama,"pang iinis ni Marianel bigla na lang kasi itong dumating. As usual wala namang bago sa kaibigan.parang kabuti lang na biglang lilitaw tulad ngayon nasa bahay na naman nya ang bruha dahil day off nya ngayon. "Ito talagang babaeta na to biglang lilitaw buti na lang wala kong sakit sa puso."ani Verna sa kaibigan. "Choosera wala namang bago noh!bukas pinto nyo kya pumasok na ko.Kung nakakapagsalita lang yung pinto sasabihin pa nun -- "Welcome home Marianel tuloy ka " anito na nakataas pa ang dalawang braso. "Gaga ka talaga...kung ang ipinunta mo dito pagkain,sorry na lang girl wala na tapos na kaming kumain" biro ni Verna dito. "Ang sama mo naman bakla,Ginawa mo naman akong patay gutom nakakahurt ka! "Itinuring kitang kaibigan ng mahabang panahon yan lang igaganti mo sa kin" paemote ng kaibigan na kunwari nagpapahid ng luha. Tawa ng tawa si Verna sa kagagahan ng kaibigan. "Sige tawa pa more!pag may masamang hangin alam na kung kanino yun" anito. Nag movie marathon ang magkaibigan dahil pareho nilang off sa trabaho at madalang ng magkasama.Pareho na silang busy sa mga lumipas na araw na nagdaan. "Mama siya ba ang papa ko?tanong ni Raven na lumapit sa kanila dala ang album. Natigilan ang dalawa sa kakatawa ng makita ang tinutukoy ng anak. Nagkatinginan silang dalawa. Hindi malaman kung sino unang magsasalita. Kung bakit ba kasi nawala sa isip nyang itabi ang album na yon. Di pa siya nakuntento sa scrapbook may album pa ng mga picture ni Sandro at may picture frame pa sa kwarto nila. Kulang na lang ipagpatayo na rin nya ng rebolto ang binata.Hindi pa siya nakuntenro sa araw araw na nasa condo unit siya ng binata. Araw araw man siya sa condo ng binata minsan lang naman siya mapansin nito.Malaking points na sa kanya yong makausap ito at makasabay kahit man lang iisang beses sa loob ng isang buwan.Busy rin kasi ang binata sa mga picturial at modeling career nito. Balita nya nga na magtatayo daw ng travel Agency ito kasosyo sa negosyo si Jorge Rodriguez one of his friends. Isang beses pa lang nyang nameet ang binatang kaibigan nito. Kung hindi lang siya loyal kay Sandro baka pati panty nya kusang malalag pagkakita sa gwapong si Jorge.Hindi rin papatalo ang isang yon yon sa physical appearance.Ang tangos ng ilong at ang pungay ng mga mata.Pero kahit gaano pa kagwapo ang mga kaibigan nito nangingibabaw pa rin ang paghangang pagsinta sa binata.Saan ka pa may paghanga na nga may pagsinta pa. Kahit araw araw pa niyang nakikita ito iniistalk nya pa rin ito sa social media.Para na siyang obssed sa kakaistalk dito. ____________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD