Sa wakas nakita ko rin siya Mama kahit sa picture lang,"walang alis ang mga mata nito sa larawan.
At hindi nakaligtas sa kanila ang pagpatak ng luha nito.
Hindi malaman ni Verna kung ano sasabihin sa bata.
Matagal na nitong inaasam na makita ang ama.Kahit man lang larawan ay wala siyang maipakita.
"Papa miss na po kita!sana po magkita na tayo.
Ang sabi po ni Mama nasa malayo lang kayo at nagtatrabaho...
Natouch sila sa narinig at nakikita.
Dahil sa edad nitong anim na taon,hindi mapagkakamalan ang tunay na edad sa paraan ng pananalita nito.Makikitang sabik nga ito sa ama.
Mula pagkasilang nito ni minsan di pa nakita ang ama.
Naramdaman nya ang pagsiko ni Marianel sa kanya.
"Sakyan mo na lang "bulong ng kaibigan nya.
"Ah anak__ hmm...tikhim nya lumingon naman ito.Naghihirapan siya kung ano sasabihin sa bata.
"Siya po ang Papa ko di po ba Mama?tanong nito na may namumuong luha sa mata.
Lumingon muna siya sa kaibigan, bago tumango naman ito sa kanya bilang pagsang ayon.
Bahala ka na lord naibulong nya sa isip.
"Kaya mo yan bakla wag mo biguin yung bata kawawa naman" sulsol ng kaibigan nya.Kung alam lang nito kung anong nararamdaman nya ng mga sandaling yon.
Niyakap nya ang anak pati siya ay napaiyak sa sitwasyong akala nya ay di darating..sa sitwasyong hindi nya alam kung anong sasabihin.masyado pa itong bata para maguluhan sa sitwasyon nila bilang mag ina.
"Oo anak siya ang Papa mo.
Pasensiya ka na kay Mama kung bakit ngayon mo lang yan nakita.
Nasa malayo lang siya.kailangan nyang magtrabaho para sa tin anak.."God patawad sa pagsisinungaling!"naibunlong nya.
"Kailan po siya uuwi Mama?"inosenting tanong nito sa ina..
Tumingin muna siya kay Marianel.Lagot talaga siya pag nalaman ng boss nya mga kagagahan nya.
"Malapit na anak makikita mo rin ang papa mo."
"Basta promise mo kay mama lagi kang magpapakabait ha?
"Upo mama!Promise ko po yan sa inyo at kay papa na rin"na binalik ang tingin sa hawak na larawan.
Nasabunutan nya ang sarili sa mga kasinungalingan niya.Siguro naman hindi nito makikita ang boss nya pagnagkataon lagot talaga siya.Baka masabihan na siyang malala na ang obsession nya sa binata at sobrang ambisyosa na niya na pati anak niya ipapaangkin nya pa dito malaking problema pagnagkataon.
"Malaking problema to Marianel,yan na nga sinasabi ko paano kung gusto na nyang makita ang papa nya..."saan ko hahanapin ang ama nya?"problemadong palakad lakad sa sala.
"Mahirap nga yang sitwasyong yan.Kya nga ako ayaw ko pang mag asawa".ani Marianel sa kaibigan.
"Ikaw kasi sulsulan mo ba naman ako";paninisi nito sa kaibigan.
"Grabe ka naman bakla,kawawa naman yung bata.
Hinahanap nya rin yong papa nya.Larawan na nga lang ipagkakait mo pa.
Isa pa malay ba naman nung tao yon.Wala naman siya alam at malabong maligaw dito yon" na ang tinutukoy ay si Sandro.
"Sana nga dahil lagot ako pagnagkaton"ani Verna sa kausap.
Buti na lang at abala ang bata sa paglalaro sa loob ng kwarto.
Hindi mapapansin nito ang pinag uusapan nila.
May point naman kasi ang kaibigan nya.
Kung larawan lang nito bakit ipagkakait nya pa,ang problema nga
kung makikita nito ang boss nya tiyak na malaking problems nga.Malay ba naman niyang pagkamalan nito ang mga album ng boss nya na ito ang ama nya.
Pero dahil nga sa sinabi ng kaibigan na malabong mapadpad sa bahay nila ang binata ay nakahinga siya ng maluwag. Hahayaan na lang muna niyang isipin ng bata na ito nga ang ama niya.Yong konting kasayahan na nakita sa anak ay hindi na nya muna ipagkakait.Hahayaan nya lang lilipas din naman ang mga araw na makakalimutan nito ito.
Dalawang araw ng hindi pumasok si Verna sa trabaho.
May sakit ang kanyang anak nilalagnat ito.Ayaw naman niya ipaubaya sa teenager na napagiiwanan nya dito.Nagtxt lang siya kay Cecil dahil di naman nya alam ang number ni Sandro.
Pinag off na muna nya ang nag aalaga sa bata.Siya na muna ang mag aalaga sa anak kahit ilang araw lang para masiguradong gagaling ito.
"Where is Verna?"Sandro asked.
"Why?"miss mo?"biro ni Cecil sa binata habang nag aalmusal.
Pinukol nya ng masamang tingin ito ang handler s***h manager nyang pasaway.
"Opppsss,,to naman di na mabiro". anito habang kumakain.
"Im just asking!Ako ang amo nya natural I want to know where is she? Hindi ko siya nakikita kahapon pa."anang binata na umupo para mag almusal.
"Hmmm...nagtxt siya sa kin kahapon.May sakit daw anak nya kya di muna makakapasok para maalagaan nya.
"Im sorry I forgot to tell you"anito sa binata na hindi mawala ang ngiti.Mukha na siyang shunga na pangiti ngiti sa harap ng binata.
At napansin yun ng binata.
"Why your smiling?kunot noong tanong nito.
"Nothing!Is it bad that Im smiling?haller nakakaganda kaya ang nghmiti iwas stress".sagot nito.
"Yung klase ng ngiti mo ngiting demonyo" asar nitong sagot sa dalaga.Kaya hindi ka nagkakajowa eh!lakas mo ding mang asar."ani Sandro sa manager nya.
"Oh!who's talking? Ako pa ngayon malakas mang asar?"Ano namang kinalaman nun ke may jowa ako o wala aber?"
Hindi ito pinansin ni Sandro.
"Bakit hindi siya nagpaalam sa kin?Ako ang amo nya at hindi ikaw."ani Sandro na naiinis.
"Eh bakit pa?Pinasasabi naman nya sayo nakalimutan ko lang.
Para namang alam nung tao ang number mo.Mabuti pa dalawin na lang natin sa bahay nila para makumusta ang lagay ng anak nya,"suggestion ni Cecil sa naiinis na binata.
"Hmm...nice idea!!Do you know where she live?excited na tanong nito.
"Oo naman!Remember your friend Giane and Micon?
"Yeah!bakit ko naman makakalimutan eh friend ko sila."
"Yun naman pala eh!Malapit lang bahay nila Verna sa kanila.Walking distance mula sa bahay nina Micon.
So kailan tayo dadalaw sa kanila?tanong ni Cecil sa binata.
"After our breakfast!May lakad ka? hindi pa nga ako tapos kumain."ani pagsusungit ng binata na inikotan ng mata ng kausap.
"Hindi ba pwede excited lang?
Kung mangbara wagas na wagas."reklamo nito sa binata.
Minsan gusto nya tuktokan ang binata.Hindi nya malaman kung matatawa o maiinis sa inaasal nito eh.
Pansin nya nga hinahanap nito ang dalaga tapos maiinis.Hindi nakaligta sa pansin nya ang pagbabago ng mood nito ng mag suggest siya na bisitahin ang mga ito.
"tsskk....napapailing na lang siya habang tinatapos ang breakfast.Bigla ba naman siyang sungitan nito dahil hindi pa daw tapos kumain ito nga at nauna pang matapos mag breakfast sa kanya.
Instant katulong na naman siya ng binata.Kailangan niyang hugasan ang mga pinagkainan nila dahil hindi naman nakapasok ang dalaga na gumagawa nito.
"So let's go!bungad ng binata nakapagpalit na ito ng damit.Samantalang siya katatapos lang hugasan ang huling plato.
"let's go agad? hindi pa nga ako nakakapag retouch man lang."angal ni Cecil sa binata.
"Naku Cecil hindi mo na kailangan mag retouch let's go kahit mag retouch ka may mababago ba sa mukha mo?"anito na dinampot ang susi ng kotse.
"Naku naku nakakagigil ka!baka hindi ko ituro ang bahay ni Verna sayo eh."naiinis na dinampot na niya ang bag at sumunod na sa binata.
"hahahaha but you said it already!hindi mo na mababawi yon."pang aasar nito.