Dumaan muna sila sa isang fruit store para bumili ng mga sariwang prutas na dadalhin kina Verna at para sa anak nitong si Raven.
"Tama bang dumalaw tayo kina Verna?tanong ni Sandro kay Cecil habang nagmamaneho ng sasakyan.Umikot ang mga mata ng dalaga sa turan nito.Sa totoo lang nag aalangan talaga siya baka kasi maabutan sila ng asawa ng talaga kahit sinabi na ni Cecil na wala itong asawa knowing si Cecil baka pinag titripan lang siya nito lalo na at madalas niya rin kasing asarin ang dalaga.
"Oo naman!paano naging mali yun aber?dadalawin natin iyong anak niyang may sakit.
Pero dipende rin sayo!"dugtong nito.
"Dipende saan?What do you mean?naguluhang tanong niya sa dalaga.
"Kung dadalaw ka dahil manliligaw ka"!pang aasar nito na binato niya ng tissue.
Gaga ka ba?For your information may nobya na ako kung anong kalukuhan na naman pumapasok dyan sa utak mo."ani Sandro.
"yeah I know!malay ko ba nagbago na taste mo sa babae!Narealize mo iba na pala tinitibok ng puso mo ,"pangbubwesit ng dalaga dito.
"Naks!parang totoo lang ah...dont tell me inlove ka kaya nasabi mo yan.Nasaan si boyfie?"ganting pang asar nito sa kanya.
"Feeling mo naman sa kin walang naging boyfriend!FYI may naging boyfriend naman ako dati"maktol ni Cecil.
"Ah kaya siguro wala ka pang boyfriend,umaasa kang balikan ng naging syota mo noon.Hindi ka pa ba naka move on noh!?Let me guess si Dodong na patay na patay sa yo."! Lakas ng tawa nito sa kalukuhang naisip para asarin ang dalaga.
"Letche ka!Maka Dodong to wagas..Kabagan ka sana sa kakatawa mo,Nung nag aaral pa ako,itong nilalait mo lang naman ang pambato nila sa mga beauty contest.".ani Cecil na pinulot ang nalaglag na tissue na binato nito.
"Talaga ba?kung ganun tama ako hindi ka pa nga na ka move on kay Dodong kaya hindi ka pa nag boboyfriend.'"tawa ito ng tawa sa pang aasar niya na biglang nagseryoso.
"Seriously,hindi ba magalit sa atin asawa ni Verna?nakakahiya naman baka kung anong isipin nun?"
"Kahit manligaw ka pa ok lang,Anong nakakahiya dun?'".banat ni Cecil dito sa pagkainis sa biro nito kanina.
"Seryoso tanong ko,hindi ka nakakatuwa....
"Hmmmp...Ok sa pagkakaalam ko single mom si Verna.Wala siyang asawa.At sa pagkakaalam ko rin matagal na silang iniwan.Sanggol pa lang iyong anak nila.Ilang bese ko ba sasabihin sa iyo ayaw mo naman maniwala.
"Really?Napakawalang hiya naman ng gagong iyon.Ano siya nagpasarap lang tapos iiwan lang ng ganun na lang ang mag-ina niya.Napaka walang kwenta naman niya hindi niya naisip iyong bata ang maapektuhan."
"Sinabi mo pa...konti na lang kasi ang matinong lalaki sa panahon ngayon.Karamihan hindi na makontento sa isa.At kung sa kin mangyari iyon?Naku ililibing ko ng buhay ang magaling na lalaking iyon..
"Pero bago iyon puputulin ko muna ang kaligayahan niya at ipapakain ko sa aso." gigil na reaksyon ni Cecil.
"sssshhh....relax lang at wag ka maingay baka may makarinig sa iyo niyan eh mawalan ka ng pag asa na magkajowa."sabay tawa ng malakas.
Matatalim na irap ang ibinato ng dalaga dito."bwisit ka Sandro pasalamat ka ako lang ang manager nagtitiyaga sa iyo,pasalamat ka wala kang mahahanap na kapalit ko na,masipag,matiyaga at mabait ginagawa mo pa akong katulong saan ka pa! Cecil Falqueza at your service".
"'Amen!tugon ni Sandro sa kaniyang manager na madalas niyang asarin.
Kaliligo lang ni Verna at nagbibihis ng may kumatok sa pinto.
"Sandali lang!"sigaw ni Verna.Nagmadali na siyang nagbihis.Hindi na sinino kung sino man ang kumakatok ng pag buksan niya ng pintuan.
Daig niya pa ang natuklaw ng ahas ng makita kung sino ang hindi inaasahang panauhin.Namutla siya ng makita ang binata.Hindi niya akalaing pupunta ito sa bahay nila ng wala man lang pasabi.
"Morning!nakangiting bati ng binata dito.
Hindi siya nakakibo,ngayon lang ito na ligaw sa bahay niya.
"Hey!parang natuklaw ka ng ahas d'yan?hindi mo man lang ba kami papasukin?Well kahit hindi mo sabihin I welcome myself na lang",anito na pumasok na at linapag sa mesa ang mga prutas na dala dala.
"Well?Kumusta nam-- hindi nito naituloy ang sinabi ng may batang biglang yumakap sa kanyang mga binti.
"Papa!"sigaw nito na mahigpit na mahigpit na yumakap.
Naguluhan ang binata.Nagtatanong ang mga mata nitong pinaglipat ang tingin sa dalaga at sa paslit.Namumutla na ang dalaga at halatang kinakabahan.
Napataas ang kilay na nakamasid lang sa kanila si Cecil.May halong pagtataka rin ito sa nakikita ng makitang umiiyak at mahigpit na nakayakap kay Sandro ang anak ni Verna.
"What's the meaning of this?takang tanong ng binata sa namumutlang dalagang ina.
"Ah e....hindi malaman ni Verna ang isasagot ng mga oras na iyon mariing naipikit ang mga mata.
"Lord help me"bulong sa isip nya.Gusto nyang magpaliwanag sa kaharap pero nakikita naman nyang masasaktan ang bata.Hindi niya alam kung anong salita ang lalabas sa kanyang bibig.Hindi nya alam kung sino uunahin ang boss niya o ang feelings na nararamdaman ng anak nya.Naiipit siya sa dalawa at naawa siya kay Raven na kitang kita niya ang pagkasabik sa pagkakayakap sa boss niya.
"Ah.....a-anak...bitiwan mo muna siya alanganin siyang palayuin ang bata.Umiiling ito at umiiyak halos ayaw ng bumitaw sa pag kakayakap sa binatang naguguluhan.
"Di ba siya ang papa ko!Ngayon ko lang siya nakita.Hindi ko ba siya pwede yakapin mama?
"Hindi mo na ba ako mahal papa?miss na miss na kita papa,ayaw mo ba sa akin?" umiiyak itong nakatingin sa binata ng sapilitang ilayo ni Verna si Raven dito.
Lalong naguluhan ang binata sa nakikita.Hindi naman makapagsalita ang ina nito.
"Hmm Sandro...I....kinakabahan siya kung anong ipapaliwanag dito na hindi masasaktan ang anak pati siya ay nahihirapan at nasasaktan sa nakikita sa bata.
"Yeah I need your explanation later..putol nito sa sasabihin ng dalaga.
"Come here little boy" utos nito sa paslit.
Walang pag alinlangan na sumugod ito ng yakap umiiyak ito habang mahigpit na nakayakap.Nauunawaan niya kung bakit ganito ang bata.Kahit iyong mayakap siya nito sa pag aakalang siya ang amang nawalay dito.
"Papa"
"Sssshh....stop crying baby...baka makasama sa yo iyan...di ba may sakit ka?alo nito sa paslit na pinunasan ang basang pisngi nito.
"Wala na po akong lagnat Papa"magaling na po ako kasi nakita na kita..
"Papa wag niyo na po kaming iiwan ni Mama ha?"anito na nakatitig sa binata nangingislap ang mata sa luha.
Nakakandong ito habang nakayakap ng mahigpit sa kaniya na humihikbi.
Wala sa loob na sumagot ang binata.
"Oo naman baby"Nakaramdam siya ng awa sa batang nasa kandungan niya.
"Promise po iyan Papa?"masigla na ito at nakangiti.
"Promise!"stop crying ok? alo nito sa paslit.
Nagbabanta ang mga mata nitong nakatingin kay Verna.Himala namang biglang lumakas at wala na ang lagnat nito.
"Are you sure baby na magaling ka na?Nakainom ka na ba ng gamot?"
"Opo papa nakainom na po ako ng gamot pinainom na po ako ni mama bago ka dumating.Tsaka papa look oh magaling na po ako siguro po kasi darating ka kaya pinagaling agad ako ni Papa God.Namiss po kita papa ang tagal mo pong dumating eh,sa mga picture sa album lang po kasi kita nakikita at sa cellphone ni mama"
Napataas ang kilay ni Sandro sa narinig saka tumingin sa namumulang mukha ng dalaga.Hindi niya akalaing mabubuking niya na may mga larawan niya na naka save sa cellphone ng dalaga.
Hinayaan niyang siya ang magpakain sa bata.
Naglalambing ito sa kanya kaya hinayaan niya lang ito.Maliit na bagay lang ito para sa munting kaligayahan ng bata para ipag damot niya pa.
Nakipaglaro din ito pero sinuway niya baka mabinat ito.Mamaya kakausapin niya si Verna kung anong mga kalukuhan ang tinuturo nito sa anak nito.
He needs her explanation kahit abala siya kay Raven sumusunod naman ang paningin niya sa dalaga.Halatang hindi ito mapakali at kinakabahan.
He want to wreng her beautiful neck para paasahin ang bata.Sa pagsisinungaling nito paano na lang kung hindi nya hinayaang makalapit ang bata sa kanya at kinontra ito sa pag aakalang siya ang ama nito,di nasaktan niya ang walang kamuwang muwang na musmos.
Pinaglalaruan niya ang mga daliri sa kamay dahil kinakabahan siya.Masasamang tingin ang pinupukol ng binata sa kanya.
"ahhh god help me! bulong niya dahil hindi nya magawang salubungin ang mga tingin ni Sandro.Hindi niya rin maintindihan kung bakit hinayaan rin nito ang sarili na magpanggap sa harap ng kanyang anak.Marahil naawa rin ito sa paslit na nag hahanap ng kalinga ng isang ama nagkataong mababa ang loob nito sa bata.
Hindi niya akalaing masusuot siya sa ganitong ka kumplikadong sitwasyon.