KABANATA 3

3249 Words
Blade Ford “Kalalake mong tao, pero kung umiyak ka parang bata.” Malamig ang boses ng babaeng nasa harap ko—boses na parang hindi marunong ngumiti kahit kailan. Parang ipinanganak siyang may kasama nang yelo sa lalamunan. Kung ordinaryong tao ang maririnig mo na magsalita nang ganun, iisipin mong suplada lang. Pero siya… ibang klase. Kulay pula ang buhok niya—hindi ‘yung ordinaryong pula na parang pa-cute. Pula na parang apoy. Pula na parang babala. Mapupula rin ang labi niya, sobrang linis tingnan, parang hindi siya kumakain ng normal na pagkain. At ‘yung balat? Puting-puti. Sobrang puti na halos magmukhang kumikinang sa dilim, parang may sariling ilaw ang balat niya. At sa totoo lang? Ang ganda niya. ‘Yung tipong kapag tinitigan mo, makakalimutan mo kung bakit ka natatakot—hanggang sa bigla mong maalala na tama, dapat pala akong matakot. Napalugmok ako sa semento, parehong palad ko nakasapo sa dibdib ko. Unti-unti akong umatras, dumudulas ang likod ko sa sahig, at pilit kong hinahatak palayo ang katawan ko sa kanya na parang may invisible rope na nakatali sa takot ko. “S-sino ka…?” halos pabulong ko, pero tunog iyak pa rin. “B-bampira ka ba?” Hindi siya sumagot agad. Tumitig lang siya. ‘Yung titig na parang tinatansya kung anong klaseng nilalang ang nasa harap niya: hayop ba? tao ba? o pagkain? “H’wag kang lalapit!” mabilis kong dugtong, sabay taas ng dalawang kamay ko na parang may magic shield. “Mapait ang dugo ko at kulay green! Promise! Cross fingers!” Cross fingers pa talaga ako, para sure. Kasi kung may bagay man akong natutunan sa mga napapanood kong vampire movies at kung anu-anong weird na anime—kapag nag-cross ka, may power ka. Baka sakaling umatras siya. Baka sakaling matakot. Baka sakaling sabihin niya, “Ay sorry, mali pala, akala ko masarap ka.” Pero hindi siya umatras. Mas lalo siyang lumapit. At sa bawat hakbang niya, mas naririnig ko ang tunog ng sapatos niya sa semento—tok… tok… tok…—parang countdown. Parang bawat tunog ay kapalit ng isang minuto ng buhay ko. Hanggang sa—thud. Tumama ang likod ko sa matigas. Pader. Dead end. Napalunok ako. “Nako…” Huminto siya sa harap ko. Tapos dahan-dahan siyang yumuko, parang tinitingnan niya ako nang mas malapitan. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot—‘yung paglapit niya, o ‘yung fact na kahit sobrang lapit na niya, hindi ko maramdaman na kinakabahan siya. Umupo siya sa tapat ko, pumantay ang mukha niya sa level ko. Sobrang lapit. Sobrang lamig ng tingin. Parang kaya niyang pigilan ang t***k ng puso ko kung gugustuhin niya. “WAH MOMMY! BUNSO! MAMIMISS KO KAYO! PANGAKO KUNG SAKALING MAGING BAMPIRA AKO, HINDI KO KAYO KAKAGATIN! HUHU—” Naputol ako nang may pumitik sa noo ko. “Aray!” napasinghap ako, tapos dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. At doon ko na-realize kung gaano kami kalapit. Kung konting usog lang siya, baka magdikit na ilong namin. Hindi ako agad nakapagsalita. Parang natuyo bigla dila ko. Parang nag-freeze ang utak ko. “Stupid.” Walang emosyon na sabi niya, parang normal lang ang lahat, bago siya tumayo at tinalikuran ako. Napahinga ako nang malalim at napatingin sa kisame, parang gusto kong humingi ng tulong sa alapaap kahit wala naman kaming alapaap sa loob ng kung ano mang secret room ‘to. Kalmado siya. Parang siya ang may-ari ng katahimikan. “Tumayo ka d’yan at samahan ako,” sabi niya habang nakatalikod. Hindi ko siya pinansin. Nagpanggap akong hindi nakikinig. Baka kasi mamaya, kinakausap niya pala ang kaibigan niyang invisible. Baka may isa pang bampira. Baka may tatlo. Baka may buong vampire family reunion. “Ikaw,” bigla niyang dugtong. Mas malamig. Mas mabigat. “Nerd na lampa. Tumayo ka d’yan at samahan ako.” Nanlaki mata ko. Unti-unti kong itinuro ang sarili ko. “A-ako?” nauutal ko. “Sino pa bang lampang nerd na naririto?” sagot niya, na parang insulto ang existence ko. Grabe. Kanina pa niya ako tinatawag na lampa. Gusto ko sana magsabi ng, “Hoy! May feelings din ako!” pero baka kagatin niya ako. So… tumayo na lang ako. Alanganin ang hakbang ko palapit sa kanya. Sumusundot pa rin ang sakit ng katawan ko, galing sa pagbunggo ko sa pintong bakal kanina at sa mga tadyak ni Limuel earlier. Parang gusto ko na lang humiga sa sahig ulit at mag-request ng “restart day.” “Kakain ako,” sabi niya, parang utos ang bawat syllable. “Samahan mo ako.” Nanlaki mata ko at tumigil ako sa paglakad. “Bakit kailangan pa kitang samahan?” tanong ko, sabay cross arms, lakas loob kunwari. “Ako siguro ang kakainin mo, ’no? Ayaw ko. Matanda na ako para ma-scam sa ganda mo! Ayaw ko pang mamatay!” Hindi siya nagbago ng expression. Wala man lang “ha?” o “lol.” Wala. Blank. “Ayaw mo? Sige,” sabi niya. “’Yung pamilya mo na lang.” Bumigat ang hangin. Hindi niya sinabi ’yon na parang joke. Sinabi niya ’yon na parang kaya niya talagang gawin. Mabilis akong lumapit at kumapit sa braso niya na parang lifeline. “S-sige na nga!” mabilis kong sabi, sabay yakap sa braso niya. “Pero saan mo ba ako kakainin ha?!” Pagdikit ko sa kanya, dumaan ang gulat sa mukha niya—sobrang saglit, pero nakita ko. Parang hindi siya sanay na may humahawak sa kanya nang ganito. Parang sa buong buhay niya, lahat lumalayo—walang lumalapit. “Tsk.” kumunot ang noo niya. “Stupid.” At naglakad siya bigla. Dahil nakakapit ako, halos makaladkad ako. “Hoy! Wait lang! Masakit katawan ko!” reklamo ko, pero hindi siya huminto. Parang hindi niya marinig ang word na “slow.” Sumunod lang ako, kapit pa rin. Kasi kung bibitaw ako, baka magbago isip niya at kainin ako. Or worse—iwan niya ako dito. Tapos mahahanap ako ng janitor bukas na nakahandusay sa “restricted area” at magiging campus legend ako. “The crying nerd in the basement.” Lumapit siya sa isang bookshelf. May kinuha siyang pulang libro—makapal, luma, parang hindi dapat hinahawakan ng normal na estudyante. Parang relic. Parang “DO NOT TOUCH” sa museum. Pero imbes na mahugot niya, biglang— click. Bumukas ang bookshelf. “Ha?!” napasinghap ako. Unti-unti akong napanganga. Sa likod ng bookshelf… may pinto. Hindi ordinaryong pinto—mukhang industrial, parang vault. Tapos may eye sensor sa gilid na naka-glow, malamig ang ilaw. Itinapat niya ang mata niya sa sensor. Beep. Parang may nagpanggap na robot. At bumukas ang pinto na parang elevator. Tumayo ako nang tuwid pero nakakapit pa rin sa braso niya. “Uy… secret entrance… wow…” Wala siyang sagot. Sumakay siya sa loob. Sumunod ako, syempre. Alangan naman siya sa elevator tapos ako sa hagdan. Kakainin na nga niya ako, pagod pa ako? Aba unfair. Pagsara ng elevator, bumitaw ako sa kanya. Doon ko ulit naramdaman ang pananakit ng katawan ko. Parang ngayon lang bumalik lahat ng bugbog at bangga, parang sinabi ng katawan ko: “Uy, hello, naalala mo ba? Sakit tayo ngayon.” Tahimik siya. At dahil tahimik siya, tumahimik din ako. Baka kasi kapag nagsalita ako, maalala niyang gutom siya… tapos ako ang dessert. Habang bumababa ang elevator, ramdam ko ‘yung vibration sa paa ko. Amoy metal. Amoy malamig na hangin. Tapos may faint na amoy… hindi ko ma-explain. Parang leather. Parang pabango. Parang mahal. Nang tumunog ang elevator—parang oven timer—bumukas ito unti-unti. Lumabas kami. At doon… Halos manlaki mata ko. Ang daming sasakyan. Iba’t ibang klase. Sports car, armored, luxury… may mga mukhang prototype. May mga nakatakip pa ng car cover, pero kita mo sa hulma: hindi ordinaryo. May mga ilaw sa kisame na white at bright, parang showroom. Pero mas tahimik. Mas sikreto. Parang hindi dapat pinapasukan ng kahit sino. At ang mas nakakagulantang? May mga unit na sobrang pamilyar. Hindi ako magmamalaki, pero kilala ko ang industry namin. At may ilang shape dito na parang galing sa mga blueprint na nakita ko sa bahay. ‘Yung tipong “experimental line” na hindi pa nilalabas sa public. “G-grabe…” bulong ko. “Ano ‘to, bampira garage?” Sinulyapan niya ako, parang naiinis na agad. “Tatayo ka na lang ba d’yan?” sabi niya. Mabilis akong sumunod. At dahil wala akong alam kung ano ang tama, sumakay agad ako sa passenger seat ng dilaw na Mustang na pinakamalapit. Malinis. Shiny. Parang hindi pa nasasakyan ng ibang tao. “Ang astig!” na-excite kong sabi habang nakatingin pa rin sa paligid. “Dami mong sasakyan… bampira ka nga siguro. Matagal ka nang nabubuhay kaya nakaipon ka na.” “Put your seatbelt,” utos niya. Mabilis kong sinunod. Kasing bilis ng takot ko. Uupo pa lang ako nang maayos nang bigla niyang pinaandar ang makina. At hindi lang pinaandar. Pinaharurot. “WAAAAAAAAAAAAH!” malakas kong sigaw nang makita kong papalapit kami sa pader. Pero sa mismong segundo na akala ko katapusan ko na— Biglang tumaas ang pader. Parang gate. Parang may mekanismo. Parang daan para sa mga taong hindi dapat makita. Maayos kaming nakalusot, tapos bumaba ulit ang pader sa likod namin. Napatigil ako sa pagsigaw at napahawak sa dibdib ko. “Grabe! Akala ko patay na ako!” hingal ko. Tumigil saglit ang sasakyan sa isang dim hallway. Tumingin siya sa akin. “Stupid,” sabi niya ulit, parang paborito niyang hobby tawagin akong ganun. “Hindi ako stupid,” bulong ko. “Sensitive ako.” Wala siyang reaction. Pinatakbo niya ulit ang sasakyan. Smooth. Controlled. Parang bawat pagliko, alam niya eksaktong saan papunta. Hindi siya tumitingin sa GPS. Parang kabisado niya ang bawat lihim na daan. Lumabas kami sa isang hidden ramp, parang underground tunnel na konektado sa labas. Paglabas namin, normal na kalsada na. Parang wala lang. Parang hindi kami galing sa secret lair. At doon ko napansin… hindi siya nagmamadali, pero mabilis pa rin. Parang kaya niyang i-control ang oras. Ilang minuto pa, tumigil kami sa tapat ng isang Korean restaurant—sosyal, tahimik, may valet. ‘Yung type na kapag pumasok ka nang naka-uniform, titingnan ka ng guard na parang “Sir, are you sure?” Nanlalaking mata ko siyang tinignan habang bumababa siya. “Hoy, teka!” habol ko, binuksan ko rin pinto ko. “Balak mo ba akong gawing samgyeopsal?” Malamig lang tingin niya. Hindi niya sinagot. Mas lalo akong kinabahan. Mabilis akong lumabas at hinabol siya. Nahawakan ko kamay niya. At doon… Parang may kuryente. Lambot ng kamay niya, pero may init—hindi pang-bampira. Hindi malamig. Hindi patay. Mas lalo akong nataranta. Pero bago pa ako makapagsalita, tumigil siya at tumingin diretso sa mata ko. Sobrang lapit na naman. “I’m starving,” sabi niya, sobrang kalmado na nakakatakot. “And if you don’t stop your nonsense complaint… I’ll eat you. Right now. Right here.” Umawang bibig ko. Parang biglang nag-error ang utak ko: Eat me? Literal? Or…? At hindi ko namalayan na nabitawan ko na kamay niya. Pumasok siya sa restaurant na parang reyna. At saka ko naalala. Reyna. Reyna. Wait. Parang may narinig akong pangalan sa campus kanina. Bulungan. Legends. Mga staff na biglang tumitigil magsalita kapag nababanggit. Queen Denise Morgan. Biglang may pumasok sa utak ko: Hindi siya bampira. Siya si Queen Denise Morgan. At kung sino man ‘yan… hindi dapat pinaglalaruan. Sumunod ako sa loob, pilit inaayos ang uniform ko. Kasi kung mamamatay man ako, gusto ko presentable. Dinala niya ako sa VIP room na parang reserved lagi para sa kanya. May dalawang grill. Kumpleto. Tahimik. ‘Yung waiters, hindi nagtatanong. Hindi nagtataka. Para bang alam nilang “she owns the air here.” Umupo siya nang straight, parang poste. Ako? Umupo ako na parang tuta na hindi alam kung papagalitan. “Ano bang gagawin natin dito?” dire-diretsong sabi ko, hindi ko mapigilan sarili ko. “Unang araw ko sa klase ngayon pero inakit mo ako mag-cutting. Hindi ko alam na may… Queen Denise Morgan na bad influence!” Tumingin siya sa akin. Isang tingin lang. Parang sinasabi: Masyado kang madaldal para sa taong buhay pa. Pero hindi siya nagsalita. Mabilis dumating ang mga sangkap, side dishes, meats, cheese. Nagsimulang umusok ang grill. Ako, dahil wala akong choice at gusto ko ring mabuhay, kinuha ko ang tongs at naglagay ng karne sa grill. “Okay,” sabi ko habang nilalapag ang meat. “Kung kakainin mo ako, at least busog ka muna. Para less painful?” Malamig ang tingin niya, pero hindi niya ako pinatulan. Tinitigan lang niya ginagawa ko—parang hindi siya sanay. At doon ko napansin: hindi siya kumikilos. Hindi siya kumukuha. Hindi siya nagseset ng plate. Nakaupo lang siya, parang royalty waiting to be served. Kaya kumuha ako ng karne para sa kanya at inilagay sa grill niya. “Kumain ka,” sabi ko, medyo masungit. “Baka mamaya kulangin ka pa sa’kin.” Doon siya nagsalita. “Actually,” mahinahon pero malamig pa rin, “this is my first time eating samgyeop in public.” Napatigil ako. Ha?! Parang may sumabog sa utak ko. “Huh?” natulala kong sagot. “I always eat in my mansion,” tuloy niya, parang normal lang sinasabi niya. “My staff prepares everything. I don’t know anything about this.” Nakatingin siya sa side dishes na parang alien objects. Napaawang ang bibig ko. “Seryoso?” Malamig lang siya. “I told you.” “Queen Denise Morgan…” bulong ko, parang hindi ko alam kung tatawagin ko ba siyang Queen o Denise o Morgan o Ma’am o Your Vampire Highness. Kumunot noo niya. “Don’t call me like that.” “Like what? Queen?” mabilis kong tanong. “Like you’re afraid.” Natigilan ako. Hindi ko alam bakit biglang nag-iba ang hangin. Parang saglit, nawala ‘yung “killer aura” niya at naging… tao. Pero saglit lang. Kinuha niya ulit ang composure niya. Parang kinandado niya ang emotions. Napatapik ako sa noo ko. “Okay. Sorry. Ano… uhm. I’ll teach you.” “Teach me,” ulit niya, parang testing kung kaya kong panindigan. “Oo,” sabi ko, lakas loob. “Gayahin mo’ko. Abusadong… Queen.” Hindi siya natawa. Pero nakita ko ‘yung micro-expression—parang may gustong lumabas na ngiti, pero pinigilan. Kumuha ako ng lettuce. Nilagyan ko ng spicy r****h salad. Kumuha ako ng meat at isinawsaw sa mozzarella cheese, binalot ko, tapos inabot ko sa kanya. “Say ahhh…” sabi ko, parang nagpapakain ng bata. Halatang nagulat siya. Napanganga siya, pero parang ayaw niya. Kaya ako na mismo ang nagpasok sa bibig niya—mabilis, para hindi siya umatras. Dahan-dahan niyang nginuya. Nanood lang ako, parang nag-aabang ng verdict. Parang grading. “Masarap ba?” tanong ko. Tumango siya. Isang maliit na tango, pero sa kanya, parang malaking event na. “See?” proud kong sabi. “Hindi mo ako kakainin. Kakain ka ng samgyeop.” Hindi siya sumagot. Pero hindi na rin siya mukhang gutom na gutom na parang papatay. Kumuha siya ng lettuce at ginaya niya ako—awkward, pero cute. (Ay sorry, ako lang dapat cute, pero… yeah.) “Pwede mong i-try lahat ng side dishes,” sabi ko. Tumango ulit siya. At hindi ko alam bakit… napangiti ako. Agad kong iniwas ang tingin ko, kunwari busy ako sa grill. Kasi baka mapansin niya at sabihin niya ulit na “stupid.” Kumain kami nang tahimik, pero hindi na uncomfortable. Parang may invisible truce. Parang, okay, hindi muna kita papatayin ngayon. Nang matapos kami, tumayo siya agad. Walang thank you. Walang bye. Parang ganun siya lumaki—walang paalam, walang explanation. Lumabas siya, at dali-dali akong sumunod. Busog na busog ako. Parang biglang nawala ang sakit ng katawan ko—o baka hindi na lang ako nagrereklamo dahil may mas malaking problema. Sa labas, sumakay siya sa Mustang niya. “Umuwi ka na,” sabi lang niya. Tapos pinaharurot niya ang sasakyan at umalis. Naiwan akong nakatayo sa gilid ng kalsada, parang tanga. “Hindi man lang ako nakapagpasalamat,” bulong ko sa hangin. “Nakapagpasalamat… dahil hindi niya ako kinain.” Biglang may dumaan na matandang lalaki sa harap ko, mukhang pulubi, pero ang lakas tumawa. “Nako iho,” sabi niya, tumatawa-tawa. “Kung ganyang kagandang babae ang kakain sa’yo, talagang titirik ang mga mata mo.” Natigilan ako. “Ha?” napatanong ako. Pero lumakad na siya, tawa pa rin nang tawa, parang may sariling mundo. Titirik ang mga mata ko? Bakit? Ganun ba pag kinagat ng bampira? Parang hindi naman yata. Hindi ganun sa movies. Baka iba ang “eat” na sinasabi niya? Naramdaman kong uminit ang mukha ko. “Blade, focus,” bulong ko sa sarili. “Muntik ka nang mamatay tapos iisipin mo pa ‘yan?” Mabilis akong pumara ng taxi. Mabuti na lang may tumigil. Sumakay ako at ibinigay ang address namin, tapos tumingin ako sa bintana. ‘Magkikita pa kaya kami?’ tanong ko sa sarili ko. Agad akong umiling. “Tanga ka ba, Blade?” sinaway ko sarili ko. “Muntik ka nang kainin nung babae, tapos iniisip mo pa kung magkikita kayo?!” “Ayos lang po ba kayo, Sir?” napatingin ako sa driver. Natigilan ako. Hindi ko namalayan na nasabi ko pala nang malakas. “Ah—okay lang po,” sabi ko, sabay awkward na ngiti. Pagdating sa bahay, nagbayad ako—nagbigay pa ako ng 1000 bill dahil gusto ko na bumaba agad sa hiya. Narinig ko pang tinatawag ako ng driver tungkol sa sukli, pero ‘di ko na pinansin. Sa kanya na. Deserve niya ‘yon dahil sa narinig niya. Pagpasok ko, sakto namang nasalubong ko si Mommy, mukhang nagmamadali umalis. Marami siyang dalang papeles. “Akala ko nasa school ka?” kunot noo niya. “Bakit ang aga mo namang umuwi?” Yumakap ako sa kanya at humalik sa pisngi. “Tigilan mo ‘ko sa kakaganyan,” sabi niya pero halatang hindi galit. “Nag-cutting ka ba?” Mabilis akong umiling. “Hindi po, Mommy.” “Talaga?” “Opo,” sabi ko, tapos itinaas ko kilay ko. “Pinauwi na po ako ni Prof dahil masyado na daw akong magaling… at cute.” Tiningnan niya ako na parang sinusuri kung anong klaseng kasinungalingan ang mas acceptable. “Oh siya,” sabi niya, halatang ayaw na niya makipagtalo ngayon. “Kung anuman ang dahilan mo, mamaya na natin pag-usapan. Marami pa akong aasikasuhin.” Pumasok siya sa sasakyan. Hinintay ko itong makalabas ng gate at kumaway ako hanggang mawala sa paningin ko. Pagpasok ko sa kwarto, dala ng pananakit ng katawan at pagod ng utak ko, kusang bumagsak katawan ko sa malambot na kama. Hindi ko na nagawang alisin ang sapatos ko. Hindi ko na nagawang alisin ang bag ko. Para akong cellphone na biglang naubusan ng battery sa pinaka-worst na time. Habang unti-unting bumibigat ang talukap ng mata ko, naramdaman ko ang mainit na likido na dumaloy palabas ng mata ko. Hindi ko alam kung luha dahil sa sakit. O luha dahil sa hiya. O luha dahil sa takot. O luha dahil sa… ewan. What a day. At bago ako tuluyang makatulog, isang pangalan ang biglang lumitaw sa isip ko—hindi si Limuel, hindi si Sarah. Kundi siya. What a day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD