KABANATA 22

2395 Words
Sarah’s POV Tinulungan kong makatayo si Limuel pagkakaalis na pagkakaalis ng babae. “Ano bang naisipan mo at hinayaan mong mangyari ’to!” malakas kong sabi rito. “Wala ka na do’n,” sabi nito habang nakatingin sa pinto ng cafeteria kung saan lumabas si Blade kasama ang babae. “Napahiya ka dahil sa babaeng ’yon, tapos sasabihin mo sa’kin na wala na ako do’n?” hindi makapaniwalang sabi ko. Imbes na sagutin ako ay tumayo ito at umalis. Galit akong tumingin sa likod nito bago ibinaling ang tingin sa mga estudyanteng nanonood. Magbabayad ka, nerd. Jake’s POV Nakangisi ako habang nakatingin sa babaeng galit na galit. Kitang-kita namin ang eksenang nangyari kanina kaya natatawa ako sa itsura nito. “Mali sila ng binangga,” nasabi ko na lang. Napatingin naman ako sa mga estudyante. Bigla silang nagtinginan sa isa’t isa. Saka ko lang narealize na napalakas pala ang pagkakasabi ko. Blade Ford-Morgan’s POV Habang nandito ako sa silid ko, nagbukas ako ng laptop para sana libangin ang sarili ko at tumingin-tingin na lang ng mga larawan ng panda. Maya-maya pa ay may biglang ads na sumulpot habang nagba-browse ako. ‘Honeymoon after wedding?’ Kunot-noo kong binasa ang ads. Bigla namang pumasok sa isip ko na hindi pa man lang kami nagho-honeymoon. Nag-search naman ako kung ano ba ang honeymoon. Ilang sandali pa ay lumabas agad ang resulta nito at agad kong binasa. “A honeymoon is a vacation taken by newlyweds shortly after a wedding to celebrate their marriage,” mahinang basa ko sa lumabas na resulta. Bigla naman akong nakaramdam ng excitement. Dali-dali akong nag-search ng lugar na magandang puntahan. Lumabas ang Disneyland, located in Hong Kong. Nakangiti akong nagmamadaling lumabas. Mabilis kong inilagay ang card pass ko sa pinto ng silid ni Wifey. Saktong pagpasok ko ay kalalabas lang ni Wifey mula sa closet niya. Nagsusuklay ito ng mahaba niyang buhok. Napansin kong nagulat ito, pero agad ding nawala. “Wifey, ’di ba’t kasal na tayo?” nakangiti kong tanong dito. “Yes, why?” tanong nito habang nakaharap sa vanity mirror at nagsusuklay. “Hindi ba’t ang mga ikinakasal ay nagho-honeymoon?” tanong ko pa habang nakangiti nang malaki. Nakita ko kung paano mamula ang mukha nito at bahagyang manlaki ang mga mata. Nag-iwas ito ng tingin at nagpatuloy sa pagsusuklay, pero ramdam ko ang pagkabalisa nito. “Bakit mo nabanggit ang bagay na ’yan?” mahinang tanong nito. “Gusto kong mag-honeymoon tayo, Wifey. Please,” nakanguso kong sabi rito. Tiningnan ako nito saglit at nag-iwas muli ng tingin. “Ano ka ba? Tumigil ka diyan. Hindi tayo magho-honeymoon,” matigas ngunit ramdam ko ang pagkailang nito habang sinasabi ’yon. “Teka nga, Wifey. May sakit ka ba? Kanina ko pa napapansin na namumula ka,” kunot-noo kong sabi rito saka ko ito nilapitan at hinawakan ang mukha nito. “Hindi ka naman mainit,” nagtataka kong sabi. “Sige na kasi, Wifey. Gustong-gusto ko talagang mag-honeymoon tayo!” sabi ko rito nang masigurong wala naman itong sakit. “Fine,” malamig nitong sabi, pero namumula pa rin. “YEHEYYY! GUSTO KO SA DISNEYLAND, TAPOS GUSTO KO MAKITA SI OLAF! WAAAH, EXCITED NA ’KO!” masaya kong sabi at niyakap ito. Kita ko naman na nanlaki ang mga mata nito at bahagyang napaatras. “Teka, akala ko ba ay magho-honeymoon tayo?” taka nitong tanong. “Oo nga, Wifey. Magbabakasyon tayo sa Hong Kong. Pupunta tayong Disneyland para makita ko si Olaf,” masaya kong sabi habang may malaking ngiting nakapaskil sa mga labi ko. “Tsk. Okay. Prepare your things. Ngayon tayo aalis,” malamig nitong sabi. Kahit hindi makapaniwala ay mabilis akong lumabas ng silid nito at kumuha ng maleta. Inilagay ko lahat ng dadalhin ko. Malamang ay hanggang Linggo kami roon dahil Friday ngayon at Sabado bukas, walang pasok. Lumabas na ako ng silid ko dala ang maliit na maleta. Akmang bubuksan ko na ang pinto ni Wifey nang bigla itong bumukas at lumabas siya. Nakabihis na ito, pero wala naman itong dalang kahit anong gamit. “Wala ka bang dadalhing gamit?” nagtataka kong tanong dito. “Wala. I have a lot of things in Morgan Mansion located in Hong Kong,” simpleng sagot nito sa akin. Namamangha akong napango at napatango-tango. Hindi ko akalaing hanggang doon ay may mansion itong pag-aari. Bumaba na kami. Sumalubong sa amin si Butler Mae na naghihintay sa tapat ng isang sasakyan. “Take care of the things I left and always update me,” bilin ni Wifey rito. “Yes, Queen,” nakayukong sabi nito bago kami pinagbuksan ng pintuan sa backseat. Nagmaneho na ito at makalipas ang ilang sandali ay nakarating kami sa Morgan Airport. Sumakay kami sa private plane. Malawak ang loob nito at hindi marami ang upuan. Halatang nagagamit lang ito kapag si Wifey ay aalis ng bansa. Ilang sandali pa ay nakaramdam na ako ng antok. Hinayaan kong dalhin ako ng antok at makatulog. Queen Denise Morgan’s POV Nakarating kami at sumalubong sa amin ang isang limousine. Bumaba ang isa kong tauhan at pinagbuksan kami ng pinto. “Madam, welcome to Hong Kong!” sabi nito. Tumango lang ako rito. Si Blade naman ay halatang antok na antok dahil wala itong imik habang nakasunod sa akin. Ilang sandali pa ay nakarating kami sa mansyon. Madaling-araw na nang makarating kami, kaya dumiretso agad ako sa kwarto ko rito sa mansyon. “Wifey, saan ako matutulog?” tanong sa akin ni Blade. Ngayon ko lang napansin na nasa loob na rin pala ito ng silid ko. “Sa katabing kwarto ko,” sabi ko rito. Tumango naman ito at pikit-matang naglakad palabas ng silid ko. Nagbihis muna ako bago matulog. Kinabukasan… “Wifeyyyy, gising naaaa!” Nagising ako dahil sa malikot na taong tumatalon habang sumisigaw sa ibabaw ng kama ko. Nagmulat ako ng mata at bumangon. “Antok pa ako,” sabi ko kay Blade bago ito tiningnan. “Pero Wifey, 8 AM na! Uulitin pa natin ang Disneyland, ’di ba? Sige na, Wifey, maligo ka na. Gusto ko nang makita si Olaf,” makulit nitong sabi. “Aish!” sabi ko saka tumayo at dumiretso sa CR. Nandito na kami ngayon ni Blade sa Disneyland at kasalukuyang may parade ng mga Disney characters. “Waaah, Wifey! Si Olaf! Ayun o, si Olaf!” sabi nito sa akin at may pagturo-turo pa. Tiningnan ko ang tinuturo nito at napasimangot nang makita ko ang bulak na naglalakad na may carrot sa mukha. Hinila naman ako nito. “Wifey, picturan mo kami,” sabay-abot nito ng camera niya. Kinuha ko iyon at kinunan silang dalawa ng naglalakad na bulak, tapos hinila naman niya ako sa mga rides. Ang una niyang hinila sa akin ay ang Dumbo Ride, ’yong pambatang higanteng elephant. “Wohooooooo!” sigaw nito habang sakay kami ng Dumbo. Kahit na hindi naman mabilis ay tuloy-tuloy pa rin ang sigaw nito. “Kumain muna tayo,” sabi ko rito nang akmang hihilahin na naman niya ako. Nagugutom na ako dahil sa sobrang excited ni Blade ay hindi na kami nag-almusal. “Sige, Wifey. Gutom na rin ako eh,” sabi nito sabay hawak sa tiyan niya. Hinila naman niya ako sa isang restaurant. Napatingin ako sa taas at napataas ang kilay nang mabasa ko ang pangalan nito. Sleeping Beauty Restaurant Hinila ako ni Blade papasok sa loob. “Ma’am, Sir, table for two po ba?” tanong ng isang babaeng nakapink na gown. “May nakikita ka bang iba pa naming kasama?” cold kong tanong dito. “Ahm, I’m sorry, Ma’am. Please follow me,” sabi nito saka naglakad patungo sa table na pangdalawang tao lamang. Kinuha naman ng isang waitress ang order namin—kung waitress bang matatawag iyon dahil nakagown din. Agad na dumating ang order namin. Kumain lang kami nang tahimik dala ng pagod. Mabilis kaming natapos at lumabas ng restaurant. Paglabas namin ay muli na naman niya akong hinila. “Wifey, gusto ko sa Space Mountain,” sabi nito. Nagpahila na lang ako rito. Pagpasok namin ay para kaming nasa outer space. May mga neon colors at kung anu-anong forms sa paligid. Ilang oras kaming nagtagal doon, at paglabas namin ay nagdidilim na ang paligid. “Roller coaster tayo, Wifey,” sabi nito. Pumayag naman ako. Nang makasakay kami ay hinawakan niya ang kamay ko. Nagsimula na itong umandar. Shit. Pakiramdam ko’y naiiwan ang kaluluwa ko dahil sa pagtaas at biglang pagliko nito. “WAAAAAAAAAAAHHHHH! ANG SAYAAAAAAA!” malakas na sigaw ng Blade na ’to. Napatawa ako. Oo, napatawa ako dahil hindi ko maintindihan ang itsura niya. Itinaas ko rin ang mga kamay ko tulad ng ginagawa niya. “OO NGAAAA! ANG SAYAAAAAAA!” sigaw ko. Napatingin ako kay Blade dahil nakatingin ito sa akin habang nakangiti. “I LOVE YOU, WIFEY KOOOOO!” sigaw nito. Saka ako nito muling tiningnan. Nawala naman ang ngiti ko at umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko’y may paru-paro sa tiyan ko at sobrang pula ko na. Nang makababa kami ay nanood na lang kami ng show ng mga Disney characters. Tuwang-tuwa na naman si nerd dahil nakita niya na naman ’yung bulak na lakad. -.- Ilang oras bago natapos ang show nila, kaya inabot kami ng alas-onse ng gabi. “Pagod ka na ba, Wifey?” nag-aalala nitong tanong sa akin. Ang totoo ay antok na ako, kaya tumango ako. “Last na ’to, Wifey. Sa Ferris wheel naman tayo. May fireworks kasi,” sabi nito saka ako hinila pasakay sa Ferris wheel. Nang makapasok kami ay dahan-dahan itong tumaas. Nakatingin lang ako sa langit dahil kitang-kita naman iyon; gawa sa salamin ang bawat kwarto ng Ferris wheel, at malawak din ito kaya malaya mong makikita ang kapaligiran. Napatingin ako kay Blade nang maramdaman kong nakatingin ito sa akin. Nagtama ang aming mga mata. Seryoso ang mukha nito kaya hindi ko maiwasang mailang sa mga titig niya. “Wifey,” seryoso nitong banggit. Kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan. “Queen ka man o ano, tandaan mo, mahal na mahal kita at ngayon ko lang naramdaman ’to,” sabi nito. “Oo, no’ng una, inaamin ko, akala ko talaga may sakit ako. Pero napagtanto ko, nagmamahal lang pala ako,” seryoso pa rin nitong sabi habang nakatingin sa mga mata ko. “Queen, puwede bang ako lang? Akin ka lang. Kahit hindi mo muna ako mahalin, basta hayaan mo lang akong mahalin ka, okay na ’yon,” seryoso pa nitong sabi. Parang tinablan nang malakas ang puso ko dahil sa lakas ng t***k nito. “Blade—” Naputol ang sasabihin ko nang iharang nito sa labi ko ang hintuturo niya. “Shhhhh. Huwag ka nang magsalita. Kahit wala kang sabihin, basta hayaan mo lang akong mahalin ka, okay na ’yon,” sabi nito saka ngumiti sa akin nang matamis. Ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko. Hindi ko akalaing paglipas ng labinglimang taon ay makakaramdam pa rin ng emosyon ang puso ko. “Mahal din kita, Blade.” Kasabay ng pagbanggit ko ng mga katagang iyon ay ang pagputok ng fireworks. Ang lakas ng putok nito kaya natabunan ng ingay ang tinig ko habang sinasabi iyon. Tumingin na lang ako sa makukulay na fireworks. Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi ko. “Ang ganda,” manghang sabi ko. Labinlimang taon na rin mula nang huli akong makakita nito, dahil kada bagong taon ay ginagawa kong abala ang sarili ko sa training room. “Oo nga, ang ganda!” narinig kong sabi ni Blade. Napatingin naman ako rito. Unti-unti na ulit umikot ang Ferris wheel. Nang makababa kami ay agad kaming nagtungo sa pinag-iwanan ko ng sasakyan. Pagkasakay na pagkasakay namin ay pinatakbo ko na ito dahil inaantok na ako. Si Blade naman ay nanatiling tahimik lang. Habang nasa gitna kami ng daan ay napansin ko ang kotseng kanina pa nakasunod sa amin. “Buckle up your seatbelt,” seryoso kong sabi kay Blade. Sinunod naman niya iyon. Mas binilisan ko pa ang takbo. Mukhang nakahalata naman ang sumusunod sa amin kaya nagsimula na itong bumaril. Iniilag ko ang kotse dahil hindi bulletproof ang nadala ko, kaya gumegewang-gewang ngayon ang sinasakyan namin. “Kunin mo ’yong baril sa ilalim ng upuan. Bilisan mo,” utos ko kay Blade. Agad naman niya akong sinunod nang makuha niya ito. “A-anong gagawin ko dito, Wifey?” nagpa-panic na tanong nito sa akin. “Buksan mo ang bintana. Barilin mo ang gulong nila,” sabi ko rito. “P-pero hindi ko kaya,” ramdam ko ang takot sa boses niya. “Kaya mo. May tiwala ako sa’yo,” seryoso kong sabi rito at tiningnan siya sa mga mata. Nakita ko kung paanong nawala ang pag-aalinlangan sa mga mata niya. Binuksan niya ang bintana sa gilid niya at nagsimulang barilin ang gulong ng kotseng nakasunod sa likod namin. BANG BANG BANG Sa ikatlong putok ay nagpagewang-gewang ang sasakyang nakasunod sa amin. Muli niyang isinara ang bintana bago hindi makapaniwalang tumingin sa akin. “Nagawa ko hoooo!” sabi nito sabay hinga nang malalim. Napangisi ako. Nakarating kami sa mansyon nang maayos at walang galos. Dumiretso agad kami sa kani-kanyang silid at nagpahinga. Blade Ford-Morgan’s POV Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong nagtatalon sa kama ko. “YES! YES! YES!” sigaw ko saka tuluyang humiga. Nakangiti ako habang nakatingin sa kisame. Narinig ko ang sinabi niya kanina. Hohoho. Kinikilig ako. Akala niya siguro ay hindi ko narinig dahil kasabay ng pagsabi niya sa’king mahal din niya ako ay ang pagputok ng fireworks. Wifey ko… Hindi man kita maprotektahan, sisiguraduhin ko namang hindi kita sasaktan. Pangako ko ’yan. Kinabukasan… Sakay na kami ngayon ng private plane pauwi sa Pilipinas. Huwag n’yong isiping maaga kaming umuwi dahil sa totoo lang, alas-diyes na ng umaga kami nagising kaya ngayon alas-dose ay sakay na kami. Dumaan pa kasi kami sa shop dahil sa biglaang tawag ni Mommy. Hindi ko man lang daw sinabi sa kanya na pupunta kami rito. Kung hindi pa raw siya magtatanong kay Manang no’ng bumisita siya sa bahay noong Sabado—which is kahapon—hindi niya malalaman. Kaya ayun, humingi siya ng pasalubong. Ilang sandali pa ay naramdaman kong nasa himpapawid na kami. Napatingin naman ako sa tapat ko. Si Wifey kasi ang kaharap ko ngayon, at natutulog siya. Napangiti ako bago inihilig ang ulo ko sa sandalan at pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD