Blade Ford-Morgan’s POV
Mabilis na lumipas ang araw. Ngayon ang simula ng Foundation Day.
Andito kaming lahat ngayon sa auditorium. Kasalukuyang nagsasalita si Van sa stage.
Remember him?
Ang kanang kamay ni Wifey pagdating sa school. Nalaman ko lang iyon base sa mga nabasa kong information na ibinigay sa akin ni Wifey para pag-aralan ko raw.
“Good day, students. Sa nakikita n’yo ngayon, first day ng Foundation Day natin. Alam kong na-remind na kayo ng mga professor n’yo about sa schedule natin, pero uulitin ko lang.
First day and second day ay para sa sports, samantalang bukas ng gabi, which is our second day, ay ang Battle of the Bands. At sa last day ay awarding. Puwede n’yo ring ikutin ulit ang buong school.
Last day din ang Masquerade Ball. Dadating ang may-ari ng school, so I hope all of you will come. That’s all.”
Pagkatapos sabihin ni Van iyon ay umalis na kami roon. Kasama ko ngayon si Agatha.
“Tara sa booth natin,” akit nito sa akin.
“Sige, tingnan natin ’yong mga ikakasal,” masaya kong sabi, saka kami naglakad patungo sa booth namin.
Pagdating doon ay namangha ako sa ginawa ng mga kaklase ko. Ngayon ko lang kasi nakita ’to dahil palagi lang akong nasa opisina ni Wifey at naging abala ako sa pag-aaral sa pagpapatakbo ng mafia at business.
“Haha, oo nga. Pakasal kaya tayo? Hindi naman totoo, katuwaan lang,” sabi sa akin ni Agatha.
Napatingin ako sa kanya.
Sasagot na sana ako nang biglang mag-ring ang phone ko.
Si Wifey pala ang tumatawag.
“Hello,” sagot ko.
“Gutom na ako,” rinig kong sabi niya sa kabilang linya.
Napangiti naman ako.
“Sige, dadalhan kita ng pagkain diyan.”
Pagkasabi ko noon ay nagpaalam na ako kay Agatha.
“Excuse me lang ha, emergency lang. Bye,” sabi ko rito saka tumakbo patungo sa cafeteria.
Matapos akong makabili ng mga pagkain ay dali-dali akong tumakbo papunta sa opisina niya.
Pagkarating ko roon, nakita kong may hawak siyang itim na envelope.
Nakita naman niya ako, kaya inilapag niya muna ang envelope.
Lumapit ako sa kanya habang nakangiti.
“Eto, Wifey, kumain ka,” nakangiti kong sabi at ibinigay ang mga pagkaing binili ko sa cafeteria.
“Teka lang, CR lang ako,” sabi niya.
Pagkaalis na pagkaalis niya ay agad kong kinuha ang envelope at binuksan.
Queen,
Malapit na. Isusunod na kita sa mga angkan mo. Mamamatay ka rin katulad nila.
Naramdaman ko naman na palabas na ng CR si Wifey kaya dali-dali kong ibinalik ang itim na envelope.
Mabuti na lang at nagawa ko agad iyon. Saktong pagpatong ko ng envelope ay paglabas niya mula sa CR.
Ngayon ay hindi mapakali akong nakatingin sa kanya hanggang sa makaupo siya sa office chair niya.
“Kain ka, dali,” sabi niya sa akin.
Lumapit ako rito at ngumuso.
“Subuan mo ako. Pout,” sabi ko.
Sinubuan niya naman ako. Naninibago ako. Parang hindi siya cold ngayon at hindi niya ako sinusungitan.
“Wifey, may problema ka ba?” mahinang tanong ko habang nakakunot ang noo ko.
“Wala. Sige na, kain na,” sabi nito.
Susubuan niya sana ako pero hinawakan ko ang kamay niya.
“Wifey, kung may problema ka, sabihin mo sa akin. May malasakit ako sa ’yo, hindi lang dahil kasal tayo sa papel kundi dahil mahal kita,” seryoso kong sabi rito.
Unti-unti siyang napayuko upang umiwas sa tingin ko.
“Malapit na ang mafia war. Natatakot ako. Natatakot ako na baka may masaktan dahil sa akin. Ayokong madamay kayo,” sabi nito habang nakayuko, saka tumingin sa akin.
Yung mga mata niya, punong-puno ng emosyon na kailanman ay hindi ko pa nakita noon.
“Huwag kang matakot. Handa akong mamatay para sa ’yo. Mahal kita eh,” sabi ko rito.
Nakita ko kung paano siya mamula.
Tumayo siya at ipinasok sa bag ang mga gamit niya.
“Tara,” sabi nito.
“Saan, Wifey?” tanong ko naman.
“Kung saan malayo sa kanila,” sabi nito saka ako hinila palabas.
Halos malaglag ang salamin ko dahil sa hindi ko inaasahan ang paghila niya, ngunit napangiti na lang ako kalaunan.
Sumakay kami sa kotse niya. Nag-drive lang siya. Mga ilang oras bago kami makarating.
Nagpunta kami sa Tagaytay. May rest house dito ang mga Morgan.
Pumasok siya sa loob nang dere-deretso. Alas-diyes na kami ng gabi nakarating dahil gabi na rin naman nang umalis kami sa Manila.
“Dito ka ulit sa tabi ng kwarto ko,” sabi nito sa akin.
Dala ng antok ay tumango lang ako at pumasok sa kwarto.
Pagpasok ko ay nahiga ako at agad na nakatulog.
Queen Denise Morgan’s POV
Alas-sais ako nagising. Nakaupo ako ngayon sa terrace na tanaw ang lawa at ang pagsikat ng araw.
Nagulat ako nang may umupo sa tabi ko.
Tiningnan ko ito at nakitang si Blade iyon.
“Wifey, hindi mo ako ginising,” nakapout na sabi ni Blade sa akin.
Tiningnan ko lang siya imbes na sagutin, saka ko naalala ang tawag sa akin ng may pakana ng m******e sa pamilya ko.
Flashback
Abala ako sa pagtingin sa iba’t ibang bahagi ng monitor sa school. Inaalala ko na baka may nangyayaring kaguluhan habang dinadaos ang Foundation Day.
When you feel my heat
Look into my eyes
It’s where my demons hide—
Unregistered number.
Sinagot ko naman ito pero hindi ako nagsalita.
“Should I kill him first, or should I kill you first? HA HA HA HA!” tanong ng nasa kabilang linya at tumawa nang pagkalakas-lakas.
“Mafia war has begun,” sabi ulit nito.
Hindi ako nag-abalang sumagot. Bagkus, pinatay ko na lang ang tawag.
Nakita ko naman sa isang monitor ang isang lalaking nakatayo sa likod ni Blade habang may hawak na patalim. May kausap na babae si Blade noon kaya hindi nito napapansin ang nasa likod niya.
Kaya tinawagan ko ito, at hindi nga ako nagkamali. Mabilis itong tumakbo para bilhan ako ng pagkain.
May nag-text naman bigla.
Scared, huh? — Unknown
End of Flashback
“Huy, Wifey, tulala ka diyan!” malakas na sabi sa akin ni Blade.
Bumalik naman ako sa reyalidad at ibinaling ang tingin sa araw.
Tumayo ako at nagtungo sa rest house. Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Blade. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa isang silid—isang silid na puno ng iba’t ibang armas.
“Kailangan natin ’to sa daan, pabalik sa school.”
Tumango naman ito nang maintindihan niya.
Kumuha rin siya, pero mga dinamita ang kinuha niya.
Napangisi ako.
Isang bagay na sigurado.
Pabalik na kami ngayon, at hindi nga ako nagkamali—marami nang nakaabang sa daraanan namin.
“Wifey, may nakasunod sa’tin. Tatlong kotse,” sabi ni Blade habang nakatingin sa likod.
“Alam ko. Kaya mo bang mag-drive?” tanong ko rito bago ko siya tinignan.
“H-Hindi ko k-kaya,” sabi nito sa akin.
“Kaya mo ’yan. May tiwala ako sa ’yo.”
Nagpalit kami ng pwesto kaya medyo nagpagewang-gewang kami.
Pinakiramdaman ko muna ang pagda-drive niya. Nang maramdaman kong okay na ang pagda-drive nito ay binuksan ko na ang bintana ng sasakyan.
BANG
BANG
BANG
Pagbaril ko sa mga kotse, ’yong isa ay tinamaan ko ang driver. Nakaiwas naman ang dalawa.
BANG
BANG
BANG
Bumaril din ang dalawa kaya nagpagewang-gewang kami dahil pilit iniiwasan ni Blade ang mga bala.
Naramdaman kong bumilis ang takbo ng sasakyan.
Tiningnan ko si Blade at nakita kong seryoso itong nakatingin sa daan.
Napangisi ako.
That’s my boy.
Binaril ko na ulit ang dalawang nakasunod sa amin. Natamaan ko naman ang gulong nung nauuna kaya bumangga rito ’yong isa pa.
Napaupo naman ako nang maayos at huminga nang malalim.
“That’s my wife!” sabi ni Blade sa akin.
Nginisian ko siya at kinindatan.