Butler Mae’s POV
Kasalukuyan akong nandito sa mansyon kung saan namamalagi si Queen. Kararating lamang nila ng kanyang asawa at hinihintay ko lang silang bumaba dahil magkakaroon ng meeting sa Thanatos Palace.
Pagbaba nila ay hindi ko talaga maiwasang mamangha sa kanilang dalawa. Bagay na bagay sila—na kung titingnan mo, parang ang sarap patayin ng kung sinumang sisira sa kanilang dalawa.
“King, Queen,” bati ko saka yumuko.
Pinagbuksan ko sila ng pintuan ng sasakyan at pumasok naman ako sa driver’s seat upang magmaneho.
“Kumusta ka na, Mae?” malamig na tanong sa akin ni Queen sa kalagitnaan ng aming biyahe.
“H-Ha? Okay lang ako,” ilang kong sagot dito dahil sa pagkagulat sa biglaan nitong pagtatanong.
Nakita ko naman na tumango lang ito at hindi na nagsalita.
Mabilis kaming nakarating sa palasyo. Akmang bababa na si Blade nang hilahin ito ni Queen.
“Wear your mask,” malamig na sabi nito.
Napatingin naman si Blade sa kanang kamay niya kung saan naroroon ang kanyang maskara. Isinuot niya ito bago ngumiti kay Queen at lumabas.
Sumalubong sa amin ang milyon-milyong pinagsamang gangster, assassin, mafia, ninja, at yakuza. Naririto sila dahil sa pangmalawakang pagpapatawag ni Queen ng meeting.
Umakyat si Queen at King kasama ako, kung saan naroon at naghihintay ang mga nakatataas.
Lahat ay lumuhod at binati ang dalawa. Lumapit si Queen sa mic upang marinig siya ng nakararami.
“Magsitayo kayo,” cold na sabi ni Queen.
“Pinatawag ko kayo para ibalita na ang kalaban natin ay nagdeklara ng isang war,” sabi ni Queen.
Bahagyang tumahimik ang mga tao at maya-maya pa ay umingay ang mga ito. Ang ilan ay nakakaramdam ng pagkasabik, habang ang iba naman ay nababahala.
“Iisa lang ang ipag-uutos ko,” malamig pa nitong sabi, kaya muling tumahimik ang mga tao.
Habang nakatayo lamang kami ni Blade, nakita ko ang tingin nito kay Queen na puno ng pag-aalala.
“Patayin ang kalaban at patuloy na mabuhay. Always remember about our golden rule—stay alive,” malamig na sabi nito, saka umalis sa harap ng mic.
Tumahimik ang mga tao.
Maya-maya pa ay nagsigawan na ang mga ito.
“Masusunod, Queen!”
“Patuloy kaming mabubuhay at patuloy na maglilingkod sa’yo!”
“Mabuhay ang Reyna at Hari!”
“MABUHAYYYYYY!”
Sigaw ng mga ito.
Kita ko kung paanong pumatak ang isang butil ng luha sa maskara ni Queen.
Hinila na ni Blade si Queen patungo sa sasakyan. Sumunod naman ako.
Nang makapasok sa sasakyan ay nasaksihan ko kung gaano kamahal ng Hari ang aking Reyna.
“Hushhhh, Wifey. Don’t worry, everything will be okay,” sabi nito habang yakap-yakap si Queen.
Ilang saglit pa ng pagmamaneho ko ay tiningnan ko ang dalawa sa likod. Nakita ko naman na nakatulog na si Queen sa mga bisig ni Blade.
“Sleep well, my wife,” mahinahong sabi nito.
Napangiti na lang ako.
My Queen finally found her King.
Liam Go’s POV
HA HA HA!
Hindi na ako makapaghintay na mapatay ang kaisa-isahang apo ng matandang ’yon. Isusunod ko na ito sa kanya!
Dahil sa kanya, hindi ko nakuha ang babaeng pinakamamahal ko—ang kaisa-isa niyang anak. Si Princess Death Morgan.
Kami naman talaga ang tunay na nagmamahalan ni Princess, pero dahil sa matandang ’yon na pilit kaming pinaghiwalay ay wala akong nagawa.
Ngunit ang mas ikinagalit ko ay nang mahulog si Princess sa lalaking ipinagkasundo sa kanya ng matandang ’yon at tuluyan akong kalimutan.
Nagkaroon ako ng isang anak sa isang pokpok na nakuha ko lang sa isang bar noong lasing na lasing ako, at iyon ay si Limuel Go.
Sinugod ko ang pamilyang Morgan. Nagkataon namang wala roon ang matandang ’yon pati ang anak ni Princess.
Kasama ko ang mafiang nabuo ko dahil sa kagustuhang maghiganti.
Pinatay ko silang lahat.
Naaalala ko pa kung paano magmakaawa si Princess sa akin, pero sabi ko nga sa kanya—kung hindi siya mapapasakin, mas mabuti pang wala nang makinabang!
TOK TOK TOK
Naputol ang pagbabalik-tanaw ko sa nakaraan nang may kumatok.
“Pasok.”
“Sir, ayon sa source ko, bukas ng gabi ay magkakaroon ng masquerade ball at a-attend doon ang Reyna,” sabi sa akin ng tauhan kong si Tristan.
Oo, siya ang ahas sa mafia nila, kaya nalalaman ko lahat ng galaw niya.
“Mabuti! Maghanda ang lahat dahil bukas ng gabi, susugod tayo,” nakangising demonyong sabi ko.
Umalis na ito sa harap ko matapos sabihin ang balitang ’yon.
Napangiti na lang ako nang malaki.
Unti-unti ko nang nararamdaman ang tagumpay.
Queen Denise Morgan’s POV
“Gano’n ba? Sabihan ang lahat at maghanda. Masyadong magiging delikado dahil mga nakamaskara ang tao mamaya, pero magiging pabor din sa’tin ito dahil maaari tayong magpasok ng tao,” sabi ko rito.
Kasalukuyan kong kausap ngayon si Tristan.
Siya ang inatasan kong maging spy sa kalaban para maging madali ang bawat kilos namin. Ang buong akala ng Liam na ’yon ay maiisahan niya ako.
Puwes, mamamatay siya sa pag-aakala.
Napangisi ako.
Nasa tabi ko ngayon si Blade na mukhang kinakabahan dahil mamayang gabi na ang ball.
Kaya naman muli akong nagpatawag ng meeting para sa lahat. Kasalukuyan kaming nandito sa palasyo.
Na-discuss ko na ang lahat ng gagawin. Kalahati sa mga tauhan ko ang magbibihis upang makapasok sa loob, habang ang iba naman ay papalibutan ang lugar na pagdarausan ng ball. Lahat kami ay nakabihis ng long gown, ngunit sa ilalim ng mga gown ay ang panlaban naming kasuotan.
“Uulitin ko, isa lang ang ipinag-uutos ko—patayin ang kalaban at patuloy na mabuhay,” sabi ko sa mga ito.
Lahat naman sila ay nangakong mabubuhay.
Nagpunta kami sa limousine para doon mag-ayos. Nakagown nga ako, ngunit ang maskara ko naman ay ang maskara ko bilang Queen.
Pagpasok sa loob, agad kong hinubad iyon at itinago sa loob ng gown ko bago isinuot ang maskarang kinuha ko noong nakaraan na kapareha ng maskara ni Blade.
Lahat ng kasapi ay may palatandaan—ito ay ang wristband na nakakabit sa bawat isa upang malaman kung kalaban ba o hindi ang kaharap.
Ang wristband na ito ay ako lamang ang tanging puwedeng magtanggal at magkabit.
Kaya hindi maaaring magkaroon ang kalaban ng ganito.
Mabilis kong naayos ang lahat, at dahil long gown ang suot ko ay hindi halata ang nasa loob nito. Ni hindi nga halata ang boots na gagamitin ko sa paglaban upang hindi na ako mahirapan mamaya.
Lahat kami ay nakabulletproof, kahit si Blade ay ganoon din.
Nang matapos ay pinaandar na ang limousine dahil alas-diyes na ng gabi at siguradong nagsisimula na ito.
Mabilis kaming nakarating at nakita ang sandamakmak na estudyanteng nakasuot ng marangyang kasuotan.
Habang naglalakad sa red carpet ay mahigpit ang hawak ko sa braso ni Blade. Nakakaramdam ako ng matinding kaba. Kaba hindi para sa sarili ko kundi para sa mga kasama ko.
Nagpapalakpakan ang mga estudyante, pero ako ay nakafocus lang sa mangyayari mamaya.
Hindi ko naman namalayang nakarating na pala kami sa stage. Nagkaroon ng kaunting speech pero ang utak ko ay nakalutang pa rin.
At nagsimula na.
Hindi ko alam, pero kinakabahan talaga ako nang sobra.
“Wifey, as your King, I want you to do something,” seryosong sabi ni Blade sa akin.
Lalo akong nakaramdam ng kaba na tila may mangyayaring hindi maganda mamaya.
“Please, mabuhay ka,” sabi nito.
Napayuko ako dahil hindi ko alam ang isasagot.
Tumayo ako mula sa kinauupuan at pinanood ang mga estudyanteng nagsasaya, saka ako lumapit kay Butler Mae.
“Mae,” tawag ko rito.
“Queen,” sagot nito.
“Protect my King at any cost. That’s all I want,” sabi ko rito habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.
“But—”
“No buts. I’m fine. Just protect my King,” sabi ko rito bago ko siya nginitian.
Kita ko ang pag-aalangan sa mga mata nito, ngunit wala itong nagawa kundi ang mahinang tumango sa akin.
“Thank you,” huling sabi ko rito.
At bigla na lang namatay ang ilaw.
BANG
BANG
BANG
Nagkagulo ang lahat.
Agad kong pinakiramdaman ang paligid at bumalik sa puwesto kung saan naroroon si Blade. Hinawakan ko ito at ramdam ko naman na nakikiramdam din siya.
“Wifey, mag-iingat ka,” sabi nito sa akin matapos makilala ang amoy ko.
“Ikaw ang mag-ingat,” sabi ko rito habang nakikiramdam.
Naramdaman ko na may humarang sa harap namin. Mukhang si Butler Mae ito.
Patuloy lang sa barilan ang mga tao rito, habang ako naman ay may hawak na ring baril. Ganoon din si Blade. Kahit na hindi pa ito sanay humawak, binigyan ko talaga ito ng sariling baril kanina.
“Anong update?” tanong ko sa micropiece na nakalagay sa tenga ko.
Nasa monitor room sina James at Van kasama si Tristan, dahil baka madamay ang mga ito sa loob.
“Queen, umalis na kayo diyan. Hayaan munang sila ang tumapos sa kalaban,” nag-aalalang sabi ni Van.
Napangiti ako kahit hindi niya nakikita.
“Van, mag-iingat ka. Tulungan mo pa rin ako sa lahat. Si Blade, tulungan mo sa lahat,” sabi ko rito, saka ko pinatay ang micropiece.
Nakikita ko sa sinag na nakikipagbarilan na rin si Mae, pero hindi siya umaalis sa tabi namin.
“Wifey, natatakot ako,” sabi ni Blade sa akin.
“Blade, huwag kang mag-alala. Hindi ko hahayaang madamay ka sa gulo na ako ang sangkot,” sabi ko rito.
Tiningnan ko si Mae.
“Mae, ngayon na.”
Pagkasabi ko nito, mabilis niyang hinila si Blade palayo. Alam na niya kung saan ito ligtas na dadalhin.
Hinubad ko ang long gown ko. Ganoon din, inalis ko ang bulletproof na suot ko dahil sobrang hirap makipaglaban kapag may ganito.
Mahigpit kong hinawakan ang baril ko.
Narinig ko kung paano magwala si Blade para makaalis sa hawak ni Mae, ngunit hindi siya makawala dahil di hamak na mas malakas sa kanya si Mae.
Nakipagbarilan na rin ako.
Bilang Reyna, hindi ko puwedeng hayaan ang mga tauhan kong tapusin ang laban na ito nang sila lang.
“Queen, nakita ko ’yong leader. Nasa gitna ng lugar na ’to,” sabi sa akin ni Ace nang sandaling magkabungguan kami.
Tumango ako at dahan-dahang bumaba ng stage habang nangangapa at nakikiramdam. Malaking tulong ang malaking buwan ngayong gabi dahil nakikita ko ang mga anino ng mga susugod sa akin.
BANG
BANG
Gumulong ako nang maramdaman kong sa akin tatama ang bala. Pagkaiwas ko, saktong pagtayo ko ay biglang nabuhay ang ilaw.
“Oww, long time no see, Princess’s daughter,” sabi sa akin ng kalaban ko.
Si Liam Go.
Ang taong baliw na baliw kay Mommy.
Sa pagliwanag ng paligid, napangisi ako nang makitang naubos na ng mga tauhan ko ang mga tauhan niya at tanging siya na lang ang natira, ngunit sugatan ang mga tauhan ko.
Malapit kami sa isang pinto ngayon kung saan lumabas si Butler Mae kasama si Blade.
Sana lang ay hindi na ito bumalik pa.
Nakatutok ang baril niya sa amin.
Duguan din sina Ace at iba pa, pero nanatili silang buhay samantalang ang mga tauhan niya ay patay na.
“Mamamatay ka rin, Queen! HAHAHAHA! Sama-sama tayong mamamatay!” sabi nito.
May inilabas siyang remote bomb.
“Thirty minutes remaining! HA HA HA!” nababaliw nitong sabi.
Babarilin ko na sana siya pero—
Blade Ford-Morgan’s POV
“Bitawan mo ako! Nando’n si Wifey, babalikan natin siyaaa!” naiiyak kong sabi kay Butler Mae.
“I’m sorry, King, pero utos ’to ni Queen. Ayoko rin namang iwan siya ro’n, pero ayoko ring magalit siya kapag napahamak ka,” mahabang paliwanag niya.
Nagkaroon ako ng lakas para makatakas. Hinabol niya ako at pumasok ako sa isang pinto.
Ngunit ang naabutan kong eksena ay isang lalaking tumatawa habang nakatutok ang baril kay Wifey. Tumingin ako sa paligid. Maraming patay, ngunit nakita kong sugatan lang ang lahat ng tauhan namin.
“Owww! Mukhang nandito ang Hari,” nababaliw na sambit ng lalaki.
Nilipat niya sa akin ang baril niya.
“Ikaw kaya unahin ko?” sambit nito at ngumisi na parang demonyo.
Napapikit na lang ako nang marinig ko ang maraming putok ng baril.
BANG
BANG
Ngunit napamulat ako nang may dumamba sa akin.
BANG
BANG
BANG
BANG
“QUEEEEEEEEEEEEEEENNNNNNNN!”
“s**t, Wifey!” sabi ko nang bumagsak ito sa akin.
Napaupo ako at inihiga ko siya sa kandungan ko.
“Wifey, w-wake up, please,” umiiyak kong sabi habang tinatapik ang mga pisngi niya.
Nagmulat naman siya.
Nagulat ako nang ngumiti siya.
“W-wag k-kang u-umiyak… p-para k-k-kang b-b-bakla…” sabi nito habang nakangiti sa akin.
“W-Wifey, lumaban ka. Dadalhin ka namin sa hospital,” nanginginig kong sambit dito.
Hindi pa rin tumitigil ang pag-agos ng luha ko.
“M-m-mahal k-kita… h-h-hubby…”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay parang tumigil ang mundo ko.
Unti-unti na siyang pumikit.
Lumapit sa akin sina Ace, James, Van, at Butler Mae.
“Queen… ano ba, gumising ka. Nangako nga kaming mabubuhay, ikaw naman ’tong h-hindi…” sabi ni Butler Mae.
Umiiyak na rin siya.
“Umalis na tayo rito. Five minutes na lang, sasabog na ang lugar na ’to,” sabi ni James habang namumula ang ilong dahil sa pagpigil ng iyak.
Binuhat ko ang katawan ni Wifey at saka nilisan ang lugar na iyon kasama ang mga tauhan namin.
Samantala…
Isang lalaki ang umiiyak habang nililisan ang lugar na iyon.
“Magbabayad kayo… magbabayad kayo…”
Blade Ford-Morgan’s POV
It’s been a month since ma-comatose si Wifey.
Lahat, ako na ang namamahala dahil sa nangyari.
“Wifey, pangako ko sa’yo, pag gising mo, ako na ang poprotekta sa’yo,” seryoso kong sabi rito habang siya’y mahimbing na natutulog.
“Hihintayin ko ang pagbabalik mo, Wifey ko. Mahal na mahal kita,” pahabol kong sabi bago hinalikan ang noo niya.
“King, handa na ang lahat,” sabi sa akin ni Butler Mae.
Tumango ako rito at tumayo.
Magpapalakas ako para sa’yo, Wifey.
Para sa pag gising mo, ako na ang poprotekta sa’yo.