KABANAT 30

2308 Words
Blade Ford-Morgan’s POV Lunes ng umaga ngayon. Mabilis, ’di ba? Wala naman kasing kakaibang nangyari nitong Sabado at Linggo. Karamihan ng oras ko ay inilaan ko lang sa pagpapaliwanag sa kanya ng mga bagay na kailangan niyang malaman. Unti-unti, dahan-dahan, at hangga’t maaari ay hindi ko siya ino-overwhelm. Hindi ko muna sinabi sa kanya ang tungkol sa Thanatos. Siguro sa mga susunod na araw na lang. Wala namang gaanong problema roon sa ngayon, at mas gusto kong unahin muna ang pagbabalik ng loob niya, ang pagiging komportable niya sa paligid, at ang pagtanggap niya sa bagong bersyon ng mundong ginagalawan niya ngayon. Habang iniisip ko ang mga iyon, napalipat ang tingin ko sa kabilang kama kung saan mahimbing at payapang natutulog ang aking Reyna. Ang tahimik niya kapag tulog. Walang lamig sa mga mata. Walang talim sa boses. Walang bigat sa aura. Sa mga sandaling ganito, para lang siyang isang normal na babaeng pagod at gusto lang matulog nang mahimbing. Marahan akong tumayo at lumapit sa kanya upang gisingin sana siya, pero nang ilalapit ko na ang kamay ko sa mukha niya ay bigla siyang nagmulat. At ang unang bumungad sa akin— ay ang mga mata niyang pula. Malamig. Matingkad. At sa isang saglit, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Bigla akong kinabahan. Ngunit ilang segundo pa lang ang lumipas ay bigla niya akong nginitian, at unti-unting bumalik sa dati ang kulay ng mga mata niya. Nakahinga ako nang kaunti. May bahagi sa akin na gusto siyang tanungin tungkol doon, pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong mabigla siya sa sarili niyang katawan. Ayokong maramdaman niyang may mali sa kanya sa mismong araw na ito. “Wifey,” malambing kong tawag habang nakatingin siya sa akin. “Hmmm?” sagot niya. “Bangon ka na diyan. Diba papasok pa tayo?” mahinahon kong sambit. Nanlaki naman ang mga mata niya at bigla siyang napaupo sa kama. “Ano pang ginagawa mo diyan, Hubby? Maligo ka na, dali!” natataranta niyang sabi. Hindi ko napigilang matawa. “Hahaha, easy, easy, my Queen. Calm yourself. Maaga pa, okay? Ginising lang kita para makapag-prepare ka na,” nakangiti kong sabi. Napaupo naman siya nang maayos at napabuntong-hininga. “Ano’ng problem, my Queen?” tanong ko. Ngumuso siya. At sa sobrang lapit ko, kailangan ko pang umiwas ng tingin sa labi niyang nakakabaliw kapag naka-pout. “Kinakabahan kasi ako,” mahinang sabi niya. “Baka may mambully sa akin doon.” Sa sobrang cute niyang tingnan, hinila ko siya palapit sa akin at inakbayan. “Huwag kang kabahan. Nandito naman ako, Wifey, ah?” malambing kong sabi habang marahan kong hinahaplos ang buhok niya mula sa likod. Nakita ko kung paano lalong humaba ang nguso niya at kung paano namula ang mga pisngi niya. “E-eh k-k-kasi…” bulong niya. “Diba sabi ko sa ’yo, huwag mo akong papansinin sa school?” “Hindi naman pwedeng hindi kita papansinin kapag inaapi ka na nila, diba? Hindi pwede ’yon, Wifey. Atsaka ano bang dahilan mo at naisipan mo ’yon?” seryoso kong tanong. Malungkot siyang napatingin sa sahig bago sumagot. “Kasi kung malalaman nilang konektado ako sa may-ari ng school, o malaman nilang mayaman ako, syempre gagamitin nila ako. Ayokong magkaroon ng kaibigan dahil lang sa konektado ako sa ’yo.” Napabuntong-hininga ako. “Sige, Wifey. Pero hindi ka konektado sa may-ari ng school…” bahagya akong ngumiti. “Dahil ikaw mismo ang may-ari noon, okay?” “Alam ko eh…” mahinang bulong niya. “Mag-asawa naman tayo. Ibig sabihin, pag-aari mo na rin ’yon.” Natawa ako nang mahina sa logic niya, pero hindi ko na kinontra. “Hmmm. Oh sige na nga. Basta mag-iingat ka palagi. At kung may kailangan ka man, pumunta ka lang sa building namin, o kaya sa opisina natin, o pwede ring tawagan mo ako, Wifey. Okay? Tayo na diyan at mag-prepare ka na. Sabay tayong bababa at mag-aalmusal.” Tumango lang siya at pumasok sa CR. Ako naman ay lumabas upang gamitin ang CR sa isa sa mga kalapit na kuwarto namin. Queen Denise Morgan’s POV Pagkatapos kong maligo ay napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Namumula ang mukha ko. Ano ba ’yan. Bakit ba kasi ang lapit-lapit niya sa akin kanina? Kahit bagong gising, ang bango-bango pa rin niya. At ang masama, pakiramdam ko ay mas lalo akong nagiging aware sa presensya niya sa tuwing magkalapit kami. Ngunit nawala sa isip ko ang lahat ng iyon nang mapatingin ako sa likod ko sa salamin. May kung anong marka roon. Hindi ko lubos makita, pero may kakaiba sa likod ko. Para bang may naiwang kwento roon ang katawan kong hindi ko na maalala. Sinubukan kong silipin nang mas mabuti, pero hindi ko pa rin maintindihan kung ano iyon. Ipinagkibit-balikat ko na lang. Marami pa naman akong hindi alam tungkol sa sarili ko. Pumasok ako sa malaking closet ko at kinuha ang isang pares ng uniporme. Nang maisuot ko na ito ay napangiwi ako. “Masyadong hapit,” bulong ko sa sarili. Hapit kasi ang blouse sa akin kaya bakat ang harapan ko. Hindi ako komportable. Pakiramdam ko, pagtitinginan ako ng mga tao nang sobra. Kaya mas pinili ko na lamang na mag-civilian. Total, transferee naman ako—iyon ang alam nila. Pagkatapos kong magbihis ay kumuha rin ako ng isang eyeglasses na walang grado. Simple lang ito at hindi halatang mamahalin. Sapat para magmukha akong ordinaryong estudyante. Paglabas ko ng closet ay naabutan ko si Hubby na inaayos ang necktie ng polo niya. Nilapitan ko siya at ako na ang nag-ayos. “Ang tanda-tanda mo na, hindi mo pa maayos ’yan,” natatawa kong sabi habang inaayos ang necktie niya. Napalunok naman siya habang nakatitig sa akin. “N-ngayon lang naman ’yan. Medyo masakit lang talaga ang kamay ko. Teka nga, b-bakit ganyan ang suot mo?” taka niyang tanong. “Hmmm. Masyadong hapit ang blouse ng uniporme ko.” Inayos ko ang huling tiklop ng necktie niya. “Ayan, okay na.” Tiningnan ko siya sa salamin. Pagkatapos ay napasimangot ako. “Bakit ka nakasimangot, Wifey?” tanong niya. “Mukha akong nerd na may pinaglalamayan, Hubby. Hindi tayo bagay,” kunot-noo kong sabi. Natawa siya. “Hahaha. Ba’t ba kasi ’yan ang sinuot mo? Ang dami-dami mong damit doon. Hayaan mo na, bagay pa rin tayo. Atsaka ang ganda-ganda mo kaya.” “Hmp. Oo na,” nakapout kong sabi. Kinuha niya ang bag ko at ang bag niya saka kami sabay na bumaba. “Good morning, King. Queen,” bati ng mga tauhan sa amin. Narito rin ang sinasabi niyang si Ace. Umupo na kami, at hindi sila sumabay agad sa aming kumain. “Kumain at sumabay na kayo sa amin papuntang school. Total, nasa iisang school tayo. Babantayan n’yo nang mabuti si Queen,” malamig na sambit ni Hubby. Napansin ko na naman ang pagbabago ng boses at aura niya kapag ibang tao ang kaharap. Hindi siya ganito kapag kami lang ang magkasama. Malamig siya sa iba. Tuwid. Mabigat. At halatang hindi basta-basta nalalapitan. Pero sa akin… ibang-iba. At nakakatuwa ring isipin na sa akin lang lumalabas ang side niyang iyon. Matapos kumain ay lumabas na kami. Inabot ng isa sa mga butler ang susi kay Hubby. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto. Pagpasok ko ay agad niya iyong pinaandar. Kita ko naman sa mirror na may tatlong kotse at isang itim na van na nakasunod sa amin. “Hubby, ba’t may itim na van na sumusunod sa’tin?” tanong ko habang nakatingin pa rin sa salamin. “I ordered them to follow us and keep an eye on you at school, Wifey,” seryoso niyang sagot habang ang atensyon ay nasa kalsada. “H-hindi ko naman kailangan ng ganyan. Kaya ko naman ang sarili ko,” sabi ko. “Alam ko, Wifey. Pero hangga’t hindi pa bumabalik ang mga alaala mo, hindi ako mapapanatag. Sana maintindihan mo kung bakit ganito ako sa ’yo,” mahinahon niyang sabi saka ako tinignan. Napaiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko’y namumula na naman ang mukha ko. “S-sige. Oo na. Mag-drive ka na nga diyan,” nauutal kong sabi. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school. Pagkapark pa lang ay bumaba na agad ako. Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya pa ako. Lumabas siya at nagtaka akong tiningnan. “Ba’t hindi mo ako inintay?” halata ang pagtataka sa boses niya. “Baka may makakitang magkasama tayo. Gusto kong maging simple ang unang araw ko ngayon, Hubby. Una na ako. Hintayin mo ’ko sa office mo, kukunin ko sa ’yo schedule ko. Wink,” sabi ko saka siya kinindatan. Natulala siya. Kaya iniwan ko na siya roon. Lagot ako nito mamaya, sabi ko sa isip ko, natatawa. Bawat madaanan kong estudyante ay nakatitig sa akin na akala mo’y kakainin nila ako nang buo. Who is she? I bet she is the transferee. I don’t like her. Cheap clothes. Yuck. Naririnig ko ang bulungan nila, pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Liliko na sana ako nang— BOOGSHH! May bumunggo sa akin. Isang lalaki. Hindi niya ako nakita dahil tumatakbo siya nang mabilis at nakatingin sa likod. “Sorry, Miss,” sabi nito saka ako tinulungang tumayo. “King ina,” bulong ko. Badtrip. Ang sakit ng pwet ko. “Sorry nga, Miss, diba? Bulong-bulong ka pa diyan,” asar na sabi niya. “Kung tumitingin ka kasi sa dinadaanan mo!” sigaw ko rito. Nakaagaw agad iyon ng pansin. “Hala—” “s**t, ang tapang ng nerd na ’yon.” “Yuck.” “Lagot siya kay Limuel.” “Hahaha, you’re right.” Bulung-bulungan ng mga tao. Napayuko ako. Pakiramdam ko mali ang ginawa kong pagsigaw, pero kasi eh… “Nagsorry na ako sa ’yo, Miss. Hindi ko kasalanang tatanga-tanga kang nakaharang sa dinadaanan ko,” galit na sabi niya. Hindi ko siya pinansin. Nilagpasan ko na lang siya. Kailangan ko nang pumunta sa opisina ni Hubby. Malamang ay nandoon na iyon at baka nag-aalala na sa akin. “Hoy! Kinakausap pa kita!” sigaw niya. Pero tumakbo na lang ako nang tumakbo. Hindi ko namalayang sa kakakatakbo ko ay nasa tapat na pala ako ng opisina ni Hubby. Hindi na ako kumatok at pumasok na agad. “s**t, Wifey, anong nangyari?” alalang tanong niya sa akin saka ako dali-daling nilapitan at inabutan ng tubig. “M-may h-h-humabol sa akin. Hehehe,” natawa kong sabi kahit hinihingal pa rin ako. “Kilála mo ba kung sino?” tanong niya. “Hindi, Hubby. Hehe. Okay lang. Wala naman siyang ginawang masama sa akin,” sabi ko. Napabuntong-hininga siya. “Sigurado ka, ha?” nag-aalala pa rin niyang tanong. Nginitian ko siya nang malaki. Nakita ko naman kung paanong bahagyang kumalma ang mukha niya. “Oo, Hubby. Akin na ’yong schedule ko. Kaklase ba kita? Hihihi?” tanong ko rito. “Sigh Oo, kaklase mo ako, pero hindi sa lahat ng subject,” malungkot niyang sabi. Nalungkot naman ako, pero nginitian ko siya. “Okay lang ’yan, Hubby,” sabi ko. “Una na ako, Hubby. Mahirap na. Ahhaha.” Bigla niya akong hinila. Nagulat ako. Akala ko kung ano ang gagawin niya. “Mag-iingat ka, ha,” sabi niya saka ako hinalikan sa noo. “O-o-oo. Ikaw rin,” sabi ko saka dali-daling lumabas. Paglabas ko ng opisina niya ay saka lang ako nakahinga nang maluwag. Hindi siya dumaan sa front door dahil hindi naman alam ng mga estudyante rito kung sino ang may-ari ng school. Pero kaya ayoko ring madikit sa kanya sa loob ng campus ay dahil na rin sa pagiging gwapo at sikat niya rito. Siguradong pag-iinitan ako ng mga babae dito kapag nalaman nilang malapit ako sa kanya. Hinanap ko ang room kung saan ang una kong subject. Nang makita ko ito ay agad-agad akong pumasok dahil siguradong late na ako. At hindi nga ako nagkamali. “You’re late, Miss?” mataray na sabi sa akin ng lecturer. “Miss Ford,” sagot ko rito. “So you’re the transferee. Bago ka pa lang pero napakabastos mo na. Hindi ka man lang kumatok, ano?” mataray nitong sabi. Napatingin ako sa glass door. Paano naman kasi ako kakatok? Glass door ’yon, tapos bukas naman. Alangan namang katokin ko ’yong pader sa labas? “MISS FORD!!!” Nagulat ako nang sumigaw ito. Napatingin ako sa mga magiging kaklase ko sa subject na ’to. Nagtatawanan sila at nagbubulungan. Hindi ko kasi namalayang tinatawag na pala ako nito nang paulit-ulit. “I said sit down. Hindi ka ba nakakaintindi ng English? Kailangan ko pa bang i-Tagalog?” namamahiya nitong sabi. Dali-dali akong pumunta sa likod dahil may bakante roong tatlong upuan. Doon ako sa pinakadulo umupo, katabi ng bintana. Pero nagtaka ako nang muling magbulungan ang mga estudyante. Hindi ko na lang pinansin iyon dahil may bigla ring pumasok. “Mr. Grandford, late ka na naman!” sigaw ng lecturer sa bagong dating. Napatingin ako rito. Malalamig ang mga mata niya. Hindi niya pinansin ang lecturer at naglakad papunta rito sa likod. Nagbago lang ang ekspresyon niya nang mapansin niyang nandito ako. Ngumiti siya sa akin at dali-daling umupo sa tabi ko. Kakausapin niya sana ako pero sinenyasan ko siyang manahimik. Nagpakilala lang sa unahan si Miss Potchie. Oo, Miss pa daw siya. Ngayon alam ko na kung bakit ang taray-taray. Tumandang dalaga pala. Tss. -.- Maya-maya pa ay may pumasok na lalaki at halata sa itsura niya ang pagkabugnot. Lalo pang sumama ang mukha niya nang makita ako. Pero hindi ko iyon pinansin. Umupo siya sa ikaapat na upuan—may isang bakanteng upuan sa pagitan nila ni Hubby. Nagpatuloy lang ang pagsasalita ni Miss sa unahan… hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa upuan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD