KABANTA 29

1482 Words
Queen Denise Morgan’s POV Habang nasa loob ng sasakyan at papunta raw kami sa mommy niya, hindi ko maiwasang mapaisip sa kung ano ba talaga ang nangyari sa nakaraan ko. Ang dami kong tanong. Bakit parang ang dami kong hawak na bagay na hindi ko maintindihan? Bakit may mga taong yumuyuko sa akin? Bakit parang sanay silang sumunod sa bawat kilos ko? At higit sa lahat… paano ako napunta sa ganitong klaseng buhay? Napahawak ako sa sentido ko. “Aray,” mahinang sambit ko nang biglang kumirot ang ulo ko. Agad namang bumaling sa akin ang asawa ko raw. Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na may gwapong lalaki na tumatawag sa akin ng “Wifey” at mas lalong hindi pa rin ako sanay sa katotohanang may asawa ako. At infairness… ang gwapo ng asawa ko. “Okay ka lang ba, Wifey? Alin ang masakit sa ’yo?” agad niyang tanong, halatang nag-aalala. “A-ah… e-eh wala. May tanong sana ako,” sagot ko. Agad niyang itinabi ang sasakyan. Tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay. Malaki na ito para sa paningin ko, pero mas malaki pa rin ’yong bahay na nagisingan ko kanina. “Ask anything, Wifey,” mahinahon niyang sabi. Napakagat ako sa labi bago nagsalita. “Nag-aaral ba ako? Ba’t gano’n… nakita ko kasi kanina na nasa kalagitnaan na ng pasukan, pero hindi mo nabanggit sa akin kung tapos na ba ako o nag-aaral pa.” Natigilan siya roon. Para bang hindi niya inaasahang iyon agad ang itatanong ko. “Hmmm…” mahinahon niyang sambit habang nakatingin sa akin. “Gusto mo bang mag-aral?” Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may munting saya na biglang sumilay sa dibdib ko sa tanong na iyon. Marahil dahil gusto kong makaranas ng normal. Gusto kong malaman kung paano ba ang mabuhay na parang ordinaryong tao. Gusto kong subukang buuin ang sarili ko mula sa mga bagay na kaya kong hawakan ngayon. Dahan-dahan akong tumango. “Okay, Wifey. As long as you’re happy, you can do whatever you want… except leaving me. Okay?” seryoso niyang tanong. “Yehey! Thank you!” masaya kong sabi. Hindi ko napigilang halikan siya sa pisngi bago ako agad na lumabas ng sasakyan. At pagkatapos kong gawin iyon saka ko lang narealize ang ginawa ko. Napasinghap ako sa hiya. Ay naku, Denise, ano ba ’yan?! Hindi tuloy ako makatingin sa kanya nang maayos nang bumaba siya ng kotse. Siya naman, napakalaki ng ngiti, samantalang ako ay parang gustong matunaw sa hiya. Hinapit niya ako sa bewang at iginiya papasok ng gate. “Waaaaahhhhh! Ihaaaa! You’re okay now? OMG, you’re still beautiful, darling!” Bigla na lang akong niyakap ng isang ginang. Kahit nagtataka ako ay gumanti na lang din ako ng yakap. Mabait ang pakiramdam niya. Mainit. Familiar sa paraang hindi ko maipaliwanag. “Mom, stop it. She doesn’t remember you. She lost her memories,” sabi ni Blade. Biglang bumitaw sa akin ang ginang at napahawak sa dibdib na parang nabigla. “W-what? W-why did that happen?” litong-lito nitong tanong. “She has amnesia, but the doctor said hindi naman daw magtatagal ’yon,” paliwanag ni Blade. “Is that so?” bulong nito, saka muling tumingin sa akin. “Darling, come here. Pasok kayo, pumasok muna kayo at ipagtitimpla ko kayo ng tsaa.” Hinila niya ako papasok at iniupo sa malambot na sofa. Katabi ko naman ngayon si Blade. “I’m sorry, Wifey. Makulit lang talaga si Mommy, hehe,” sabi niya sa akin. “Okay lang, Hubby. Hihihi,” masaya kong sagot. Saglit siyang natigilan, saka biglang ngumiti at ginulo ang buhok ko. Napapout naman ako dahil doon. “Mga anak, mag-tsaa muna kayo,” sabi ng mommy niya sabay lapag ng tasa sa center table. “Ang laki ng pinagbago mo, iha… but it’s a good change,” nakangiting sabi nito. Nginitian ko lang siya nang malaki at humigop ng tsaa. Mainit. Mabango. At tahimik. Sa sandaling iyon, pakiramdam ko parang normal akong babae na bumibisita sa biyenan. Parang wala akong nakakatakot na nakaraan. Parang walang misteryo sa pagkatao ko. At gusto ko ang pakiramdam na iyon. Fast Forward Alas-kuwatro na kami ng hapon nang umalis kina Mommy. Mommy na raw kasi ang itawag ko sa kanya since married na kami ni Blade. Tahimik lang akong nagmamasid sa daan. Saglit akong natigilan nang mapansing ibang daan na ang tinatahak namin. “Saan tayo, Hubby?” nagtataka kong tanong. “Sa school na pag-aari natin,” nakangiting sabi niya. Napakurap ako. “Ha? May school tayo?” gulat kong tanong. “Yup. At doon ka mag-aaral. ’Di ba gusto mong mag-aral?” tanong niya at saglit akong tinapunan ng tingin. Biglang nagliwanag ang mukha ko. “Talagaaaaaa?” excited kong tanong. “Yes, Wifey,” nakangiting sagot niya. Nakangiting ibinaling ko ang tingin sa harap ng sasakyan. Mula sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko ang malaking gate na may naka-engrave na: MORGAN UNIVERSITY Pinatigil kami ng guard bago pa makapasok, pero nang ibaba ni Blade ang bintana ay agad itong natigilan. “Ah, Sir, kayo po pala ’yan. Sorry po!” gulat na sabi ng guard saka tumabi para makadaan kami. Kakaiba. May bigat ang pangalan namin dito. May kapangyarihan. Bago pa lamang naglalabasan ang mga estudyante, nakita ko ang isang grupo ng mga babaeng nakatingin sa kotseng sinasakyan ko ngayon. Maiikling palda. Makakapal na makeup. At sobrang pormadong tingin. Flirts, sabi ko sa isip ko. “Mamaya na tayo bumaba, Wifey. Kapag wala nang gaanong tao,” sabi ni Blade sa akin. Agad ko naman iyong tinanguan. Ilang sandali pa ay nabawasan ang mga tao kaya bumaba na kami. Habang naglalakad ay hawak-hawak niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit marami akong hindi maalala, pakiramdam ko’y natural lang na magkahawak kami ng kamay. Parang kahit anong mawala sa isip ko, alam ng katawan ko na ligtas ako kapag siya ang humahawak sa akin. Pumasok kami sa isang pinto. “Ito ang opisina natin,” sabi niya. Umupo siya sa tapat ng mesa, at sumunod naman ako sa kanya. Inilibot ko ang tingin ko sa opisina. Malinis. Malawak. Malamig ang aura. Pero elegante. “Hubby… nag-aaral ka pa?” tanong ko habang iginagala ang tingin sa paligid saka ko siya muling tinignan. “Yep. Last sem na ’to, Wifey. Ikaw naman, tapos ka na mag-aral. Ba’t gusto mo pa ring mag-aral?” sambit niya habang diretso ang tingin sa akin. Nailang ako kaya tumingin muna ako sa paligid bago sumagot. “Gusto ko lang maranasan kasi, diba, Hubby? Marami akong hindi naaalala… kaya gusto kong maranasan ulit. Kahit sa last sem na lang din, tulad mo. Hehehe,” pacute kong sabi. Bumuntong-hininga naman siya. “Okey. Just be careful, okay?” malambing niyang sagot. Tumango ako. Pagkatapos ay bigla akong may naalala. “Hubby… puwede bang hindi mo muna ako pansinin pag nasa school?” “What the fvck, Wifey? Hindi puwede ’yon. Baka maagaw ka sa akin,” pagalit pero halatang malungkot niyang sabi. “Hubby, hindi ako maagaw sa ’yo,” sabi ko agad. “At saka gusto ko lang malaman kung magkakaroon ba ako ng kaibigan kahit na hindi ako mayaman, kundi ordinaryo at scholar na estudyante lang. Kunwari lang. Sige na, Hubby. Gusto ko lang maranasan maging mahirap. Hehehehe.” Nakapout pa ako habang sinasabi iyon. Bumuntong-hininga siya nang malalim. “Fine. Just make sure na hindi ka maagaw sa akin. Kung hindi, mapapatay ko ang lalaking aagaw sa ’yo.” Napatingin ako sa kanya at napalunok. At the same time… kinilig ako. Tumango na lang ako. Binuksan niya ang laptop niya, may ikinabit sa printer, saka mabilis na nagtipa sa keyboard. Ilang saglit akong nakatingin lang sa kanya. Ang bilis ng mga kamay niya. Halatang sanay. “Here,” sabi niya sabay abot sa akin ng mga papeles na na-print. “Wowwww! Ang bilis naman!” namamangha kong sabi. “Pero bakit mukha akong nerd dito? Saan mo nakuha ’tong picture kong ito? Atsaka ’yong pangalan ko—wow! Denise Ford. Saan mo nakuha ’to?” “Sa name mo, pati sa apelyido ko,” simpleng sagot niya. Napangiti ako. Ngayon kumpleto na. Isa na akong ordinaryong estudyante. “Halika na. Uwi na tayo,” sabi niya habang nakalahad ang kamay sa harap ko. Kinuha ko iyon at saka tumayo. Paglabas namin ng opisina ay mas mahigpit na ang hawak ko sa kamay niya. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa pagbabalik sa school life, lalo na’t hindi ko pa rin maalala kung sino talaga ako noon. Pero sa kabila ng lahat, may isang bagay akong sigurado— kahit hindi ko pa buo ang alaala ko, ang bilis ng t***k ng puso ko sa tuwing kasama ko siya… hindi nagsisinungaling. At sa ngayon, iyon muna ang gusto kong paniwalaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD