bc

Anthurium (DFFF) **COMPLETED**

book_age18+
518
FOLLOW
1.4K
READ
drama
comedy
twisted
sweet
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Crystal Mae Magbanua's world was shattered when she was jilted by her groom Salvo on their wedding day. And on that same day, her mother died due to heart attack. The loss and pain struck her very deeply. It's like 'being cut in two.'

Few weeks after her mother's burial, Crystal Mae went to Sta. Praxedes, a place which is situated in the valley surrounded by the northern tip of the great Caraballo mountain range. She took advantage the stunning natural setting of her vacation house built on the mountain slope. The kind of place that makes everyone feel spirited away from literally all of life's problems. Little did she expect that in this serene haven, she will feel entirely besotted by a STRANGER.

When Crystal decided to go back to Manila in search for the truth, the real reason why Salvo did that to her, she went face to face with the arogant, sarcastic businessman, Danreb Floyd Figuerres who happened to be Salvo's cousin. Unending banters, countless insults and emotional blackmails that ended up into marriage.

Crystal expected a miserable married life with Danreb. But as times goes by, her husband transformed from a savage lion to a solitary bear.

When their relationship became romantically smooth, a shocking revelation happened.

chap-preview
Free preview
Pamahiin
"You don't marry someone you can live with. You marry the person who you cannot live without."  CRYSTAL'S POV  "Crystal Mae Magbanua, what are you doing ? My God, hindi mo dapat isinuot 'yan!"   Napahawak ako sa dibdib ko pagkarinig kay Mama. Grabe lang makagulat. Sino mag-aakala na 5 feet lang ang height niya sa lakas ng boses niya. Kung makakapagsalita lang ang magkabilang eardrums ko, kanina pa siya sinabihan ng 'pls. lower your voice.' Halos lumuwa ang mga mata ni Mama nang makaharap ako sa kanya. Sabi na nga ba, pati nanay ko na-starstruck sa alindog ko!   "What did I tell you, Crystal?" Tila nauubusan ng pasensiyang tanong niya sa akin.   "Ma, what's wrong? I'm just fitting my wedding gown to make sure kung kasya talaga sa akin."   "Anak naman, kasya yan sa'yo kasi kinuhanan ka ng body measurement bago tahiin 'yan. Kabilin-bilinan ko sa'yo na bawal isukat ang traje de boda prior to your wedding day."  Napangiti na lang ako nang hindi pa rin maipinta ang mukha ni Mama. Mabuti nga naisukat ko. Saka siya magpanic kung hindi ito magkasya bukas.   "Matutuloy ang kasal ko bukas, 5 pm sharp, Ma. Huwag kayong magpapaniwala sa mga pamahiin noong panahon pa ni kupung-kupong. Nasa 21st century na po tayo. Walang connection ang wedding gown ko sa maaaring mangyari in the future."   "Ang sa akin lang Crystal, walang mawawala sa'yo kung sumunod ka sa nakagawiang tradisyon bago ikasal. Ewan ko anak pero kinakabahan ako sa pinaggagawa mo. Sige na, tanggalin mo na 'yan at iayos mo pabalik sa box."   "Si Mama talaga nakakatampo. Hindi man lang mag-comment kung bagay ba ang gown sa akin bago ipahubad. Akala ko pa naman matutuwa kayo pagkakita dito." Parang batang maktol ko.   Hinawakan ni Mama ang magkabila kong pisngi at hinawi ang mahaba kong buhok sa isang side. Masuyo niya akong tinignan sa mata.   "Anak, you know how precious you are to me. Kahit ano pa ang isuot mo, ikaw pa rin ang pinakamaganda sa paningin ko. You are my princess. I only want the best for you. Ayukong makita kang malungkot o masaktan man. That's the last thing I wish to happen. Kaya hangga't maaari, pipigilan ko ang mga bagay na makakahadlang sa kaligayahan mo. Ganyan kita kamahal anak."   After hearing that, I hugged my mom so tight.  "I love you too, Ma. And sorry kung hindi ako nakinig." Agad nitong pinunasan ang mga luha niya at ngumiti sa akin.  "Tama na nga ang drama. Bilisan mong magbihis para masabayan mo kaming magmeryenda sa baba."  Agad akong tumalima. Ang suwerte ko kasi nagkaroon ako ng inang kagaya ni Mama. Kahit maghapong pagod sa pagma-manage sa restaurant, naglalaan pa rin siya ng oras para mag-bonding kami. Isang buwan na rin kasing hindi ako pumapasok dahil inasikaso namin ni Salvo ang papalapit naming kasal. Magkatulong naming pinapatakbo ni Mama ang Dolce V, ang restaurant na iniwan sa amin ni Papa. 'Di ko maiwasang makaramdam ng lungkot tuwing naaalala ko ang aking ama. Sana kung hindi siya naaksidente 5 years ago, masaya sana kami ngayon. Sila sanang dalawa ni Mama ang maghahatid sa akin sa altar. Siguro kung buhay pa si Papa, magugustuhan niya rin si Salvo. Saktong palabas ako ng kuwarto nang makita ko si Yaya Helen sa labas ng pinto ng silid ko. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong hindi maipinta ang mukha ni Yaya.   "Hinihintay ka ni Salvo sa living room." Halata ang pagkadisgusto sa tono ng boses ni Yaya.  "Ha? Hindi ko po alam na pupuntahan niya ako ngayon. Ano'ng oras po siya dumating?"  "Kani-kanina lang. 20 minutes na siguro ang nakakaraan. Ewan ko ba sa inyong dalawa. Sinabihan na namin kayo na huwag magkikita hanggang bukas. Naku, ang titigas talaga ng bungo niyo." Humagalpak ako ng tawa sa tinuran ni Yaya Helen. Now I know kung bakit yamot na yamot ito sa pagdating ng fiancè ko.  "Pareho kayo ni Mama na makaluma, Yaya. Sa pagkahaba-haba ng tatlong taong magkarelasyon kami ni Salvo, tuluy-tuloy na po sa simbahan bukas. Yung iba nga diyan, hindi nakapagsuot ng wedding gown, hindi rin nagpakasal pero nagsasama pa rin sa iisang bubong sa loob ng matagal na panahon." Katwiran ko. Naiiling na lang na tumalikod si Yaya. Tama naman kasi ako. Tayo ang gumagawa ng ating kapalaran. At isa pa, hindi na akma sa panahon ngayon ang mga superstitious beliefs na 'yan.   Ipinilig ko ang ulo ko at sumilay ang aking ngiti nang maalala kong naghihintay pala sa akin si Salvo sa sala. Lumakas nang lumakas ang t***k ng puso ko habang papababa ako sa hagdan. Nakita kong tumayo si Salvo mula sa pagkakaupo sa sofa. Hindi niya ako hinihiwalayan ng tingin. God, parang matutunaw ako sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin. Masasalamin ang pagkasabik at pagmamahal sa kanyang mga mata. Tila nahaplos ang puso ko nang ngumiti siya sa akin. 'Yong ngiti niya na hanggang ngayon ay nakakapagpakilig sa akin ng todo. God, I so love this man!   "Babe, I miss you. How have you been?" Sinalubong ako ni Salvo ng yakap at mabilis na hinalikan sa labi. Walang kimi kung tinugon ang nag-aalab niyang halik . I miss him too. So much! Nangunyapit ako sa kanyang leeg at mas lalo kong idikit ang katawan ko sa kanya. Ramdam ko ang pagkasabik niya sa akin sa paraan ng paggalùgad niya sa aking bibìg. Napaungòl ako sa sènsasyong dulot ng pagtatagìsan namin ng dìla. Hinihingal kaming pareho pagkatapos ng mahabang paghìnang ng aming mga labì.  "I miss you so much, Crystal." Habol niya ang hiningang turan. Mas humigpit pa lalo ang pagkakayapos ng mga braso niya sa aking baywang.   "I miss you too, babe. Pero halatang mas na-mis mo ako kasi hindi mo na mahintay pa ang bukas." Nakangiting sabi ko at nanatiling nakapako ang mga mata ko sa namumula niyang mga labì.   "6 days! Imagine that? Anim na araw na tayong hindi nagkikita. Nakakabaliw." Marahan akong tumawa. Paano, yong paraan ng pagkakasabi niya kasi ng 6 days ay mistulang anim na dekada kaming nawalay sa isa't isa.  "Para namang hindi tayo nagtatawagan at nagkikita sa Skype."   "Babe, hindi iyon sapat. Hindi naman kita mayakap. Wala ding Frénch kìss. I know magagalit si Mama Patricia sa pagpunta ko dito but I really miss you! I wanna hug and kìss you senselessly!"   "Hmp! Diyan ka magaling! If I know, kinakabahan ka lang baka mag-run-away bride ako. Pumarito ka para i-check siguro kung hindi ba nagbago ang isip ko."   Napahinto ako sa pang-aasar sa kanya nang sumeryuso ang aura niya. Ipinikit ni Salvo ang kanyang mata at nagpakawala ng malalim na buntung-hininga. Napikon yata!   "Kahit kailan talaga ang dali mong mapikon. 'Di ka na mabiro. We've been through a lot of things for three years. Sa tingin mo pakakawalan pa kita? Oras na nga lang ang hinihintay ko para magamit ko na ang apelyido mo."   ":( " Hindi pa rin umimik. I let out a deep breath. Mataman kong sinalubong ang nangungusap niyang mga mata.  "I love you, Salvo. Things will turn out just fine like the way we wanted it to be. Trust me. Perfect combination kaya tayo."  "I trust you, Crystal. I trust you more than I trust my self. I am so lucky to have you in my life. You are a strong woman. Stronger than you seem, braver than you believe and smarter than you think you are." Bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi ni Salvo. I hold him tight. I love him! He's my life. My happiness. My very soon-to-be-husband. Being wrapped around his arms feels so wonderful. Sana ganito palagi. Sana walang katapusan ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook