"It broke my heart to lose you but you did not go alone. A part of me went with you. The day God took you home. If tears could build a stairway and heartaches make a lane, I'd walk our way to heaven and bring you back again. In life we loved you dearly. In death, we love you still. In our hearts you hold a place no one could ever fill." (sawdustcityllc)
There are two moments that I will never forget: 1. The moment you were beside me. 2. The moment of your last breath.
CRYSTAL'S POV
Death was never a fear of mine until the day my mother died. My heart dropped. My body became weak and my soul numb. The glue that held my family together was totally vanished. Ako na lang mag-isa ang natira.
I dropped to my knees. Nanginginig ang buo kong katawan. Hinang-hina ako. What now that my mom was gone? Paano kaya ang araw-araw kong buhay? I would no longer hear her witty advice or feel my mother's love. Hindi ko na masisilayan ang ngiting-ina.
Hindi ko na maramdaman pa ang masuyo at mapag-arugang haplos ng mga kamay at yakap niya. Wala na ang tanglaw sa buhay ko. But no matter what, she is wrapped around me in every step that I'm going to take. Many people say, funeral brings closure to loved ones but for me, it is the most uncomfortably painful part of the grieving process.
As I witness the lowering of my mom's casket in the burial plot, I can say, as painful as that is to watch. Masakit! Sobrang sakit panoorin na tinatabunan ng lupa ang kanyang kabaong. Because I know that I may not get her back, I won't ever, never ever get her back.
Naramdaman ko ang pag-akbay ni Feliza sa akin.
"Crystal, uwi na tayo. Magdidilim na friend. Tayo na lang ang naiwan dito sa sementeryo."
"Mauna na kayo ni Yaya. Dito muna ako." Marion kong sabi.
"Pero kailangan mong magpahinga. Halos isang linggo kang walang tulog at kain."
"Gusto kong mapag-isa! Puwede, intindihin niyo ako kahit ngayon lang! I want to be alone!!!" Malakas kong sigaw sabay hagulgol.
"Naiintindihan ka namin. Ang akin lang sana ay isipin mo rin ang sarili mo. Oo, masakit ang mga nangyari sa buhay mo. But life mas go on. Kailangan mong tanggapin ang lahat ng paunti-unti. For now, hahayaan ka naming mapag-isa. Pero hindi nangangahulugan yun na wala kaming pakialam sa'yo." Kasunod nun ang mabibigat niyang yabag palayo.
Few days after my mother's death, I managed to look like a normal person Padaka-daka kong chine-check ang restaurant, answered phone calls, face those people who extended their condolences... but deep inside, I was not ok. Nagluluksa ako! Nasasaktan ako! Sobra! Now that I'm all by myself here, there's no need to pretend. As if naman I have the strength to act that I'm fine right now.
Pinakawalan ko ang mga mapapait na luhang kanina pa nagbabadyang humulagpos. Hilam ng luha ang mga mata ko habang nakatitig sa magkatabing puntod.
"Ma, Pa, buti pa kayo magkasama na ngayon. Kaya lang ako naman ang naiwang... mag-isa! Ang daya niyo! Ang daya-daya.. niyo. Ma, 'di ba sabi mo noon ayaw mo akong makitang nasasaktan? Kaya ba iniwan mo na rin ako?"
Binayo ko ang aking dibdib. Ang bigat! Naninikip!
"Ma, alam mo, ok lang naman 'yun eh. Ok lang sana na sinaktan ako ng ibang tao basta't nasa tabi kita. Ma-makakayanan ko naman sana ang lahat. Mas madali sana akong m-makabangon. P-pero... hindi eh. Wala na nga si Papa sumunod ka rin. Mag-isa na lang ako!" Yumuyugyog ang mga balikat ko habang sinasabi ang mga iyon. Lumakas ng lumakas ang hagulgol ko.
Sa mga nakaraang araw, hindi ako umiyak sa harap ng iba. But this time, bumuhos lahat ang emosyong kinimkim ko sa mga nagdaang araw. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko kaya pasalampak akong umupo. Tuloy-tuloy at tila walang katapusan ang tulo ng mga luha ko. The emotions I am experiencing right now, both sorrow and pain will never let up.
I quickly shed my tears when somebody tap my shoulder at dahan-dahan ako nitong itinayo. Nanatili akong nakayuko.
"Fel, 'di ba sinabi ko naman sa'yo na gusto kong mapag-isa?! Bakit ang hirap mong umintindi!"
"Kanina pa sila umalis ni Yaya Helen." Marahan nitong inangat ang aking mukha at pinahid ang mga luha ko gamit ang panyo nito.
"B-Brandon.." "Crystal, I'm sor--"
"No! Stop saying sorry!" Putol ko sa sasabihin nito.
"Sawa na akong pakinggan ang katagang 'yan. Bakit ba kayo ang nag so-sorry?!" Tumawa ako ng mapakla nang maalala ang lalaking yun. "And besides, kahit yung mismong tao na yun ang magsasabi ng 'SORRY', wala ring kuwenta! Hindi maibabalik ng kakit libo-libong 'SORRY' ang buhay ng mama ko!"
Niyakap niya ako ng mahigpit. Hinayaan niya akong umiyak sa kanyang balikat. Naramdaman ko ang paghagod ng palad nito sa aking likod.
"Brandon." I sniffed repeatedly. "Brandon bakit ako iniwan ng kaibigan mo? Bakit hindi na lang niya sinabi na ayaw na niya sa akin? Mahirap bang sabihing: 'Hey Crystal, let's call the wedding off, ayuko na?' Kailangan ba talaga akong pagmukhaing tanga sa simbahan? Bakit niya nagawa sa akin yun?"
"I honestly don't know, Crystal." Malungkot nitong sagot.
"Then who knows? Me?!"
"Danreb. Danreb knows. He knows everything." Pabulong lang ang pagkakasabi nito pero hindi iyon nakalampas sa pandinig ko.
"D-Danreb who?" "He's Salvo's cousin."
Danreb. Salvo's cousin. Tumatak iyon sa isip ko.
BRANDON'S POV
Nakakabinging katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Crystal. I insisted to bring her back to their house. Siguro dala na rin ng matinding pagod kaya hindi na siya umangal pa. Humigpit ang pagkakahawak ko sa steering wheel pagkarinig sa sinabi niya.
"I want to talk to him."
"You can't." Sagot ko. Alam kong si Danreb ang tinutukoy niya.
"Why? I have the right to know everything! Don't expect me to just forgive and forget at magpanggap na walang nangyari!"
"He's out of the country, Crystal. I'll let you know once na nakabalik na siya ng Pilipinas."
Hindi na siya umimik. I saw from my peripheral vision that she closed her eyes. Seeing her hurting really pains me. Until now I can't fathom why my friend did that to her. Kinaya kong ilihim ang nararamdaman ko para sa kanya dahil nakita ko kung gaano niya kamahal si Salvo. Nakontento na lang akong pagmasdan siya from afar. Seeing her smile sweetly even if I'm not the reason was already enough for me basta masaya lang siya. Noong hindi natuloy ang kasal nila, I should have jumped with joy dahil nangangahulugan nun na may pagkakataon na akong iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko. Pero wala akong makapang kasiyahan ngayon lalo na at nasaksihan ko mismo kung paano siya maghinagpis. Damn, it breaks my heart! Matagal kong inasam na sana matapunan man lang niya ako ng tingin. And then she noticed me. She noticed me because I am Salvo's friend. I am Salvo's business partner. I am Salvo's drinking buddy. Ang saklap lang! She noticed me kasi nakadikit ang pangalan ni Salvo sa akin.
Pagkahinto ko ng sasakyan sa tapat ng gate nila, I intently look at her angelic face. Bakas ang natuyong luha sa magkabila niyang pisngi. She looks exhausted and vulnerable. She's so fragile. Bagay na bagay sa kanya ang pangalang 'CRYSTAL' na dapat ingatan para hindi mabasag.
I'm about to wake her up nang maisip kong huwag na lang. Feliza told me na hindi siya nagkaroon ng maayos na tulog. I unbuckled her seatbelt and carried her bridal style. Sakto namang bumukas ang gate nila at sinenyasan ako ni Yaya Helen na pumasok at itinuro ang kuwarto ni Crystal sa second floor. Buong ingat ko siyang inilapag sa kama. Hinawi ko ang ilang hiblang buhok na tumatabing sa maamo niyang mukha. Tinanggal ko ang kanyang mga sapatos saka ko inayos ang kanyang kumot.
"Take a rest my Crystal. I will always be here for you." I whispered and give her a very light kiss on the forehead.
Tumayo si Yaya Helen mula sa pagkakaupo sa sofa sa sala nang makita akong pababa sa hagdan.
"Iho, salamat sa paghatid mo sa alaga ko. Kung alam mo lang kanina pa ako nag-aalala sa kanya." "Wala pong anuman."
"Gusto mo bang kumain o uminom man lang bago ka umuwi? Ipaghahanda kita, Iho." "Salamat pero huwag na po kayong mag-abala. Mabuti pa pong magpahinga na lang kayo para makabawi agad kayo sa pagod at puyat nitong nagdaang araw."
"O siya, mag-ingat ka sa pag-uwi, Iho."
Ibinagsak ko ang pagod kong katawan sa kama. It's been a long day. But I smiled with the thought na nakasama ko si Crystal kahit saglit lang. Crystal Crystal Crystal Crystal Kay sarap bigkasin ng paulit-ulit ang pangalan niya. As her lovely face flash on my mind, I came out with a decision I don't want to miss this chance. This time, it's my turn.