KABANATA 1

2636 Words
MORENONG GWAPO Month of April way back when I first saw him. Hindi ko alam kung paano nagsimula, basta ang natatandaan ko nalang ay ang plano namin ni Tito na lumipat ng matitirahan sa probinsya at doon mag-umpisa ng panibagong buhay, dahil na rin sa ex-boyfriend niyang pinagkakaperahan lang siya. That was one of the reason bakit mas lalo lang kaming nalugmok sa utang. May pera naman kami, hindi nga lang ganoon kalaki. Hindi rin naman namin pwedeng gamitin iyon para ipambayad sa utang ng manggagantsong lalaking 'yon, ano nalang ang mangyayari sa amin if that will gonna happened? Lahat ba naman kasi ng gusto ng Brian na 'yon ay binigay ni Tito, kaya ayon kami ang hinahabol. Hindi naman namin alam ni Tito na may malaking pa palang inutang ang lalaking iyon at ang masama pa ay ipinangalanan pa nga kay Tito. "Lica! Bilisan mo diyan, mahuhuli na tayo sa bus!" bulyaw ni Tito matapos niyang bumaba ng tricycle. Inirapan ko lang ito at pilit na lumabas ng tricycle, ikaw ba naman makakalabas ka ba kaagad kung puro bagahe ang nakapalibot sayo at kasama mo sa loob ng tricycle? Nakaangkas siya sa likod ng driver kaya hindi niya alam kung ano ang pakiramdam na para kang nasa loob ng lata at nakikipagsiksikan sa mga bagahe. Hindi ko nga alam kung humihinga pa ba ako kanina habang bumabyahe kami o hindi na. Ang pagkakatanda ko lang ay niyakap ko ang mga bagahe para lang hindi mahulog. Nakakainis wala kasing parelya itong natiyempohan naming tricycle, wala rin naman halos nagdadaan na tricycle kanina. Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko, alas tres palang ng madaling. Hindi na nga kami nag-almusal dahil sa kamamadali at baka maiwanan ng bus. Halu-halo ang mga bagay na nararamdaman ko pagod, antok at gutom. Masyado ko kasing minadali ang pagpapaclearance ko na wala pa man isang linggo ang bakasyon ay ito na ang inatupag na dapat ay nagre-relax ako sa mga panahon na ito. Ngunit wala rin naman akong magagawa, ayaw kong magpaiwan at baka ako pa ang pagpyestahan ng mga pinag-uutangan ng Brian na 'yon, dahil nga kasabay ng paglipat namin ng bahay ay ang paglipat ko rin ng school. Hindi madali sa akin ang mga nagdaang araw dahil sa dami ng ginagawa sa school dagdagan pa ng problema sa utang. Wala rin naman akong magagawa kahit na kasalanan ni Tito kung bakit ganito ang nangyari sa amin at naubos ang perang iniwan sa akin ni Papa ng namatay ito, hindi ko rin naman siya pwedeng iwan at kunin lahat ng perang iniwan sa akin dahil siya nalang ang nag-iisang kamag-anak na meron ako. Maliban sa Nanay kong hindi ko alam kung buhay pa ba ngayon o hindi na. Mula nang lumaki ako ay si Papa at Tito lang ang nakilala kong kamag-anak. Ang sabi pa ni Tito ay iniwan daw ako ng taong nagluwal sa akin matapos akong ipanganak isang buwan makalipas. Kaya ng malaman ko 'yon ay hindi na ako nagtangka pa na hanapin siya. Hindi ko na ininda pa ang nararamdaman kong gutom nang makapasok kami ng bus at maiayos ang mga gamit namin sa compartment. Mas okay nang magutom ako kaysa naman mapag-iwanan ng bus. Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal ang ulo sa bintana. Kailangan kong bawiin ang pagod at puyat ko sa mga oras na ito, hindi ko alam kung makakatulog ba ako but I do my best. Mabuti nalang din at hindi air condition itong napagsakyan namin, baka lalo lang akong hindi makakatulog at tiyak magsusuka lang ako sa buong byahe. Nagising nalang ako nang maramdamdaman ko ang init na pumapaso sa aking balat, mataas na ang sikat ng araw. Kung hindi ako nagkakamali ay alas syete na sa mga oras na ito. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng bus, mas lalong dumami ang mga pasahero, may ilang mga nakatayo at ang ilan pa ay nagsisiksikan sa dalawang upuan na para sa dalawang katao lang ang pwedeng umuupo ngayon ay tatlong katao na. Kumunot ang noo ko nang mahawi ng paningin ko ang isang lalaking buhat buhat ang ang isang maliit na timbang itim, pilit nitong sumisiksik sa mga taong nakakatayo habang sumisingaw. "Mani! Beans! Kayo d'yan!" Napailing nalang ako at itinuon ang pansin sa labas ng bintana. I'm sure hindi na ako makakatulog ngayon lalo na't mainit. Inaliw ko ang sarili sa mga bahay at puno na nadadaanan ng paningin ko. Kunot noo kong sinulyapan ang taong nasa tabi ko nang kalabitin ako nito. "Oh." Hawak niya ang isang bagay habang inaabot ito sa akin ang isang balot ng beans na tig bente pesos. Hindi ko aakalain na bibili siya ng ganito, hindi na ako magtataka kung ito na ang meryenda namin sa araw na ito. Alam kong tinitipid na ni Tito ang perang natitira, hindi naman namin alam kung ano ang dadatnan namin sa Zambales, hindi ko rin alam kung may kailangan pa akong bayaran para sa tuition fee sa lilipatan ko. Wala naman akong ka ide-idea kung saan ako school na lilipat, basta iyong malapit lang sa tinitirahan namin para naman hindi ako mahirapan at gumastos sa pamasahe. Tinanggap ko ang beans na inabot niya at sumulyap muli sa bintana. Pagtitiyagaan ko nalang muna ito makaraos lang sa gutom na nararamdaman ko. Napansin ko nga na namayat ako nitong mga nagdaang buwan, siguro dahil na rin sa pagpupuyat sabay pa na nastress din ako sa mga requirements bago magtapos ang klase at hindi lang 'yon tipid din sa pagkain dahil nga sa lakas lumanon ng nobyo ni Tito. Dibale babawi nalang ako kapag nakapaghanap na ako ng trabaho ngayong bakasyon, but I don't know kung ano ang trabaho na pwede sa akin lalo na't menorde-edad palang ako. Four years pa bago ako mag eighteen. Ilang oras pa na lumipas ang byahe hanggang sa tuluyan nang huminto ang sinasakyan, kasunod noon ang pagbaba namin. Habang nakatayo sa gilid ng daan inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Mabibilang sa daliri ko ang ilang taong naglalakad at mga lalaking dikit sa edad ko o medyo matanda lang sa akin ng ilang taon na tambay sa isang tindahan hindi kalayuan. Nagtatawanan at mukha nagkakasiyahan sila sa mga pinag-kukwentuhan nila. Natigil sa pagtawa ang isang lalaki mula sa lugar na 'yon. Moreno at malakas ang karisma ng lalaking 'yon, dahil kahit na nasa malayo ako mapapansin ko-oo inaamin kong gwapo siya, gwapo talaga siya kahit na hindi siya Mistiso tulad ng mga lalaki na nakakasalamuha ko sa Manila. Diretso ang mga mata nito sa lugar kung saan kami nakatayo, hindi ko alam kung sa akin ba siya na katingin o sa dalawang babae na naglalakad papalapit sa amin at nagtatawanan habang nagkukwentuhan. Maputi at mukhang may kaya sa buhay ang dalawang babaing ito, maganda at walang arte sa katawan. Ganitong babae iyong mga hinahangaan ko, hindi kailangan ng make-up para lang masabi na maganda. Kumaway ang mga ito sa tindahan kung saan nakatambay ang moreno kasama ang mga kaibigan nito. "Hoi, bata ka. Sinong kaaway mo d'yan?" tanong ni Tito matapos akong kalabitin. Hindi ko aakalain na mapapansin niya ang pag-irap ko mula doon sa tindahan. Umiling ako. Ewan ba kung ano ang nangyari sa akin, may side na naiinis ako dahil ang akala ko sa akin nakatingin 'yon naman pala sa mga babaing dumaan sa harapan namin. Sumunod ako kay Tito nang mag-umpisa siyang maglakad. Mas ikinagulat ko pa nang tutumawid kami at tinungo ang tindahan kung saan nakatambay ang morenong lalaki. Dinig ko ang pagsipol ng mga lalaki mula roon nang makalapit kami, hindi ko pinakinggan mga kantiyawan nilang at nilingon ang lugar sa kabilang daan. Hindi ko napansin kanina na isang University pala ang katapat ng tandahan na ito. I think dito nalang ako mag-eenroll, total malapit naman ito sa lilipatan namin. Inis kong nilingon ang taong bumunggo sa akin, hindi pala akong binunggo. Sumubsob siya sa akin dahil sa tinulak siya ng kaibigan, mas lalong lumakas ang tawanan at kantiyawan nila dahil doon. Seryoso itong nakatingin sa akin habang masama ang tingin sa mga kaibigan niya. "Sorry Miss." Inirapan ko lang ito at lumingon sa kabilang bahagi ng daan. Nahuli ko pa nga ang pag-irap ng dalawang babae sa akin. Halatang may gusto sila sa morenong ito at ganyan nalang kung umasta at manggilaiti. Kasalanan ko bang tinulak siya ng mga kaibigan niya sa akin? Sayang hinahangaan ko na sana sila sa pagiging simple nila pero kung ganyan nila ako kung irapan dahil sa nagseselos sila aba't na turn off na ako sa kanila. Wala kahit isang salita sila narinig sa akin hanggang sa makaalis sila. Rinig ko ang panghihinayan nila dahil doon lalo na iyong lalaking mistiso na mukhang m******s. Tinanggap ko ang inabot ni Tito na fudgee barr. Nagpara naman ito ng isang tricycle. "Nasobrahan pala tayo nang pinagbabaan mabuti nalang hindi ganoon kalayo," kwento niya habang patuloy na umaandar ang tricycle. Mabuti nalang at nasa parelya ng tricycle ang mga bagahe hindi naman kasi makaupo si Tito sa likod ng driver dahil may pasaherong nakaupo roon. Wala pang dalawang minuto nang huminto na ang tricycle sa isang kanto. Sinunod ko ang ginawa ni Tito at bumaba ng tricycle. Hindi ko maikakaila na presko at malilim dahil sa dami ng puno kahit na tirik na tirik ang araw, halos puro puno at halaman nga sa loob ng bakuran ng mga bahay dito. Napalingon ako sa babaing sumigaw para salubungin kami, halos tumakbo na nga ito para lang makalapit. "Pasensya na, hindi ko kayo naabutan tinatapos ko lang kasing lutuin 'yong pananghalian natin. Naligaw ba kayo?" Nag-aalalang tanong ng babae nang makalapit ito sa amin. Hindi ko matandaan kung saan ko nakita ang babaing ito pero pamilyar ang mukha niya. "Okay lang, nasobrahan lang kami nang binabaan mabuti nga at may napagtanungan kami," pagkukwento ni Tito habang nakangiti. "Ganoon ba? Pasensya na talaga, gutom na ba kayo? Naghanda ako ng makakain para sa atin. Halina't sigurado akong napagod kayo sa byahe." Alas dose na at sobra na talaga akong nahihilo dahil sa gutom. Ikaw ba naman isang balot na beans lang ang pinang-umagahan mo tapos pagod ka pa sa byahe. "Catherine ito nga pala si Lica pamangkin ko. Lica ito nga pala si ate Catherine mo kaibigan ko," pagpapakilala niya. Nginitian ko lang ito, mukha naman siyang mabait. Siya rin pala iyong kinukwento ni Tito sa akin na tutulong sa amin sa paghahanap ng bagong bahay na lilipatan namin. Actually, nakahanap na siya at hindi na rin masama na kapit-bahay namin siya. Mabuti na rin 'yon at kahit papaano ay may kakilala kami sa lugar na 'to kahit na bagong salta lang kami. Tinulungan din kami ni ate Catherine sa pagbitbit nga mga gamit na dala. Mabuti nalang at hindi ganoon kalayo ang nilakad namin papasok ng kantong ito. Sinamahan muna kami ni ate Catherine sa bagong bahay namin bago kami niyaya para kumain sa kanila. Nakakahiya man ngunit nagustuhan ko na rin ang pagpapaanyaya niya. Maliit lang iyong bahay hindi tulad sa bahay namin noon pero okay na rin, basta may kitchen dinning area, bathroom, leaving area at dalawang kwarto. Kaming dalawa lang naman ni Tito ang titira rito. May dalawang anak si ate Catherine isang babae at lalaki. Limang taong gulang ang anak niyang lalaki samantala ang panganay nito ay halos kaedad ko lang. Matanda nga lang sa aking ng dalawang taon. Nag-iisa nalang siyang nagtataguyod sa anak niya dahil nga sa iniwan na siya ng asawa niya. Hindi ko tuloy maiwasan hindi mainis. May mga magulang talaga na iiwanan ang anak nila na parang wala pananagutan sa bata. Ang tatanda na nila pero hindi naman nag-iisip ng tama, hindi manlang nila naisip kung ano ang mararamdaman ng batang 'yon. Lumingon ako sa anak ni ate Catherine na babae tahimik lang ito na akala mo nag-iisa lang na kumakain sa hapag kainan, kaninang ipinakilala siya sa akin ni ate Catherine ay tinanguan lang niya ako. Samantala ang kapatid niyang lalaki ay napakadaldal at minsan pa ay nakakatawa. Matapos ang pananghalian na 'yon, nagpasalamat at bumalik na rin kami ni Tito sa bahay. Marami pa kaming dapat na gawin iayos ang mga gamit at maglinis ng bahay, medyo maalikabos ang sahig ng bahay at may sapot din ng gagamba sa kisame. Ngunit bago ang lahat ng iyon ay kailangan ko munang magpahinga, medyo maalon-alon ang pakiramdam ko dahil sa mahabang byahe. Matapos ni Tito na maligo ay sumunod na rin ako. Binukasan ko ang bintana at ibinagsak ang sarili sa foam, mabuti nalang at libre ang ilang mga gamit sa bahay na ito. Electric fan, ilang kasangkapan sa kusina at itong foam na napaglumaan na. Kaya hindi na mahirap mag-umpisang bumili ng mga gamit. Iniwan na kasi namin doon sa lumang bahay ang mga gamit namin dahil sa hindi naman namin kayang idala iyon lahat dito. Nasa abroad na rin ang taong may-ari ng bahay na ito kaya pinarenta nalang nila kaysa naman hayaan nalang ang bahay. Tumingala ako at pinagmasdan ang kisame, hindi ko maiwasan na hindi mapaisip sa lalaking moreno na 'yon. Ni minsan ay hindi pa ako naging curious sa isang lalaking. Ngayon lang talaga. Kadalasan kasi napapansin ko lahat ng gwapo ay mistiso. Ganoon naman talaga diba? Masasabihan kang gwapo kapag maputi ka. But right now, hindi na ako naniniwala dahil nga nakakita na ako ng gwapong moreno. Akala ko rin noon masasabi lang na gwapong moreno kapag artista. Teka nga, ano naman ang pakialam ko kung gwapong moreno siya? Umiling-iling ako upang mabura sa isipan ko ang itsura ng lalaking iyon. Hindi ko siya gusto o kung anuman ang naglalaro sa isip ko. Argh! Mas lalo lang nadagdagan ang pagkahilo ko dahil sa ginawa ko. Ipinikit ko ang mga mata at pinilit na makatulog. Mababaliw at mas lalo lang ako mahihilo sa kaiisip sa kanya. "Lica, ang Tito mo?" nakangiti nitong tanong nang pagbuksan ko siya ng pinto. Lumingon ako sa pinto ng kwarto ni Tito. "Tulog pa rin po yata. Bakit ate Catherine?" "Balak ko sana siyang samahan ngayon, ngayon din kasi siya gustong makilala ng Boss ko para alam mo na bukas ay makapag-umpisa na siya sa trabaho," sagot niya. "Gan'on po ba sige po tatawagin ko po kung gusto niyo." "Ah 'wag nalang babalik nalang ako mamaya o kaya pakisabing nagpunta ako dito. Kung gusto niya puntahan niya nalang ako sa bahay." Pigil niya sa akin. "Sige po," Tumango ako rito. "Ah ate Catherine." Naiilang ko siyang tinignan. "May alam po ba kayong trabaho na para sa akin, iyong hindi po kailangan ng edad sa trabaho. Alam niyo na po pangdagdag lang sa gastusin at gusto ko rin pong makaipo ng pera para sa pasukan." Nakakahiya man magtanong, siya na nga ang tutulong kay Tito para makahanap ng trabaho tapos ito pa ako at humihingi rin ng tulong sa kanya. Siya lang kasi ang kilala namin sa lugar na 'to kaya wala na akong choice. "Naghahanap ka rin pala ng trabaho tamang tama si Joyce naghahanap ng makakasama." Tukoy niya sa anak niyang dalaga. Nakangiti niya akong tinignan. "Okay lang ba sayo ang panggabing trabaho?" Nakangiti ko siyang ginantihan ng ngiti. "Ah, opo okay lang po 'yon." "Sige, sasabihan ko siya. Bukas nalang siguro kayo ng gabi mag-umpisa para naman makapagpahinga ka pa." Tinanguan na ako nito at nagpaalam na para umalis. Hindi ko maalis ang ngiti sa aking labi, sa panahon kasi ngayon mahirap maghanap ng trabaho lalo na kung minor ka pa. Kaya mahihirapan talaga akong kumita ng pera para sa pansarili. Mabuti nalang din at kinapalan ko ang mukha ko kung hindi ay baka hindi na ako makahanap ng trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD