KABANATA 2

2611 Words
GASOLINE BOY Mabilis na lumipas ang gabi. Natanggap din si Tito sa trabaho niya sa parlor. Kaya ngayon mag-isa nalang ako dito sa bahay. Mabuti nalang din at may inihanda na siyang umagahan at pananghalian ko. Nakapagpaalam na rin ako sa kanya na may trabaho ako mamayang gabi, kaya mag-isa nalang siya rito sa bahay mamaya. Hindi pa nga siya pumayang noong una dahil sa trabaho kong pang gabihan, baka dahil sa puyat ay magkasakit ako at mas gagastos pa kami ng malaki. Sabi ni Joyce hindi naman daw magdamag na dilat ang mga mata namin. Ala una hanggang alas tres o alas kwatro nang madaling araw ay pwede kaming matulog. "Tito naman, payagan niyo na po ako," pagpipilit ko. Hinawakan ko pa ang braso niya para lang talaga na pilitin siya. Gusto ko talaga ang trabaho na iyon, hindi naman masama ang trabaho na inalok sa akin. Madali nga lang kaya lang kailangan lang talaga na dilat ang mata mo sa gabi. "Sayang naman po iyong kikitain ko," dagdag ko pa. Napapikit nalang si Tito kasabay ng paghilot niya sa kanyang sintido. Alam kong nagpipigil talaga siya ng inis at galit sa akin dahil sa ginagawa kong pamimilit. Bahala siya hindi ko talaga siya titigilan hanggang hindi ko siya napapapayag. "Kaya nga ako magtatrabaho bukas para may pang dagdag tayo sa gastosin dito sa bahay, kaya kitang pag-aralin ng ako ang gumagastos. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho," paliwanag niya. "Pero Tito sayang naman po diba? Naka-oo na ako kay Joyce hindi na ako pwedeng umatras pa, saka si Joyce naman po ang kasama ko eh," pagpilit ko. "Paano kung may lasing kayong customer tapos binastos kayo anong gagawin niyo?" Diretso ang tingin niya sa aking mga mata. "Hindi lang kayo babae menorde-edad pa kayong dala. Sixteen palang si Joyce at wala kayong magagawa kapag nangyari ang bagay na 'yon." "Grabe ka naman mag-imagine Tito. Hindi naman yata gan'on ang mga tao dito, hindi sila tulad doon sa atin," Niyakap ko na ito para talagang pumayag na siya. Wala siyang choice nagkaroon siya ng pamangkin na makulit na katulad ko. "At saka Tito maawa ka naman kay Joyce hindi pwedeng iisa niya lang sa trabaho mamaya." Seryoso niya akong tinignan at dahan-dahan na tumango. "Talaga, Tito?" Mabuti nalang talaga at pumayag si Tito sa huli. Halos mapatili ako dahil doon. Matapos kong mag-umagahan ay inayos ko muna ang mga damit ko sa maliit at lumang kabinet sa kwarto ko. Kahit ang mga damit ni Tito ay inayos ko na rin. Inumpisahan ko na rin na maglinis ng bahay. Nag-agiw, nagwalis at nag mop ng sahig. Diligan ko na rin ang ilang mga halaman sa bakuran. Matapos kong maligo ay humiga na ako. Kailangan kong mag charge ng energy ko para mamaya, para na rin hindi ako ganoon kabilis antukin. "Mag-iigat ka roon ha. Call me kapag may napapansin kang hindi magandang kilos ng mga customers," paalala ni Tito habang kumakain kami. Kanina at paulit-ulit niyang ibinibilin sa bagay na 'yon. "Tito naman, magtatrabaho po ako hindi mag-aabroad," biro ko. Masyado naman kasi siyang OA. Tinignan niya ako nang masama na kinindatan ko lang. Matapos kung kumain kinuha ko na ang jacket na gagamitin ko at ipinasok sa cellphone sa bulsa nito. Kailangan ko nalang hintayin si Joyce. "Oo na Tito." Natatawa ko siyang tinignan, ang kulit-kulit naman kasi. Hindi ko na nga mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses niya akong pinaalalahanan mula ng makauwi siya galing trabaho. "Ilock niyo po 'yong gate pati na ang pinto," paalala ko. Patakbo akong sumunod kay Joyce. Tahimik lang kami nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang ngayon tahimik parin siya. Kahapon ko lang nga siya nakausap ng alukin niya ako sa trabaho, matapos iyon ay hindi na talaga siya nagsalita pa. Hindi ko na nga matandaan ang boses niya eh. Nakarating kami ng hindi niya ako nililingon o pinapaalalahanan kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin. "Magandang gabi po," sabay naming bati sa isang babae na nasa edad kwarenta hanggang singkwenta. Siya ang may-ari ng lugawan na pagtatrabahuhan namin. Mukha naman siya mabait at hindi ganoon istrikto. Nilibot ko ang kabuuan ng lugar, hindi ganoon kalaki at marami pa rin na customers kahit na gabi, kaya siguro nangangailangan ng tindera. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapaisip na magkaroon din ng business lalo na iyon bakery, coffee shop or restaurant. Kahit isa lang sa mga business na about sa pagkain. Napanguso nalang ako nang maalalang hindi ako ganoon kagaling sa pagluluto puro prito lang ang alam kong lutuin pero iyon talaga ang gusto kong maging negosyo. Dibale hahanap nalang ako ng tauhan na magaling magluto. Ang mahalaga kailangan ko munang mag-aral, makapagtapos at makahanap ng trabaho para na rin makapag-ipon nang makapagpatayo ng negosyo. Itinuro sa amin ni aling Lita kung ano ang dapat at hindi dapat gawin, kung paano rin mag serve. Mabuti nalang din at merong nakaprint kung magkano ang presyo ng goto, plain lugaw, mami at iba pa. Sa dami kasi ng nakalagay sa menu hindi agad matatandaan ito. Hindi rin naman ako kagaling sa pag memorized ng mga bagay bagay. Nakakatuwa nga nang subukan kong mag serve ng guto sa bagong customer but deep inside nakakakaba kasi mainit iyong bowl na hawak ko. Nakakatakot na baka mabitawan ko nalang bigla. Ilang gabi na rin ang lumipas nang mag-umpisa kaming magtrabaho. Pagod dahil sa puyat pero okay lang. May naipon naman ako pambili ng school supplies para sa darating na pasukan kahit na mahigit isang buwan pa bago mag-umpisa, may naipon na rin ako sa dagdag baon ko na kahit hindi muna ako manghingi kay Tito sa ilang araw ng pasukan. And also nakakatulong din ako kay Tito sa mga gastosin dito sa bahay lalo na kapag dating sa mga pagkain at kuryente. Ganito nga talaga iyong pakiramdam na mas magpupursige ka sa pagtatrabaho lalo na at nakakahawak ka na ng pera na galing sa pinagtrabahuhan at pinagpaguran mo. Kaya mas lalo ko lang tinutulak ang sarili ko na magtrabaho. Nakangiti akong tumango sa bagong customer matapos niyang sabihin ang order niya. Nilingon ko muna si Joyce na nakahiga sa isang papag at natutulog bago tuluyan na pumasok sa kitchen. Nagpalit kami ni Joyce ng schedule sa linggong ito. Alam ko naman pagod siya dahil sa naglaba ito ng mga damit nila at naglinis ng bahay kanina lang. Kaya dapat ay tulog ako sa mga oras na ito ay hindi. Alas syete hanggang alas onse ang schedule ko noon linggo ngayon ay alas dose, itutulog ko ng ala una hanggang alas kwatro ng madaling araw at itutuloy ang trabaho sa alas kwarto hanggang alas syete hanggang sa dumating ang kapalit namin. Iyon din naman ang napag-usapan namin, mas mapapagot at hindi namin kakayanin ang puyat kung dalawa kaming dilat buong magdamag. Matapos kong magawa ang order ng customer ay inilagay ko na ito sa trey. Dalawang goto at isang mami with three serve of tokwa. Nagtataka nga ako kung bakit tatlong serve ang in-order niya, eh nag-iisa lang naman siyang om-order. Nakangiti akong naglakad papalapit sa table nila. Tama nga ako may dalawa pa siyang kasama. Ang laging paalala ni aling Lita ay ngumiti lagi sa customers, minsan daw kasi ay nagbibigay ito ng tips at ang ibig sabihin lang n'on kapag may tips sa tindera mismo mapupunta, kaya sinusunod ko ang payo niya. Noong isang gabi mahigit one hundred pesos iyong naipon kong tips sa mga customers kaya mas naiingganyo akong ngitian ang bawat customers ko. Hindi ko nga lang alam kung gan'on din ang ginagawa ni Joyce masyado pa naman mahiyain ang babaing 'yon. Mabuti na nga at kinakausap niya na ako paminsan-minsan pero madalas nagmumukha parin akong baliw dahil sa kanya. Hindi pa rin maalis ang ngiti ko hanggang sa mailapag ko ang trey na hawak ko. Nitong mga nagdaang araw ay naniniwala na talaga ako sa mga sinasabi sa akin ni Papa at Tito noong bata pa ako na maganda at cute raw ako, na mas malakas ang karisma ko sa isang lalaki. Dati hindi ako naniniwala kasi akala ko binibiro lang nila ako pero ngayon ko napagtanto na totoo pala. Hindi naman siguro ako masasabihan ng malandi every time na gagawin ko ang bagay na 'to, diba? Inilagay ko ang takas na buhok ko sa likod ng taenga ko habang nagpapacute sa tatlong customer, ito lang ang alam kong puhunan ko para magkaroon ng tips. Sana swerte sila kasi ang unang customers ko sa oras na ito. Ngunit nagkakamali ako, dahan-dahan na naglaho ang ngiti sa aking labi ng malingon ko ang ikatlong customer at mapagtanto kung sino siya. Sh*t anong ginagawa niya dito? Teka isa rin siya sa nagtatrabaho sa station hindi kalayuan dito sa gotohan at isa siyang GASOLINE BOY? WTF! Nakakunot ang noo nito habang masama ang tingin na ibinabato sa akin. Wari'y may nagawa akong masama sa kanya kahit wala naman talaga. As I remember siya itong may kasalanan sa akin, binunggo niya ako noong bagong salta lang namin dito. Mabilis kong inayos ang mga order nila at bumalik sa counter. I'm sure wala akong matatanggap na tips sa kanila, hindi ako nanghihinayang sa mga oras na ito lalo na kung ang magbibigay ng tips ay ang morenong iyon. Dibale nalang mas pag-iigihan ko nalang ang pagpapa cute mamaya sa ibang customers. I'm sure mas tatalab pa ang pagpapa cute ko sa iba kaysa sa kanya. Hindi ko maiwasan hindi maalala ang tingin niya sa akin kanina, parang ang pangit kong magpa cute sa kanya iyong tipong pangit talaga ako sa paningin niya. Walang labang iyang pinaglalaban niyang mukha kapag dating kay RK Bagatsing, gwapo na may abs pa. Siya? TSK. Sige sabihin na natin na maganda nga ang hubog ng braso niya, may abs ba? Napairap ako. Bakit ko ba pinagkukumpara ang lalaking iyon sa crush kong artista? Eh, wala naman talaga siyang maibibiga pagdating kay RK. Napatalong akong sa gulat nang mapagtantong may nakatayo pala sa gilid, sh*t lang ganoon ba ako la preoccupied? At hindi ko man lang napansin na tapos na pala silang kumain. Matapos niyang magbayad at makaalis kasama ng mga katrabaho niya ay hinabulan ko pa sila ng pag-irap. Sabi na nga ba wala akong matatanggap na tips galing sa kanila. Mga kuripot! Hindi ko alam pero nanghihinayang ako sa ilang araw na nagdaang gabi kung bakit nakipagpalit ako ng schedule kay Joyce. Wala akong natatanggap na tips sa mga nagiging customers ko hindi tulad noon na kahit palima-limang piso ay may natatanggap ako, ngayon kahit piso ay wala. Gusto ko man kausapin si Joyce na ibalik ang schedule namin noon ngunit nahihiya ako. Hindi lang dahil sa wala akong natatanggap na tips kung hindi dahil sa gabi gabi kong nakikita ang mukha ng lalaking 'yon, nalaging masama ang tingin sa akin kahit wala naman talaga akong ginagawang masama sa kanya. Hindi ko nga siya kinakausap o pinapansin, hindi na nga ako nagpapa cute sa kanila ng mga katrabaho niya. Kaya nga wala akong extra income or what should I said wala akong tips na natatanggap. Hindi maalis ang excitement ko nang madungaw sa malayo si ate Shin ang tindera sa umaga. Sa wakas makakauwi na rin kami. Halos magdamag akong gising kanina at nitong mga nagdaang mga araw. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil na rin sa muli kaming nagkita ng morenong lalaki na 'yon. Iyong din kasi ang unang gabi na hindi ako comfortable na matulog tuwing ala una hanggang alas kwarto ng umaga. Umuwi na rin kami matapos dumating ni aling Lita at ibigay ang sahod namin sa gabing iyon. Kamut-kamot ko ang mata ko upang labanan ang antok na unti-unti ng nabubuhay sa sistema ko, mas lalo na akong kinakain ng antok dahil nasa tapat na ako ng bahay. Kasabay ng pagbukas ko ng gate ay ang pagbukas din ng pinto ng bahay. Inaantok kong nilingon si Tito, nakapustura na ito at handa na para sa araw na 'to. Ngayon ko lang siya ulit nadadatnan na nandito pa sa bahay. Kadalasan kapag uuwi ako galing trabaho ay hindi ko na siya nadadatnan pa. Kapag umuuwi nalang siya galing sa trabaho sa hapon ay doon nalang kami nagkikita. "Napaaga ka yata ngayon?" nagtatakang tanong ni Tito. Tumango lang ako dito at tuluyan ng pumasok ng bahay. Narinig ko pa nga ang sigaw niya na hindi ko nalang pinansin. "Masyado mong pinapagod ang sarili mo d'yan baka magkasakit na, hindi-" Sa mga sumunod na gabi ay ganoon pa rin ang nangyayari, parehas at walang pinagbago pa rin ang tingin sa akin ni Byrle ang lalaking moreno. Narinig ko kasing noong isang araw habang nag se-serve ako ay tinawag siya sa pangalan niya ng isa sa mga katrabaho niyo. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko nang mapatalon ako sa gulat, wala akong narinig na ingay kaya hindi ko aakalain na wala customer. "Yes, Sir?" magalang kong tanong kahit na medyo kinakabahan dahil sa kahihiyan na nangyari. Nilingon ako ang ligod nito upang malaman kung may mga kasama ba ito. Ngunit wala, wala ang mga katrabaho niya na madalas niyang kasamang kumain. "Dalawang goto with egg," Naglaho ang sama ng tingin niya sa akin sa mga oras. Hindi ko alam kung bakit. "Dalawang tokwa na rin," maiksing sagot nito at mabilis akong tinalikuran, hindi niya na talaga hinintay ang sasabihin. Mabuti na rin 'yon. Patakbo akong nagtungo sa kitchen at marahas kong ibinuga ang hangit na kanina ko papinipigilan. Umiling ako. Whats wrong with me? Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakaramdam ng kaba kabang hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman at the same time wala naman akong ginagawang masama. Minadali kong in-prepare ang pagkaing in-order niya. Dahan-dahan akong nagtungo sa lamesa kung saan siya puwesto. Nag-iisa lang siya doon at wala pa rin dumarating na kasama niya. Pakiramdam ko ito na ang pinaka mabagal at nakaka intense na pag se-serve na ginawa ko sa ilang linggong pagtatrabaho ko sa gutohan. Hindi ko aakalain na hahablutin niya ang braso ko sa balak kong pag-iwan sa kaniya. Milyon milyong boltahe ng kuryente ang naramdaman ko sa buong katawan at naramdaman ko pa ang pagtaas ng buhok ko sa batok. "Stay, gusto lang kitang makausap," utos niya. Humugot ako ng malalim na hininga at pasimpleng humikab upang ipakita na inaantok na ako kahit ang totoo kinakabahan at natatakot talaga ako. "Upo ka," sinenyasan niya ang upuan na nasa harapan niya. Umupo ako. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko na sinunod ko ang utos niya. Pormal ko siyang nilingon, I clear my throat. "Anong kilangan mo?" Wala naman kaming dapat pang pag-usapan, hindi naman kami magaibigan at wala rin naman akong ginawang masama sa kanya. "I just want to say-" Sabay naming nilingon ang dalawang taong nagtatawanan habang papalapit sila sa amin. Natigil ang tawanan nila at sandaling sinuri kung namamalik mata ba sila o hindi. Mabilis na naglaho at napalitan ng nakakalokong tingin sa amin. Napakagat nalang ako ng labi nang napagtanto na nasa iisang mesa lang kami. Kung ibang tao ang titingin ay nasisiguro kong iisipin nila na nag da-date kami. Dali-dali akong tumayo at naglakad pabalik sa counter. Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko dahil sa kahihiya. Wala naman nakakahiya kung maabutan nila kami makasama sa isang mesa ngunit para sa akin ay nakakahiya na ang bagay na iyon. Baka isipin ng mga katrabaho niya ay may gusto ako roon sa lalaki. Kahit wala naman talaga. Wala talaga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD