Hindi ko na inabala ang sarili kong magbihis. Nakauniporme parin ako. Hindi ko rin alam kung ano na ang hitsura ko sa oras na 'to. Ang tangi lang laman ng utak ko ay lahat ng sinabi ni Hana at ni Vince sa akin. Nakasakay na ako ng taxi at papunta na doon sa 3DBar. Pagdating ko doon ay pumasok agad ako. May mga tao na doon pero hindi pa gaanong marami na yung tipong nagsisiksikan na sa dancefloor. May sumasayaw pero konti lang. Maaga pa kasi. Hinagilap ko agad ang imahe ng halimaw. Lumipad sa mga couch ang atensyon ko kung saan sila umuupo na magpipinsan. Nahagip ng mga mata ko si Harel sa isang couch at tama nga ang hinala ko. My monster is here! Lakas loob kong inihakbang ang ang mga paa ko papunta doon. Napansin agad ako ni Harel at nanlaki ang mga mata. Kasama niya doon an

